Chapter 1: Start

32 2 0
                                    


Ashley's POV

"Oy, ikaw huh! Ano ginawa mo kagabi? Bangag na bangag ah." Pang-aasar ng best friend kong si Savannah. Napatili naman ako agad kasi naalala ko yung usapan namin kagabi. Jusq!!!!!

"Ay oh. Bangag nga. Ano namang tinitili tili mo dyan?" Sabi pa ng isa kong best friend na si Allison.

"Eh kasi tinawagan ako ni Josh kagabe!! Emegesh Emegesh!!!! My feels!!!!" Hinampas hampas ko pa silang dalawa. "2 hours and 12 minutes kaming magkausap!!! Grabe talaga!! Kyaaaaah!!!"

"Wow naman te. Kilig na kilig? Jowa ka?" Pangongontra ng kakarating lang na si Shane.

"Pati kung ilang oras, alam na alam? Hay nako, malala na tong tropa natin." dagdag pa ni Jamie.

"Wag nga kayong kontrabida! Kausap ko lang naman si Kevin Joshua Mandrique the love of my life!!!!"

"Eh ano namang napag-usapan niyo? Kung gaano niya kamahal si ate Chie?"Pang-inis na sabi ni Sav.

"Aray naman bes. Pwede dahan dahan? May part lang naman na nabanggit si ate Chie." May gusto kasi ako kay KUYA Josh. Oo, kuya. 4 years ang tanda nya sakin pero wala akong pake. Kaso yun nga. May gusto siya kay ate Chie na 2 years ang tanda samin. Di nga lang gusto eh. Sobrang mahal niya yun to the point na kahit may boyfriend na si ate Chie, hindi pa din siya sumusuko.

"Akala ko ba nagmomove on ka na?" Tanong ni Alli. Wala namang kami pero may pa move on move on kems pa ko eno? Arte. HAHAHAHA.

"Akala ko rin eh." Pero kasi ayaw ko na rin naman na eh. Ako kasi yung babae pero ako yung nahihintay kay Josh. Ang tanga ko. Ang desperada ko pero ano bang paki ko? Gusto ko siya eh.

"Aray ko naman, Sav!" Singhal ko sa kanya ng bigla niya akong batukan.

"Sa susunod di lang yan makukuha mo sakin! Iuuntog na kita sa pader ng maalog yang utak mo at magising sa katotohanang hindi ka mahal nung Joshua na yun!"Ganyan yang si Sav. Masakit magsalita pero alam niyo kung anong mas masakit? Kasi tama yung mga sinasabi niya.

Ayaw na ayaw ni Sav na nakakaganto ako dahil kay kuya Josh. Siguro kasi nakita niya kung pano ako itake for granted ni Josh. Alam niyang pag wala nang ibang matakbuhan si Josh, sakin siya lalapit. Alam niya kasi na kahit anong gawin niya, nandyan pa din ako para sa kanya.

"Loveyou, Sav." Yan na lang ang naisagot ko sakanya.

"Inamo, Ash."

"Anong problema mo sa mother in law ko, Sav?" Biglang singit ni Jasper. Kung hindi ba naman gunggong diba? Manlalandi nanaman ata tong isang to. Jusq.

"Papansin ka masyado noh? Dun ka ngang bakla ka!" Pagtataboy ko naman sa kanya. Forevs epal ng buhay ko yan. Lagi akong ginugulo. Kabwiset.

"Oo magpapapansin talaga ako sayo."Sabi niya pa sabay kuha ng libro na kanina ko pa hawak pero di ko naman binabasa dahil sa kabangagan ko at kadaldalan ng mga kaibigan ko.

"JASPER DRAKE VALDES!!!!" Sigaw ko at hinabol ko siya palabas. Pag hindi ko yan hinabol, hindi niya talaga ibabalik yung libro ko.

Madali ko lang na nahablot ang braso ni Drake para patigilin siya sa pagtakbo. Aba, athlete ata to! Hindi ko alam kung bakit pero madali ko lang rin na-agaw ang libro mula sa kanya. Siguro dahil bobo talaga siya.

Pero nahampas ko na lang sa kanya yung libro nang yakapin niya ko para di makatakbo.

"Uy, tsansing."

"Ay halata ba?" Bilib na talaga ako sa kaladian ng mokong na to. Ewan ko ba dyan. Heartbroken kay Jamie eh. Kaya siguro naglalandi ng kung sino sino. Pinapabayaan ko na lang kasi tropa ko yan. Minsan nakikiride ako sa panlalandi niya pero minsan talaga ang sarap niya na lang bangasan eh.

Taking RisksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon