Last Chapter - Kaibigan Lang Ako

49 2 0
                                    

[Charles POV]

Ang hirap ng buhay ko, buhay Charles Calderon. Ngayon nalaman ko na ang pangalan ni Rhianine Dazo, di ko naman siya malapitan dahil nahihiya ako. Last year ko pa kinwento kay Arnell at Luis na gagawin ko siyang kaibiganpero bakit di ko manlang siya malapitan?!

Dahil seniors na kami tapos na ang masayang lesson, seryoso na to. Academics na ang main focus.

Nagpagawa ng activity ang adviser namin

"Ok class, group yourself by five. Please get a sheet of paper and draw one thing that can describe who you are and you’ll explain it here in front".

Oh yeah! Explaining in front! Favourite ko yan at syempre dahil mahiyain ang kagroup ko ako ang representative nila.

"JR anung idadrawing mo?" tinanong ko sa mahiyain kong kaklase

"makahiya, kasi mahiyain ako ikaw?"

Shet ano kaya ang idadrawing ko? Tumingin ako sa palaigid at naalala ko ang binder na laging dala ni Natalie na may drawing ng isang malaking torch.

"Torch nalang, mamaya ko na ieexplain"

Ilang minuto ang nakalipas inisa isa na ni ma’am ang mga group.

This is it. Turn ko na.

Pagpunta ko sa unahan… "Goodmorning! Ang dinrawing ko ang isang torch. Bakit? Dahil sa sarili ko alam kong may abilidad ako na gusto kong Makita ng iba, gusto kong marinig ako at Makita ko ng mga tao dahil may gusto akong patunayan sa sarili ko na hindi lang sila, dapat tayo rin".

Di ko alam ang reaksyon nila dahil sobrang tahimik nung magsalita ako.

"Next group!"

"Good morning!"

Napatingin ako dahil alam kong boses at accent yon ni Rhianine.

"I drew a piano not because I love playing it but because there is something about the piano that I can relate to myself."

Napakagaling niyang magsalita maygawd! Napanganga nalang ako habang nageexplain siya at may naramdaman akong kakaiba sa kanya. Di ko mapaliwanag kung ano.

KRRRRRIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGGG!!!

[Natalie POV]

Grabe naman! First day na first day may assignment agad! Ang hirap maging piot section!

Anyways, break time na at nakita ko si Charles. Pinuntahan ko siya.

"Natalie! Kilala ko na siya! Si Rhianine Dazo!" pasigaw na sabi sakin ni Charles

"oh kamusta naman?"

"Grabe sobrang galing niyang magsalita! Yung accent at intonation! Napanganga kami pati yung adviser namin!"

Haay nako eto nanaman si Charles, medyo exaj magkwento pag naamaze sa isang bagay.

Anu na nga bang nangyari sa friendship namin? hindi na kami masyadong nagkakasama pagkatapos ng workshop. Siguro dahil busy na kami parehas. O baka naman...

WAH! ayokong isipin yon. Anu nga bang magagawa ko kung in-love na siya kay Rhianine eh bestfriend lang naman ako. Pati, dun sya masaya eh. Hindi ako nagseselos dahil parang kuya lang talaga tingin ko sa kanya pero may part sakin na kinakabahan at iniisip ang mga tanong na; pano kung mawala na siya? pano kung kalimutan na niya ko?.

Pagkatapos ng last period bumaba agad ako at nakita ko si Charles na parang may hinahanap at hawak niya yung book ng "Forbidden Friendship".

"Charles!! Hello, para saan yan? di mo pa ba tapos yan?"

Forbidden FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon