THE TRUTH
Tory's P.O.V*bang*
"Johaaaaaan!" shit! kinuha ko kaagad yung baril ko sa ilalim ng dress ko, bago pa makatakas ang lalake pinutok ko kaagad ito sa kanya.
Tinignan ko ulit si Johan, unti unting pinipikit niya ang kanyang mata.
"Johan wag ka munang pumikit oh, wag mo ko iwan diba sabi mo di mo ako iiwan?" nagsimula ng tumulo ang mga luha ko at tumawag kaagad ang ambulansya.
Hinawakan lang ni Johan ang kamay ko at ngumiti siya
"Ang galing mo palang gumamit ng baril, secret agent ka ba?" tanong nito
Magsasalita na sana ko pero dumating na yung ambulansya at agad sinakay si Johan. Hindi ako sasama dahil may gagawin pa akong importante.
PAGBABAYARAN NILA ANG GINAWA NILA. YOU ARE REALLY MESSING WITH THE WRONG GIRL.
Johan's P.O.V
Unting unti kong dinilat aking mata. Puting kwarto, puting kisame. Nasa langit na ba ako?
"Saan ako?" may lumapit sa akin babae
"Tory?" pero hindi ito umimik
"Anak, ang mama mo to" sabi nito
"Ma saan si Tory?" tanong ko kaagad sa kanya
"Anak magpahinga ka muna. Ano ba ang nangyari?" at sinabi ko kay mama ang lahat
"Jusko namang bata ka bat mo ginawa yon" sabi ni mama
"Sorry po ma, basta mahalaga ngayon okay na ako pero saan nga si Tory?" tanong ko ulit sa kanya
Ang huli kong natandaan ay binaril niya yung lalakeng bumaril sa akin. May inabot si mama sa akin, isang envelope.
"Ma ano to?" sabi ko sa kanya
"Sulat galing kay Tory, binigay niya sa akin kanina habang tulog ka pa. Anak umiiyak siya, humihingi ng sorry kasi siya ang may kasalanan kung bakit nag kaganyan ka" sabi ni mama.
Binuksan ko ang envelope at binasa ito.
"Shit!" sabi ko sabay punit ng sulat niya
Ang sabi niya sa sulat:
Johan mahal kita, hindi nagbago yung nararamdaman ko para sayo. Pasensiya ka na sa mga ginawa kong mali sayo, nasaktan kasi ako kaya ginawa ko sayo yun.
Pero ngayon ikaw naman ang nasaktan ng dahil sa akin. Johan may aaminin ako sayo isa akong gangster a leader to be exact. Ipaghihiganti kita. Huwag kang magalala sa akin, basta ang importante magpagaling ka dyan.
I love you always remember that. See you when i see you.
-Tory
Sinubukan kong tawagan ang phone niya kaso nakapatay na ito. Tinawagan ko rin ang mga kaibigan niya pero walang isa sa kanila ang sumagot.
Anong gagawin? Maghihintay nalang ba ako dito? Tang ina! Ako dapat yung magpoproktekta sa kanya pero bakit baliktad? Isa siyang GANGSTER?! Kahit ano pa man siya mahal ko pa rin siya.
Pero hindi ako mapakali dahil ang napakadelikado eh, mahirap maging isang gangster. Kaya pala marunong siya humawak ng baril.
Tinanggal ko yung nakakabit sa akin.
"Anak anong ginagawa mo?" tanong ni mama
"Mama kailangan kong puntahan si Tory, nasa panganib ang buhay niya" sabi ko
"Ano?! pero paano ka? may sugat ka pa anak hindi pa yan maayos ang sugat mo kailangan mo pang magpahinga" sabi ni mama
"Mama paano ako makapahinga ng maayos kung nasa masamang kalagayan ang mahal ko? Ma sorry pero kailangan huwag kang mag alala babalik ako " sabi ko at umalis na.
Pero ang tanong ngayon, saan ko ba siya hahanapin? Sa mga lumang bodega? Diba sa mga movie dyan yan usually nangyayari? Tang ina naman to oh hindi man lang nag iwan ng clue.
Tory saan ka ba?! Huwag mo akong iwan. Sana hindi mo sinugal ang buhay mo para sa akin.
Tory's P.O.V
Nandito kami ngayon sa headquarters, hinahanda namin yung gagamiting namin na mga baril at armas. Alam kong delikado itong ginagawa ko pero kailangan kong malaman kung bakit kailangan niya itong gawin sa amin?
"Tory ayos ka lang ba? Kamusta na daw si Johan?" tanong sa akin ni Ali
"Okay lang, okay na rin siya sabi ng kanyang mama" sabi ko
"Sigurado ka na ba na gagawin natin to?" tanong niya
"Oo siguradong sigurado na ako" kanina nung pauwi ako ng bahay may binigay sa akin na itim na sobre ang katulong namin.
Binuksan ko kaagad ito at nalaman kong gustong makipag gang war ng The Black Demons sa amin. Tinanggap ko ito, kung ito lang ang paraan para matapos ang lahat gagawin ko ito.
"Guys, alam kong masyadong delikado ang gagawin natin ngayon, pero kung sinong ayaw sumama, umalis na kaagad" sabi ko. Natinginan pa sila at may isang lalake ang tumayo
"Queen alam kong kaduwagan ang gagawin ko pero kailangan ako ni mama ngayon. Sorry" sabi niya at umalis na at may ila pang sumunod. Ang naiwan? kaming anim atsaka yung mga kaibigan naming lalake
"Oh ano? Sure na ba kayo dyan?" sabi ko
"Sure na Queen! Tara na nangagati na itong nga kamao ko eh hahaha" sabi ni Jerome.
Alam kong hindi kami matatalo kasi mga special na armas ang gagamitin namin. Mga personalized na armas. Ang usapan ay isa sa mga pinaka lumang bodega dito sa lugar.
Sumakay na kami sa aming mga motor. Oo, marunong ako magmaneho ng motor , what do you expect from a gangster? hahaha
Dahil mabilis kaming magpatakbo nakarating kaagad kami. Pagkababa namin pinagtignan kami ng lahat ng tao
"Si Queen! pero bakit ang kunti lang nila ngayon" lalake 1
"Oo nga noh?bakit kaya. Balita ko malakas daw yang The Black Demons" babae 1
"Matatalo nila Queen yan! Sila pa sayang yung pera kung pinusta noh kung matatalo lang sila" lalake 2
Ngumiti nalang ako. Hindi nila alam kung ano talaga ang rason ko para tanggapin ito. Hindi para makipaglaro, pero para maghiganti sa kanila.
Pumasok na kami sa isang abandonadong bodega, imbes kaba at takot ang madama ko ay napangiti nalang ako. Kailangan kong maghiganti. Noon wala akong pakielam kung mamatay man ako yan na ang tinakda ng isang gangster eh, pero ngayon may rason na ako para mabuhay at yun ay si Johan. Alam kong hinahanap na niya ako ngayon pero para to sa kanya at sa pamilya ko ang paghihiganti ko.
Kahit balik baliktarin ko ang mundo mahal ko pa rin ang gagong yun at hinding hindi na iyon magbabago.
Nang may ilaw nakatapat sa amin.
"Well well well look who's here, hi cousin or should i say Queen? hahaha long time no see...... couz" taas kilay niyang sinabi
"Long time no see rin...... Rachel" sabi ko at ngumiti lang siya sa akin
BINABASA MO ANG
That NERD is a GANGSTER?!
Teen FictionSabina Richardson - "NERD" thats what they called her, always being bullied in the campus because of her looks and her style, but then an unexpected situation arise, she's the long lost daughter of the Lemar's! One of the most powerful and richest f...