" HARAP SA LIKOD!! HARAP!!" sigaw nang CTU Chief namin.
Pumihit agad kami sa likod. " BAGBAG!!"
Pagkabagbag namin lahat sa closing formation nang duty namin ay diretso akong pumunta sa bleachers para kunin yung bag ko.
Nang makarating sa bleachers ay kinuha at binuksan ko kaagad ang bag at kumuha notebook ko para iipit yung index card sa loob.
"Zy." napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig kong may tumawag sa akin.
Since alam ko naman kung sino yun, pinagpatuloy ko nalang ang pagligpit nang gamit ko sa bag at matapos ay sinabit ko na ang bag ko sa balikat at umalis.
" Ziehley!"
nagpatuloy parin ako sa paglalakad.
" Ziehley,."
alam kong alam ni Nikka na masama ang loob ko sa kanya. Di parin ako umimik kahit nakisabay na sya sa paglalakad palabas nang daanan papuntang gate.
" Zy, naman. Sasabihin ko naman sana- " napahinto ako at i cut her off with my glare.
" sorry." yumuko sya at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
Ganito talaga ako magtampo, tahimik lang. Hindi kasi patalk talk pag galit kasi hindi naman masosolba ang problema. Nagbuntong hininga nlang ako.
" Zy, naman." kinalabit pa nya ako sa braso.
" Ano?" paasik kung sabi. Saka ko nalang namalayan na nakalabas na kami sa campus.
" sasabihin ko naman talaga sayo sa canteen palang kaso. . ."
"oh, kaso ano? Natameme ka?" tan0ng ko.
"oo na, natamemerms na yung upper mouth ko! Sorry na!! Ginawa ko lang naman yun kasi akala ko..."
"akala mo ano? Akala mong pag andyan siya ay tatakbo ako? At anong upper mouth na sinasabi mo?? May lower pa ba?"
Tumawid na kaming dalawa papuntang freedom park. Haysss,,, sarap talahang mag unwind.
"bibig ko beshie, yung bibig ko. Wag nayung lower 'se bastos nayun.. Mabalik nga sa pinaguusapan natin Beshie, kasi naman pagsinabihan kita, yun nga naman talaga ang gagawin mo." sabi pa ni Niks.
Napairap nalang ako sa ideya niya. ' di ba niya naisip na pwede ring ready na ako?? Matapang na ako ngayon??'
"So ineexpect mo talagang tatakbo ako? Di mo lang ba naisip na naka move on na ako? " nagkibit balikat ako.
Since narito nalang rin kami sa freedom park nagdesyd nalang kaming umupo para mapagkwentuhan ang nangyari. Narito kami ngayon kaharap ng fountain naki upo sa bench.
"kasi sa tuwing makikita mo sya eh, tumatakbo ka. Kung di naman tumatakbo, umiiwas ka. So, to protect you.. Hindi nalang kita ininform."
Napabuntong hininga nalang ako. " Thank you sa effort mo for protection Niks, pero iba na ako ngayon. Tsaka matagal narin yung nangyari."
"eh, beshie, sorry na. Kasi yun nga ang inexpect ko, yung tatakbo ka. Pero nagulat naman ako kasi nakayanan mo naman syang di pansinin kanina kaya congrats! I think this calls for a celebrati-ARAY!" binatukan ko na! Kahiya. Palakas na ang boses niya. " ba't mo naman ginawa yun!?"
"daldal mo eh. Matagal narin kasi yung nangyari, 4 yrs naring lumipas tsaka sabi ko nga diba, move on na nga ako. "
"weh? Talaga?" sabi naman ni Nikka.
" oo nga, kulit. " napangiti ako nang mapait. "move on na nga talaga ako." nanakit na yung lalamunan ko, parang may namumuong kung an0ng babara, namamasa narin yung mga mata ko pero kailangan ko itong pigilan bago pa ako maiyak. Nagbuntong hininga nalang ako.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceThen I heard him chuckling. " Talaga? You really don't know me, do you? Haven't heard of Janiero Alejandrio Gustav? " Napaarko ang kilay ko at nagkibit balikat ako. " Mukha ba akong orbituary page o news feed ng dyaryo?? Panahon nga kung magbabagyo...