Chapter four

58 10 4
                                    

Chapter 4-Blind date

"Dito na lang po manong,"sabi ko ng makita ko ang malaking pangalan ng restaurant. 'Andromeda'. Ito yung sinabi ni Joy, ang laki at mukhang hindi lang kung sino ang pumapasok sa lugar na yun. Ibang-iba doon sa pinapasukan kong Restaurant. Quarter to seven na kaya maaga pa ako dahil 7:00 ang usapan namin ni Joy.

Pagkapasok ko doon may dalawang bumati sa akin. Kaunti lang ang tao sa loob. Marami pa ang bakanteng upuan kaya pumili na lang ako ng apatang upuan. Di rin naman ako excited anu? Ako yung ayaw sumama pero ako pa itong nauna. Si Joy wala pa pati si Dave. Kinuha ko ang purse ko sa bag at kinuha ang cellphone ko.

Tinawagan ko si Joy.

"H-hrr!!! Achuuu!!!" Narinig ko ang pag-ubo ng kabilang linya akala ko hindi si Joy. "June, pasensya na pero di ako makakapunta,"

"Anu? Bakit hindi? May nangyari ba sa'yo?"

"Inubo kasi ako't sinipon masakit pa ang ulo ko, kahapon at ito naabutan kasi ako ng ambon ng pauwi ako,"

"Ba't di mo ko tinext, sana di na lang din ako nagpunta dito, andun tuloy si Christian naiwan na naman kay Aling Nora." Si Aling Nora yung kapit-bahay namin na hindi na rin iba sa amin. Ito kasi ang nag-alaga kay Christian nung sangol pa ito.

"Okay lang yan, kami lang naman ni Dave ang cancel sa Date, pero kayo ni Dylan tuloy! Goodluck sa Date Joy,bye!" At agad nitong ibinaba ang telepono.

Mukhang naisahan ako ni Joy ngayon. Ni hindi ko nga kilala yung Dylan na sinasabi niya. Sasapakin ko talaga to pag-nagkita kami.

Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa mesa. Aalis na sana ako at ayaw ko ng antayin ang kablind-date ko ng may lalaking lumapit sa akin.

"San ka pupunta?"nakangiting wika nito. Nakasuot ito ng asul na polo na pinatungan ng itim na coat. Ito siguro yung tinutukoy ni Joy.

"Ikaw ba si Dylan?"

"Yes, it's nice to meet you, June?"

"Oo, it's nice to meet you too!"sabi ko.

"Upo ka muna,"lumapit ito at inayos ang upuan ko. Gentleman naman siya. Pero lahat naman ng lalaki ginagawa para sa iisang dahilan. Ang maloko ka. Ang magtiwala sa kagaguhan nila. Kaya imis na maipresa ako sa lalaking kaharap ko, nainis ako lalo.

Hindi naman ako tumanggi at naupo na lang ako. Umupo naman ito sa kabilang upuan. May tinawag itong lalaki yung isa sa dalawang nagbabantay sa labas. Bumulong ito sa lalaki kaya di ko narinig. Umalis ito at pagbalik may dala na itong isang tray ng pagkain. Sumunod pa ang isa pang lalaki na may dalang bote ng alak. Sinalinan niyon ang wine glass na nasa mesa.

"Salamat at dumating ka, I was so curious about you palagi ka kasing kinukwento ni Dave at Joy and I heard your a single mom,"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Ex-husband Is A JERK (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon