Chapter three

49 6 0
                                    

Chapter 3

Maaga pa kaming nakauwi kaya nagkaroon ako ng oras para sa paglagay ng mga christmas decoration sa bahay at natapos ko rin ang christmas tree namin sa sala. Natutulog si Christian kaya paniguradong matutuwa ito kapag nakitang pasko na sa bahay.

Nagulat pa ako ng marinig ko ang tili ni Joy mula sa likuran ko.

"Aaayyyyyy... "

"Sssshhhh... Wag ka ngang maingay natutulog ang anak ko, kompirmado, may lahi ka ngang magnanakaw, paminsan-minsan matuto ka namang kumatok nakakagulat kasi ang bigla-bigla mong pagsulpot,"

"Ay naku, kasalanan ko ba? Kanina pa ako tawag ng tawag sa yo, may sira narin ata yang tenga mo, bukas naman ang pinto kaya pumasok na ako,"

"Ah basta wag ka na lang maingay baka magising pa si Christian, di mo lang alam kung panu magalit ng anak ko kapag binubulabog sa pagkakatulog,"

"Ang inaanak ko? Magagalit? Naku e di wala siyang gift sa akin,"nakangiting sabi ng kaibigan.

"Hay naku,"

"Ikaw yung 'hay naku' papupuntahin mo ako dito tapos parang ayaw mo naman akong papasukin dito,"

"Hinaan mo nga ang boses mo,"

"Anu ba kasing problema? Kaibigan kita kaya alam ko kung kailan may problema ka, sabihin mo anung problema mo?"

Naupo muna ako sa sofa at ganun din ito. "Kanina kasi nung mamasyal kami ni Christian,"

"Oh tapos? Syempre mag lalaro kayo dun, sasakay sa mga rides, mapapagod kayo."natatawa nitong wika."anu ka ba naman June normal lang mapagod, pati ba naman yan pinuproblema mo?------arrayy!!"natigilan ito sa pagdadaldal dahil binato ko ito ng hawak-hawak kong unan.

"Tanga, hindi yun,"

"Eh anu nga?"

"Nakita ko si Aileen,"

"Si Aileen, yung girl sa restaurant?"

"Oo nga, kasama niya yung kapatid niya ipakikilala niya sana kami dun kasi ng makita ko kung sinu ang kapatid niya hindi na kami nagpakita ng anak ko,"

"Bakit naman? May malaking utang kaba dun sa kapatid ni Aileen kaya di mo sinipot?"

"Tumigil ka nga, wala akong utang,"

"Eh sino ang nakita mo?artista ba? Imposible namang si Jetru ang kapatid ni Aileen?"

Pagkasabi niya nun di na ako nakaimik.

Nakatitig lang ito sa akin at tila kinukumperma ang sagot nito. "So si Jetru nga ang kasama ni Aileen? Di nga? Ba't di mo pa ainugod, tiniris at tinadyakan?"parang di makapaniwala si Joy.

"Ako nga din, hindi ako makapaniwala e kaya umalis na lang kami ng anak ko!"

"Ang tanga mo June, kahit kailan ang tanga-tanga mo, pagkakataon mo na yun para maghiganti, naku! Kapag nakita ko yang hinayupak na yan tadtad sa kin yan,"gigil nitong saad.

"Natatakot ako, akala ko kaya ko na harapin si Jetru kapag nakita ko siya, pero hindi, masakit parin, at masakit isipin na parang wala lang sa kanya ang lahat ng nangyari, masaya pa siya sa buhay niya, siguro may asawa na rin siya ngayon,"

"Tapos iiyak ka na naman? Ganun? Wala ng katapusan June? Please lang June akk na ang naawa sa yo,"tumayo ito at di ko alam kung saan pupunta, pagbalik nito may dala ng isang baso ng tubig. "Wag mong suluhin ang anak mo June, responsibilidad din ni Jetru si Christian kaya sabihin mo sa kanya ang totoo,"

"Yun nga ang ikinatatakot ko, baka pag nalaman na ni Jetru na nabuhay ang anak namin baka bawiin niya si Christian at ilayo sa akin!"

Napainom na naman ito ng tubig. "Hay naku June, kawawa kasi yung bata."

"Kaya ko namang ako lang, napalaki ko naman si Christian ng wala siya, di ko man kayang ibigay lahat ng bagay na hingin niya pero kaya kong ibigay ang pagmamahal sa kanya bilang ina, natatakot akong mawala sa akin si Christian."huminga ako ng malalim.

Napahaba pa ang usapan namin ni Joy hanggang sa magising si Christian. Mag-aalas kwatro na pala, hindi namin napansin ang oras sa pagkukwentuhan namin.

Papungas-pungas pa itong lumapit sa amin at hinalikan ako sa pisngi. "Tita ninang nandito pala kayo,"

"Wala picture ko lang to mahal kong inaanak,"pagbibiro nito.

"Ikaw talaga, kaya pilyo yang inaanak mo dahil ikaw naman ang ginagaya,"

Tawa lang ng tawa ito."malapit na ang pasko Christian, anung gusto mong gift?"

"Wala, gusto ko lang magkaroon ng daddy,"

Natigilan kami ni Joy sa sinabi ng anak ko.

Ngumiti lang si Joy. "Ganun? Di ko naman kayang ibigay yun, wala namang pweding mabiling daddy,"

"Bakit naman gusto mo magkaroon ng daddy?di ba't napag-usapan na natin to? Wala na ang daddy mo at nasa heaven na siya kasama ang lolo't lola mo?"

"Kasi po naiingit po kasi ako sa classmate ko na palaging kalaro ang daddy nila, ako wala,"malungkot nitong pahayag na halatang ilang sandali nalang ay iiyak na.

"Nandito naman si Ninang Tita ah? Si mama, di ka ba masaya na nandito kami?"si Joy.

"Masaya naman po, gusto ko lang na may kalarong daddy katulad ng classmate ko, sinusundo pa sila,"

"Christian, mahal ka naman namin eh, " naaawa talaga ako kay Christian, kung pwedi lang sana ipinakilala ito sa papa niya ay ginawa ko na.

"Alam ko naman po yun, tsaka mahal ko din naman kayo,"saad niya at niyakap ako ng mahigpit. OA namang paiyak-iyak si Joy na napayakap sa amin. Kaya natawa nalang kami.

Hindi namin napansin palubong na pala ang araw, hindi na umuwi si Joy doon na kumain sa amin. Pagkatapos, nagpaalam na itong umuwi dahil may lakad daw sila ni Dave. Napasimangot ako dahil akala ko doon na ito matutulog. Ang unggoy na David na yun, panira. Wala akong nagawa, nasa bahay na raw nila hinihintay ito. Ipinaalala nitong muli ang lakad namin bukas, since lingo naman wala kaming pasok kaya wala akong maisip na dahilan para di sumama. Si Christian naman pwedi namang si Tita Liza muna ang magbantay, mama ni Joy.

Yun natahimik na ang buong bahay, wala na kasi ang madaldal. Nakahiga na ako habang nagbabasa ng libro habang lundag ng lundag naman si Christian sa ibabaw ng higaan ko. Di pa raw siya inaantok kaya laru ng laro. Nagbabasa daw ako ng libro pero wala namang pumapasok sa utak ko. Ginugulo parin kasi ng isip ko ni Jetru.

Alam ko naman na isang araw darating at magpapakita ito sa amin. Siguro di lang ako handa sa pagbabalik niya.

Hindi parin ito nagbabago, mukha ngang hindi ito tumanda. Ang gwapo parin ni Jetru. Pero kung dati nung una ko siyang makita ay minahal ko siya, ngayon puot at galit ang nararamdaman ko.

A/N: thank you for voting my story...namotivate akong magsulat lalo...please vote and comment..

My Ex-husband Is A JERK (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon