CHAPTER 2 THE "HI!" THING

14 0 0
                                    

CHAPTER 2

THE "HI!" THING

Nang mga sumunod na araw, halos nakikita ko siya palagi. Pumupunta sa office at nagpapareceive pa rin ng mga documents. Hanggang sa nasanay ako na gusto kong nakikita siya palaging pumapasok ng office at naging paborito ko ang ngiti niya na natatanaw ko palagi sa mukha niya. Papangalanan ko ba? Uhmm.....mmmm.....hmmmm.....aaahhhh..... Wag na! So, yun nga, 7 months na akong student assistant nun nang makilala ko sya, it was also my senior year, gagraduate na. Medyo naging busy na rin. Kaya nawalan din ng time for crushes.

Nang biglang....

A friend of mine, JP (gwapo, matalino, kaso may pagkababaero! Peace Dude!), confessed something, na gusto niya yung bagong S.A (student assistant). At medyo nanlumo ako nun, syempre parang wala akong laban sa kanya nun, heartrob sa school eh. Kaya nang mga sumunod na araw, my eyes always chasing after her, I can't say any words for her and I look like a stupid badass (pasensya sa ibang words na magagamit ko). Mukha akong tanga nun na hindi ko lang maisabi o maparamdam na crush ko siya.

Hanggang.......

Nagpatawag ng meeting ang Org. President namin para sa mga S.A's. Para sa orientation nang mga bagong pasok, umattend ako at nakita ko ulit siya. At ang swerte ko naman, nang may pinalibot na attendance sheet si Pres. At dun ko nakita kung ano talaga ang pangalan niya. Hmmmmm....uhmmmmm.... Sige na nga, sasabihin ko na. She is Glaiza (middle class, siya na 'to! Real na real), after our meeting, pumunta ako sa isang computer shop, dun kami palagi nang mga Co-S.A's ko tuwing uwian na. Syempre DOTA. At FB. At dun ko na sinearch ang pangalan niya sa Facebook. Sent a friend request. Sabay uwi.

***

Kinaumagahan, mabuti na lang may WiFi sa mga karatig-barangay nang office.  Inopen ko ang laptop. Nakinig nang music sa YouTube. Then, Facebook. At biglang, ayon na, she accepted my friend request.

And we had our first conversation (chat), it was on November 17, 2014, 6:41pm. I'm the one who first approached:

I said, "Hi!"

And she said "Hi!" in return.

At nang mga sumunod na araw, tuwing uwian, hinihintay ko siyang mag-online para makachat lang, then kinuha ko cellphone number niya para kahit offline na kami, magtetext na lang. Tuwing umaga rin, madalas kaming mag-chat (kasi nga may WiFi). Mag-oopen ako nang laptop, go online, then kachat na siya. Tapos darating siya sa office para magpareceive. At bigla na lang dadaan si Picasso sa harap para magpinta nang ngiti sa mga mukha namin.

Naging masaya ako, I mean, di ko naexperience sa mga ex-crushes ko ang ganun, na parang sinusuklian niya kung anong pinapakita at pinaparamdam mo sa kanya. At nahulog na ako completely sa kanya. I've also told her na crush ko siya, well, baduy ako kung papakinggan lalo na pagnanliligaw, puro banat. Pero napapasaya ko naman siya kahit papano, at siguro kinikilig din.

Tulad nung....

(Hinintay ko siya nang uwian para ako maghatid sa kanya sa sakayan nila at nang makita ko na siya....)

"Tagal mo naman!"

"Sorry!"

"Ang tagal mong dumating sa buhay ko!"

(Yaks.. Ew... Pweh... Ang baduy ko, pero alam 'kong napangiti ko siya)

Pero nalaman ko na dumidiskarte rin ang kaibigan ko sa kanya, nakakatext niya rin, nakakachat at sinabi niya rin na crush niya ito. Pero di naman ako nakipagkumpetinsiya sa kanya, binigay ko lang yung parang alam 'kong kaya ko pagnanliligaw ako.

Dumating ang December, at yun, maraming taon na akong di nakakabakasyon sa Tita ko sa Manila, kaya nang mawalan na ng pasok, nagbakasyon na ako. Pero di pa rin napuputol conversations namin. Kachat ko pa rin siya. At naging mas interested lalo ako sa kanya nang may inamin siya sa akin...

(Conversation namin...)

"Tanungan tayo ng mga crushes natin!" sabi niya.

"Ok! Sobrang crush ko si Janella Salvador (actress) kasi nakakainlove ang boses niya at sunod IKAW na!"

"Yun lang!?" tanong niya.

"Sige na nga! Si Carmella (mistiza, crush ko pa rin sya nun), Mia Elaiza (mistiza, kareligion ko, pero out of reach) at si Grace Ann (middle, sobrang crush ko, may kabaliwan din eh)...

(It's her turn...)

Sinabi lahat ng crushes niya pati babae (ok lang naman talaga pag ang babae magkacrush din sa kapwa nila babae, pero kung lalaki sa lalaki, patay tayo dyan!). At ang huling sinabi niya......

"....Wag mo akong pagtatawanan hah, pero nung 1st day ko as S.A, eh crush na kita..."

Yung feeling na parang umecho nang umecho sa utak mo yung chinat niya. Na crush niya rin ako. At parang natupad na yung swear ko mula noong highschool, na kung sino ang magkagusto sakin sa lahat nang crushes ko, eh siya na talaga. Kaya di ko sinayang ang pagkakataon, mas naging sweet ako sa kanya, may little conversations sa personal (pero nahihiya pa rin ako sa kanya noon), tinuloy ang pagiging baduy at pinaramdam ko na she is a very special girl for me.

Pero bigla siyang may sinabi sakin...

"Pinagpupustahan niyo ba ako ng kaibigan mo!?"

(Sobrang wala yun sa isip ko... At ang nasabi ko na lang...)

"Di ka namin pinagpupustahan. Oo, naunang magkagusto sayo si JP, at di pa kita napapansin noon, hanggang sa araw-araw kitang nakikita (pati yung smile niya) nafall na ako. Wala akong pakialam kung gusto ka rin niya, basta gusto kita. Ok!?"

Ayon nganga! Pero pareho niya kaming crush, sinabi niya rin sakin na crush niya ang kaibigan ko pero ayaw nya rin dun kasi may naaalala siya.

Kaya siguro ako ang pinili niya.

The Last Date EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon