Allison's POV"Loves! Namiss kita!" Salubong sakin ni Darylle nang makarating ako ng canteen.
Actually, ngayon lang ako pumasok kung kelan lunchbreak na. Dapat nga 3 days akong wala dahil pupunta kaming Laguna kaso kung kelan naman ready na kami sa pag-alis, dun nagkaemergency si Mama sa work nila. Kainis!
"Tse." Tinawanan naman siya ni Keith.
"Bat nga pala kayong apat lang ang nandito?" Pano, pagmumukha lang ni Sav, Darylle, Keith, at Ivan ang nakikita ko dito.
"Bakit? Gusto mo bang masolo si Darylle? Tara na nga Keith at Sav, alis na tayo."-Ivan.
"Epal 'to." Sabi ko saka siya inirapan.
"Deh, si Jasper at Ashley no where to be found eh. Si Jamie, alam mo na, kasama nanaman boyfriend. Si Shane ayaw umalis ng room kasi masakit daw puson. Nandun si Mark para samahan siya."
"Magkasama nanaman si Jasper at Ashley? Wow huh." Nadadalas na silang dalawa ang laging magkasama. Napapansin ko din na mas nagiging close ang dalawang yun. Siguro malapit na ang loob sa isa't isa kasi parehas BH.
Tsaka kapag in need si Ash to the rescue lagi si Jasper. Nawalan bigla ng saysay pagiging bestfriend ni Ivan at Keith eh HAHAHA joke lang.
Pagkatapos kasi nung paguusap ni Josh at Ash hindi na sila nagusap ulit eh. Pansin naman namin na nasasaktan talaga si Ash ayaw nya lang ipakita.
Kaya rin siguro siya laging kinukulit ni Jasper. At ang bruha naman nakikiride sa kakulitan at kalandian ni Jasper kasi pag ganun di niya daw naiisip si Josh.
Tse! Lalandi ng mga tropa ko! Hahaha. Buti pa ko.
"Nakakaselos na nga eh. Feeling ko hindi na ako yung best friend." Pabirong sabi ni Ivan. Tinawanan ko naman siya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Hello. Best friend din kaya ako."-Keith
"Nauna pa din ako."-Ivan
"Manahimik nga kayong dalawa."-Sav
"Puntahan ko na pala si Shane. Babush!"
"Wait! Sama 'ko sayo loves!" Hinayaan ko na lang si Darylle.
"Sama na nga rin ako! Hahanapin ko si Ash. Baka kung san na dinala yun ni Jasper."-Keith
"Weh? Baka titignan mo lang si Shane at Mark." Pangaasar naman ni Sav.
"Hoy teka wag nyo kong iwan dito sa sadistang to!" Sabi ni Ivan.
"Aba gago! Edi sama sama na tayo!!" Iritang sambit ni Sav.
Bale sabay sabay rin kaming pumunta sa room. Nakasalubong pa nga namin si Josh.
"Saglit lang, kausapin ko lang to." Paalam ni Keith samin. Atsaka lumapit kay Josh.
"Oh? Di mo sasamahan yun?" Tanong ni Sav kay Ivan.
"Naalala niyo yung sinabi ni Ash? She can manage. Di ko lang talaga maintindihan kung anong pinuputok ng butsi nyang si Keith eh."-Ivan
BINABASA MO ANG
Taking Risks
Novela JuvenilSa larangan ng pag-ibig, pwedeng manalo at pwede ring matalo. Kaya nga may tinatawag na "taking risks" eh. Pero kakayanin mo nga bag magtake risk, lalo na't alam mong hindi ikaw ang mahal nya? Susugal ka pa ba kahit una pa lang, alam mo nang talo ka?