CHAPTER 1 STARTING LINE

29 0 0
                                    

CHAPTER 1

STARTING LINE

(the date starts on Chapter 10)

WARNING!!!!!!!!!!!! This is my story, I think my love story!?? Or maybe a ruined love story... Anyway, this is a story about me and to the girl I truly love. The girl who is not really my ideal girl but she made herself one. The girl na I thought she is the one, pero I'm still hoping na she is the one talaga. Sana. Pero di pa siguro ngayon o baka di na talaga.

This is funny, pero simula elementary ako hanggang mag-college, I've never been into a relationship (pero nakakatawa kung elementary pa lang may girlfriend ka na). Siguro nasanay ako na puro crushes lang talaga. Ok na ako dun. Naging masaya ako doon, hanggang 'nung highschool bigla na lang may sumagi sa isip ko...

(the idea of having so many crushes)

Na magkakaroon ako nang maraming-maraming crush. As in marami. Marami pa sa marami. At ipapaalam ko sa kanila na crush ko sila, at kung sino man ang mag-crush back, like back o love back sa akin, eh siya na talaga. I swore. Hanggang naging tambakan na ako nang crushes.

Masaya naman ako nun, masaya siguro. Kahit crushes lang. Pero sumagi rin sa isip ko nun na dapat di nirurush ang pagkakaroon nang relationship. Kaya naituon ko sa pag-aaral. Ginawa ko na lang inspirasyon kung sino man ang mga crush ko. At nagresult naman yun nang maayos sa study ko. Sobrang pasaway ako pagdating sa pag-aaral noon pero bumabawi ako pagkelangan na.

Hanggang dumating ang college. Di pala yung college. Hanggang dumating ako sa college. Real world na yun, I mean, dapat na mag-seryoso talaga. Pero kahit ganun, di ko pa rin maiwasang makakita nang babaeng magiging crush ko. Well, nung first day of school, halos di naman talaga namin inintindi nang mga barkada ko kung sinong magiging mga kaklase namin o kung sino ang magiging prof o kung saang classroom kami. Nilibot namin ang buong school at naghanap nang mga babaeng pwede... Well, masuwerte nga yung mga kaibigan ko, yung isa going strong sa girlfriend nya (matagal na sila) at yung isa kapapasok pa lang sa relationship (medyo matagal na rin sila). Minsan naiinggit na lang ako.

(may nabuo akong ideya about sa mga physical appearance nang mga babae, na merong 3 types: Chinita , sila yung mga cute na babae, na parang lahat din nang bagay na gagawin nila "cute". Wala lang. Mistiza , yung mga out of reach kasi sobrang gaganda, yung tipong pagnaging girlfriend mo, mawala lang sa tabi mo ng isang minuto ipaparadyo mo na agad, kasi maswerte ka na sa kanya. At ang huli, tinatawag ko lang silang Middle Class , sila yung kahit di ka mafall sa mga naunang nabanggit, sila yung parang mamahalin mo nang totoo; cute, maganda at seseryosohin mo talaga. Sobrang weird na naisip ko 'to, pero para sakin lang to, ewan ko sa inyo!?)

Nung mag-highschool at college ako, masaya naman maging single. Puro kaibigan kasama mo. Puro tawanan, palakasan nang trip at pikunan. Pero disadvantage? Minsan masosobrahan, sa lahat ng mga gagawin, sa mga trip, sa lakwatsa at kung gigimik. Minsan nakakatanga pero marerealize mo na sana di mo ginawa yung mga bagay na dapat di mo ginawa.

(at ang drama ko dahil dun! Sorry na agad)

Di ko nga alam kung ba't ako grumaduate nang college, siguro magic!? O kaya dinaan talaga sa galing kahit pasaway minsan. Pero yun yun eh, dapat makatapos. At medyo nagiging boring na 'tong bahaging 'to kaya ililipat ko na tungkol dun sa mga crushes. So, yun nga... 1st year college nakahanap ako ng pwedeng maging crush, she is Melissa (chinita, di pa siya yun), an I.T student. Singkit, may sungki sa ngipin (pero maganda naman ang smile niya) , average height, matalino, at madaldal. Nakakatext ko sya noon, pero di nya ako kilala, nagpaka-Unknown ako sa kanya hanggang makilala nya ako accidentally, dahil sa madaldal 'kong kaibigan na minemention ang pangalan ko habang padaan sya sa harapan namin. Naging friends kami. She even invited me to her 18th Birthday, at naisayaw ko pa sya. Pero she have told me something, na she's not going to entertain other guys, kasi meron nang lalaking naghihintay sa kanya at gusto nya rin 'to (siguro ang ganda nung ganung relationship, yung naghihintayan na lang kayo hanggang dumating yung time na pwede na, kaso nakakatakot pa rin na baka makahanap nang iba, wag na lang) .

Naging ok naman sakin yun, 'til bumalik ang pagkacrush ko sa isang highschool student noon, Carmella (mistiza, out of reach 'to kaya di sya 'to), Half-Filipino and Half-Canadian, palaging nananalo sa mga pageant, at sobrang famous. Sobrang out of reach nga siya kaya hindi ko na sinubukan pang magpapansin...

Then 3rd year came, may hinihintay ako nun na mag1st-year sa school namin na babae, Nestlyn (chinita, crush ko simula highschool, at di pa rin siya 'to), nakita ko sya sa school noong enrollan pero di sya natuloy, lumipat sya ng ibang school at dun nag-enroll.

Hanggang may dumaan na naman, kaibigan siya ni Melissa, biglaan lang talaga nang mapansin ko sya, Nova (chinita, pero di pa rin siya 'to), siya yung babaeng gusto kong seryosohin, kasi she's like the ideal girl of all guys, yung tipong pang-forever, pero nagkaboyfriend sya, kaya di ko na tinuloy ang panliligaw.

Hopeless na this!

Pero may isa pa...

Nang isang araw, may kumatok sa pintuan ng office kung saan ako namamasukan bilang student assistant.

"Good Morning!" sabi niya.

Isang babae, student assistant din, nagpapareceive ng mga documents, wala akong pakialam noon kung sino man yun. I've never notice the whole of her. Pero may isang bagay akong napansin... Yung smile niya.

The Last Date EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon