Chapter 4 - Senior Year

39 1 0
                                    

*After Graduation sa School Park*

"Grabe Luis! di ko inakalang Top 7 ako! Congrats! Top 2!" sabi ni Charles kay Luis.

"Tara pagtripan natin si Natalie" sabi ni Luis

"DE WALA TOP 1 YAN!" sinigaw ni Charles at Luis kay Natalie.

"Hala! ano ba yan! may toyo kayo!" sabi ni Natalie

"eto naman joke lang! niloloko ka lang namin ni Luis"

"pshh! Ganyan tayo eh!"

"Sorry na! diba Luis joke lang yon!?"

"OO sige maiwan ko muna kayo Charles!" umalis si Luis

"So Natalie, naalala mo yung sa Voice Station?"

"oo naman! bakit?"

"Ano ba yung gusto mong sabihin?"

Natahimik si Natalie dahil sa tanong ni Charles..

"ahh ayun ba?.... BAGAY KAYO NI ARIANNE! BWHAHAHAHAHAH"

"AHH BWISET!!!"

"eto naman joke lang..eto na. DIba bestfriends tayo? walang kalimutan sa pasukan hah! baka mamaya di mo na ko pansinin diyan eh"

"HALA! Ako pa yon! baka ikaw! andami mong responsibilidad eh! Top1 ka sa workshop kaya aasikasuhin mo yung para sa next year. Tapos president ka ng Student Government. Tapos pilot class ka pa!"

"grabe di naman kita makakalimutan dahil don!"

"Sus! tara na nga kanina pa uwian eh"

*3 months later*

RIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGG!!!!!

"RECESS NA!! IBOTO NIYO KONG PRESIDENT MGA CLASSMATES!" sabi ni Charles habang nangangampanya para maging Homeroom President nila.

"HINDI! AKO NALANG IBOTO NIYO!!" sigaw ni Luis 

"Hoy Luis! sinong may sabing sumigaw ka! Isa pang ulit hah! I'm warning you!" sabi ng Adviser nila.

Tumakbo nalang papuntang Cafeteria si Charles para kausapin si Natalie pero may kasama ng iba ang bestfriend niya.

Habang tumatagal hindi na sila nakakapagusap ng tulad dati hanggang sa nagbabatian nalang sila.

Nag ring na ang bell para sa uwian at paglabas ni Charles hinihintay siya ni Natalie.

"Charles may problema ba tayo?"

"Ikaw baka meron"

"Ano ba? Bakit ganyan ka?"

"IKAW?! bakit ganyan ka? kala ko ba walang kalimutan eh bakit ganyan ka?"

"EH namiss ko lang naman ang Vingtrois ah! masama bang sumama sa kanila?"

"Di mo na kasi ako nakakausap eh lagi kang kasama nila"

"Hindi ko naman kasalanan yon! Anung gusto mo wag ko silang kausapin?! Alam mo ba nagkaproblema sila sakin at ang awkward na?"

"Di ko alam sorry."

"Ayan yung gusto kong sabihin. Gusto kong humingi ng tulong sayo kasi nagiba na ang tingin nila sakin!"

"Kaya lagi mo na silang kasama? Sorry Natalie. DI ko naman alam eh. Siguro kaya sila ganyan kasi naging bestfriend mo ko."

"Hala hindi ah! anu ka ba wag mo ngang isipin yan."

"Sana maayos na noh?"

"Tulungan mo ko bestfriend hah!"

"Siyempre naman! ikaw pa!"

"Charles, may ikekwento ka ba ngayon?"

"Ay oo! tara habang naglalakad tayo!"

"Teka may meeting ang council eh hintayin mo nalang ako sa bleachers."

"Ok"

Habang nagbabasa sa bleachers si Charles nakita niya ang kaklase niya na matagal niya ng gustong makilala.

"Siya nga yon! yung ayaw tanggapin sa class namin dahil wala dun ang pangalan niya. Tae bakit ba di ko siya malapitan".

Nagbasa naang ulit si Charles nang biglang sinubsob ni Natalie ang libro sa muka niya.

"Nagbabasa ka nanaman! Ikwento mo na!"

"Tapos na meeting niyo?"

"Ay hindi! nag cutting ako! OO TAPOS NA!"

"Tara ihahatid na kita pauwi para ikekwento ko sayo lahat."

Nagsuggest si Natalie na maglakad na lang sila para maikwento ni Charles ang lahat at kinwento nga niya.

"WHAAT?! LAST YEAR MO PA GUSTONG MAKILALA PERO DI MO PA ALAM ANG PANGALAN?!" sigaw ni Natalie

"WAG KA NGANG MAINGAY! ewan ko ba di ko naman maitanong ang pangalan niya nahihiya ako"

"YIIE! baka crush mo na kaya ka nahihiya!"

"DI KO NGA KILALA CRUSH AGAD?!"

"Joke lang! eto naman di mabiro! eh pano kung crush mo nga!"

"hala ewan ko! di naman eh!"

"Baka pag kayo na makalimutan mo ko hah!"

"Hala ano to Forbidden Friendship?!"

"Anung Forbidden Friendship?"

"May binabasa kasi akong book na Forbidden Friendship ang title, tungkol sa mag bestfriend tapos yung isa nagkagirlfriend tapos nagkalimutan na sila."

"awww how sad! pano kung gawin mo sakin yan!"

"Hindi ah! bestfriend kaya kita!"

"ay ewan! haha o sige na dito nalang ako, uwi ka na.. salamat bestfriend!"

"ay sige sige salamat din!"

...

"Kung sino ka man.. makikilala din kita."

Forbidden FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon