CHAPTER 4 MUTUAL UNDERSTANDING

18 1 0
                                    

CHAPTER 4

MUTUAL UNDERSTANDING

M.U? Maraming tao ang natatali sa ganitong sitwasyon. Malanding Ugnayan daw (pwede rin sabihing ganun at naglalandian naman talaga), pero the true meaning is Mutual Understanding. At dumating kami sa ganun. Parang kayo pero hindi. We have treated each other like we're in a relationship but it's not. Masaya naman. But my best part sa isang relationship is.... Kapag nanliligaw pa lang. Kasi dun ka sobrang kikiligin. Well, sa sitwasyon namin noon, may kilig pa rin naman, sobrang saya ko na I found her na.

Siya yung tipo ng babaeng di mo masasabing ideal girl mo pero naging isa siya. Di naman katangusan yung ilong nya na palagi 'kong kinukurot para tumangos pa (makapanlait ako sa ilong niya kala naman di ako pango.. Haha! Medyo matangos naman ilong ko, pampasira lang ng dumating sa dulo), mataray naman talagang tingnan yung mga mata niya eh (parang masungit tingnan), maliit na bata (syempre nanlalait din ako ng height niya), bully din (pagnagsimula akong bullyhin siya), maganda ang boses niya (gustong-gusto ko ng kumanta sya ng Thinking Out Loud ni Ed Sheeran malapit sa tenga ko), medyo pasaway din (parang ako) at talagang mamahalin mo.

***

Meron kaming swear sa isa't-isa, na magsasama kami hanggang 70 (nanggaling yan sa lyrics nang kanta ni Ed Sheeran, "Baby, I will be loving you 'til we're 70"), at kung matapos man ang 70 na yun, i-eextend namin para lalo pa kaming tumagal. At palagi namin sinasabi sa isa't-isa na "Baby, 'til 70 tayo at yung extensions natin!" Sobrang kinikilig ako nun pagpalagi niyang sinasabi sakin yun.

Sa totoo lang, nabago ko ang sarili ko simula nang makilala ko siya. Noong hindi ko pa siya nakikilala, ako lang naman 'tong matalk-shit din (pero hindi talaga yung mura, sagad lang ako mangtawag ng palpal, tanga, bobo dun sa mga taong deserve yun at siguro sagad din akong mangtrash talk pagnagdoDota, pati magulang dinadamay ko... Haha!), and she changed me, mas nagustuhan ako ng mga kaibigan ko dahil dun, di na ako tulad ng dati na parang walang pakialam sa lahat. At nagustuhan din siya ng mga kaibigan ko para sa akin (sabi ko nga dun sa lyrics nang kanta na ginagawa ko, "She change a lot on me but she can't change about the feelings that I've felt since the day that I met her...")

***

Ayon naglakad na ang February, natandaan ko, that month niya sinabi sakin na mahal niya na rin ako. At nabingi ako sa kaka-echo nun sa loob nang utak ko. Wala nang mas sasaya pa pag-ang taong mahal mo ay sinabihan ka na mahal ka rin nito.

February 13, 2015

It was Friday, kinabukasan Valentines Day. Bago nang araw na yun, one time na kasama ko siya, napadaan kami sa isang diner which is di pa siya nakakapunta dun simula ng maitayo yun. Kaya naisip ko na dun siya dalhin sa diner na yun at dun kami mag-date (it was our first date, inadvance na namin ang Valentines Day), tuwang-tuwa naman siya nun, kasi mula umaga nang araw na yun kinukulit na niya ako kung saan kami Pupunta at ang sinabi ko lang...

"Sa lugar na hindi mo pa napupuntahan!"

At wala talaga siyang ideya kung saan at ang sinagot niya lang eh...

"Sa computer shop kung saan kayo naglalaro!?"

Uhmm... Nakakatuwa, pero oo nga, di pa siya noon nakakarating sa computer shop na pinaglalaruan namin ng mga kaibigan ko. Matalino ring mag-isip eh. And she was surprised na dun ko siya dinala sa diner. It's my treat, masarap naman yung burger pero di niya talaga trip yung fries (sobrang adik na adik kasi siya sa fries, lalo na yung sa Jolibee). Kaya after nung araw na yun, dinala ko siya sa Jolibee (ayon parang bata), umorder ako nang fries niya at yun, fries pa lang masaya na siya.

May sinabi nga pala siya sakin nung kami na (Chapter 5), kung nagtanong lang daw sana ako nung araw na mag-date kami nang kung pwede ko na siyang maging girlfriend eh sasagutin na niya ako (ako naman si Tanga aba Manhid pa, di man lang nagtanong... Haha!)

***

Gusto ko na siyang maging girlfriend 'cause I'm too serious about her, siguro siya rin para sakin. Isang araw na magkachat kami, parang gusto na niya akong sagutin pero sobrang informal kung ganun (yung sinagot ka, sa chat lang, may mga kilala akong ganyan, yung iba nga nag-goodnight lang sila na), kaya sinabi ko sa kanya...

"Gusto ko sa personal kita tanungin kung pwede nang maging tayo!"

***

Mahilig kaming mag-asaran dalawa, bully nga. Sa mga tropa ko ako ang pinakabully, kaya pagmagkakasama kami pinagkakaisahan nila ako. Sa tropa niya naman, siya rin ang bully, lakas mang-asar, lakas pang tumawa. Bagay nga raw, parehong bully. Kaya Mr. Bully + Ms. Bully = Craziness! Sobrang baliw kaming dalawa pagmagkasama. I mean, we're perfect for each other, minsan iniisip ko na...

"Siya na talaga... Siya na ang gusto 'kong makasama. Siya na yung matagal ko nang hinahanap. Siya na yung babaeng mamahalin ko 'til we're 70 at kung kulangin man, ieextend namin para matagal pa kaming magsama..."

Palagi yang nasa isip ko, pati na rin siya.

I really love her...

But then, nang mga sumunod na araw.. I'm too happy sa narinig ko sa kanya (nakakapa-echo sa utak at ang sarap ulit-uliting pakinggan).

The Last Date EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon