Chapter 2: Joshua Mandrique

12 1 0
                                    


Ashley's POV

Nakaupo ako sa may bleachers dito sa field. Nasa pinakataas ako para hindi niya ko makita.

Absent yung teacher namin sa isang subject kaya naman dito na lang ako dumeretso.

Sinaksak ko ang earphones sa magkabilang tenga ko at tinitigan ko siya.

Ang gwapo niya talaga. Ang galing pa sumayaw.

Nanunuod ako ng practice ng dance troupe. Dyan kami unang nagkakilala ni Josh. Parte kasi ako nyan dati. Pero ngayong 4th year, masyadong hassle kaya tinigil ko na.

Pinapanuod ko lang siya sumayaw. Kadalasang nasa kanya yung spotlight kasi magaling siyang magbreakdance. Pag ginagawa niya yun, siya na yung center of attraction. Ang galing niya kasi talaga eh.

Nakatitig lang talaga ako sa kanya. Pinagmamasdan ko ang bawat kilos niya. Nakaramdam nanaman ako ng kirot sa puso ko.

Ang swerte ni ate Chie kasi mahal mo siya. Pero ang tanga niya rin kasi di niya nakikita yung halaga mo. Pero mas tanga ka kasi kahit binabasura ka na nya patuloy ka pa rin sa pagsuyo sa kanya.

Nandito naman ako ah?

Ano ba yan! Drama naman.

"A penny for your thoughts?" Nagulat na lang ako ng makita ko si Ivan. Wth. Tinanggal ko ang earphones sa tenga ko para makausap siya.

"Pano mo nalamang nandito ako?"

"Hindi ikaw ang hinanap ko."

"Huh?"

"Kung nasan si Josh, alam kong nandun ka. Buti na lang member din ng dance troupe si Mark kaya madali ko siyang nahanap."

"Ah. Anong ginagawa mo dito?"

"Nagbabasa siguro ng libro, Ash. Malamang sasamahan ka diba? Baka mamaya magpakamatay ka pa dyan." Natatawa nyang sabi kaya hinampas ko siya.

"Gago! Di ako ganun." Tumabi siya sakin.

"I know."

Tinitigan ko na lang ulit si Josh. Hay! Hanggang kelan naman kaya tong moving on stage na to? Sana matapos na lang agad.

Pinikit ko yung mata ko. Pwede bang pagdilat ko, nakamove on na ako agad? Pwede bang mawala na agad yung sakit? Pwede bang pagdilat ko, hindi ko na siya gusto? Pwede ba yun?

Dati sabi ko kahit anong mangyari, maghihintay ako. Hindi ako susuko. Pero darating na lang talaga sa punto na didiktahan ka ng puso mo na wag ng magsayang ng oras.

Darating sa puntong mapapagod ka na lang kasi damang dama mo na ang worthless mo sa paningin niya. Na kahit anong gawin mo hinding hindi ka niya makikita. Kasi yung mata niya? Nakafocus lang sa iisang babae. 

"Mahal na mahal mo talaga siya noh?" Napadilat ako at tinignan si Ivan. Agad siyang nagiwas ng tingin ng magtama ang mga mata namin.

Ano ba to! Bakit ko nakita ang hint ng pain sa mga mata niya? Ang bobo ko talaga bumasa ng tao.

"OA ka! Gusto ko lang siya, hindi ko siya mahal na mahal."

"If you say so."

"Ivan!"

"Oh ano?"

"Hindi nga kasi!!"

"Hala wala naman akong sinasabi ah! Hahaha!" Tinignan ko siya ng masama at sabay kaming napatawa. Hinampas ko naman siya.

Taking RisksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon