Chapter 1: Meeting Him Again

122 1 0
                                    

A/N:

My first story I created when I was high scho0l. Just wanna share here. :) Medyo luma un terms and ilang words. First year pa kc ko nu0n :D Haha makaluma kami way back Y2K. Nainspire lang ako ipost to dahil sa sister ko. @notey24, mwaah! :* Well, hope you enjoy! One Shot lang to.

***********

"NATATAKOT po ako Attorney. Baka po mawala na ng tuluyan sa akin ang anak ko. Dinig ko po'y dadalhin nila ito sa Amerika."

"Huwag po sana kayong panghinaan ng loob Mang Fabian. Kailangan ko po ang kooperasyon ninyo para maipanalo natin ang kaso," alo niya sa matanda.

"Salamat Attorney! lalong lalo na sa pagbibigay pansin ninyo sa aming mahihirap na walang maipambayad. Kung wala po kayo, hindi ko na alam kung sino pa ang lalapitan ko."

Ngumiti ang Attorney. May espesyal na lugar sa puso niya ang mahihirap dahil galing din siya sa hirap. Kaya may nakalaan talaga siyang oras sa mga katulad ni Mang Fabian.

Si ATTORNEY LENNY JANE GOMEZ. Bata, matapang at maganda. Pumapangalawa sa bar exam at nabibilang sa sabi nga nila'y nandoon sa itaas. De kampanilya. Hindi matitinag. Kinasisindakan.

Kay Mang Fabian ay isa lamang sa maraming kasong hinawakan niya. Ngayon ay unang hearing at naninibago siya. Bakit tila yatang may kakatwang kaba at antipasyon siyang nararamdaman na hindi niya ma-explain?

Oo nga't dinig niya na ang makakalaban niya abogado ay nagtapos ng summa cumlaude sa Amerika at de kalidad pero alam niyang kampanteng kampante siya sa sarili. Hindi naman sa pagmamayabang pero halos lahat ng kasong hinawakan niya ay naipanalo nya lahat. At iyon ang pinanggagalingan ng tapang niya. Nagbibigay ng drive sa kanya para ipanalo ang kada kasong hawakan niya.

Huminga siya ng malalim at kasama si Mang Fabian na pumasok sa courtroom.

*******************

Sa COURTROOM...

Agad na natuon ang pansin niya sa lalaking nakatalikod. Sa tingin niya'y six footer ito, maputi't mamula-mula ang kutis. May tindig itong nagpapahiwatig ng awtoridad at kumpiyansa sa sarili.

Kausap ito ng Judge at pagkakita nito sa kanya ay kaagad siyang tinawag.

"You arrive just in time, Atty. Gomez. Ah, Atty. Laserna, gusto kong makilala mo si Atty. Gomez, ang magiging katunggali mo."

Napatda silang pareho...

"L-LJ..!?"

"D-Dave..!?"

to be continued...

Childhood Rival (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon