" As in talaga, sinabihan ba naman siya ni Nicholas na dito daw sila na unibersidad mag aaral, kung nakita mo lang sana ang mukha ni Sam, Zy. Nakakatawa. Grabe,!" humagalpak pa siyang tumawa, hampas hampas sa may counter nang tindahan.
Napataas ako nang kilay sa reaksyon at sa mga sinasabi. " Oh, napano na? Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanya habang tinutungga ko yung Sprite na 8 oz.
" Gumanun oh.." at inilive aksyon pa talaga ang favorite expression ni Sierra na gayang gayang niya, ang paglaki nang malalaki nilang mata. Natawa ako sa mukha ni Nikka malaki na kasi ang mata niya pinalaki pa niya habang nakangangang parang tuod. I giggled a bit.
"Oh diba!? Nakakatawa nga? Sheez.. Para ata siyang pinagsukluban nang langit at lupa nang malaman niya." at nagsubo naman siya nang sky flakes. Inayos ko ang pagkasandig sa may stante kalapit nang tindihan naming pinagbilhan.
"Alam mo namang pinaglihi yun sa sama nang loob. Hindi pa pala nakakamove on si Sierra? Kala ko ba uso move on ngayon? Napagiwanan lang?" i smirked at the thought.
' yan kasi, madaling maniwala sa mga ganun.' sinubo ko narin yung pan de bihon. Pinunasan din yung mga naiwang pirasong crumbs nang pan sa bibig ko.
" Abay ewan ko ba dun at mukhang napagiwanan nga." tumawa nalang kami sa usapan namin. Yan kami pag nag bebreak sa duty nang 30 mins. Nagtsitismisan.
Habang nagkwekwentuhan kami ni Nikka, meron kaming narinig na mga bulong bulong nang mga babae dito sa canteen.
" Oo nga girl, gwapo nga mga transferee dito! Know mo ba yung course nila??!" sabi nung babaeng papaupo sa harapan namin.
Dahil mga tsismosa kaming studyante nang Criminology eh nakinig kami pero hindi halata.
" Di eh, pero infairness sa mga papables na yun, they are so tangkad din no? And may mga ibang mga lahi friendship. "
Nagkatinginan kami ni Nikka. I was mouthing, " Sino?? Alam mo??"
Tumingin naman siya sa phone niya sandali, tumingin sa akin na nakangiti at binaling ang tingin sa babaeng nag uusap. "tss.. Nandito na raw sila."
Napataas ako nang kilay. " Sino nga??"
" Psshhh!! Makinig mo na tayo sa tsismis.." pinatahimik naman niya ako. Nagmasid ulit ako sa mga babaeng nagkukwentuhan habang nilalantak ang pagkain.
"You know naman.. Pag galing private school, hindi talaga pipitsugin ang itsura. Mukha palang nila, spokening dollars na!" napahiyaw naman yung babaeng blondina na kaharap sa malaking boobs na babae.
" Girl, and dami kaya nila. Dalawa ata silang nagtransfer dito, yung brunette na may bonette na may eyeglasses at tsaka may kasama rin siyang yung parang coffee brown ang buhok yung isa, chinitong mukhang koreano yung dalawa magkamukha girl!!," exagge naman yung reaksyon nang babaeng blondina habang sinusuklay ang buhok niya.
"ay talaga?? Baka kambal?" sabi nung isang naglilipstick.
"tanga. Malamang kambal?! Impossible namang dopple ganger. Boba." sabi nung malaki ang boobs. Sumimangot naman yung naglilipstick.
Natawa naman ako sa mga babae. Abay sa mga pinag dedescribe nila, sino ba namang hindi magtsitismis kung ganun pala ka ganda ang mga features nang mga transferees.
' nakabonette... Eyeglass.. Hhmmmmfff.. .' napaisip ako.
Napatingin ako kay Nikka na ngumingiting nakaharap sa phone niya. Kinalabit ko siya, " hoy Nikka, ngumingiti ka dyang mag isa?"
"Nasa CIT Building na sila now wahehehe" at nagtipa na sya sa phone niya parang may katext ata.
"Hoy, timang. Sino nga??" kanina pa ako nagtatanong di man lang ako sinasagot. Nagsisimula na akong mairita. Binaba naman niya ang phone niya bago nagsalita sa akin.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceThen I heard him chuckling. " Talaga? You really don't know me, do you? Haven't heard of Janiero Alejandrio Gustav? " Napaarko ang kilay ko at nagkibit balikat ako. " Mukha ba akong orbituary page o news feed ng dyaryo?? Panahon nga kung magbabagyo...