Chapter 3: The Case

55 1 0
                                    

A/N:

Happy reading! :)

********************

"UMATRAS ka na sa kas0ng ito at baka mapahiya ka lang." - Dave

"Hindi! At wala akong balak. Tinitiyak ko sa'yo, lalabanan kita!" hamon ni LJ.

"Hindi ka mananalo!" - Dave

"We'll see." may assurance na sabi ni LJ.

************************

COURTROOM...

"Your Honor, narito ngayon ang kliyente kong si Mr. Fabian Dimaculangan na nagpapasa ng mosyon na humingi ng custody ng kaisa-isang anak na si Aileen Dimaculangan," matatag na pag-uumpisa ni LJ.

"Objection your Honor!" pakli ni Dave. " Hindi ho ba't nararapat lang na kina Mr & Mrs. Adarga, lolo at lola ng bata, na mapunta ang pangangalaga sa batang si Aileen na alam nating lahat na sila ang makakapagbigay ng lubos sa aspetong pinansyal, itelektwal at espiritwal?"

"Your Honor, hindi ba't paglabag sa karapatan ng aking kliyente bilang isang ama ng bata na pagkaitan ng pagmamahal, pangangalaga na talaga namang laan sa kanya?" - LJ

"Ama?! Your Honor, pero isang ama na walang permanenteng trabaho, hindi nakatapos ng pag-aaral. Ano ang kasiguraduhang mabibigyan niya ng sapat na pagkain, edukasyon at iba pa na kailangan ng isang lumalaking batang katulad ni Aileen?" - Dave

"Buhay ang aking kliyente, your Honor. Buhay at malakas kaya walang rason para hindi siya makahanap ng trabaho. Taglay ng aking kliyente ang determinasyon, ang kasipagan, mga katangian ng isang taong nagpupursige para hindi magutom," depensa ni LJ.

"Hindi pa rin sapat ang nabanggit your Honor." - Dave

"At alin ang sapat, your Honor? Sino ang makakatiyak ng talagang sapat sa tunay na kahulugan nito? Likas na sa tao ang hindi makuntento, mapayaman o mapamahirap. Nabubuhay ang tao para magpursige, magsakripisyo alang-alang sa isang minamahal at ang kliyente ko'y minamahal ang kanyang anak." - LJ

"Mayaman ang kliyente ko. Masisiguro ang kinabukasan ng bata," katwiran ni Dave.

"Alin ang sigurado? Sino ang nakakatiyak kung ano ang mangyayari bukas? Ang buhay ay parang sugal. Pwede kang manalo o matalo. Pwedeng masabi yan sa kliyente ng kabilang panig. Nasa negosyo sila. Alam nating lahat, na pwede kang umunlad o malugi sa larangang ito. Sino ang makakatiyak?" - LJ

*****************************

KINAGABIHAN...

Hindi siya makatulog. Hupa na ang ngitngit niya't hindi niya maintindihan ang sarili. Di nga ba at dapat ay matuwa siya dahil maliwanag na nakapuntos siya kanina sa court room?

Pero ano itong damdaming umuusbong sa kanya?

Simpatya? tsk.

Naalala niya tuloy noong umalis sina Dave papuntang Amerika.

Gusto niyang kumbinsihin ang sarili na kahit papaano ay natuwa siya't wala nang mambubwisit sa kanya pero sa pagdaraan ng mga araw, damang dama niya ang kahungkagan. Ang kulang. Ewan niya kung bakit hinahanap niya ito.

Si Dave ang tagapagbigay ng challenge para magpursige siya't lumaban daan para magkaroon ng kabuluhan ang araw-araw niyang buhay.

Ngayon niya aamininG hinahanap-hanap niya ang halik na yun na ewan niya kung bakit hanggang ngayon ay pasundot-sundot pa rin sa imagination niya.

Napabuntung-hininga siya. Matagal na niyang inaasam na makapaghiganti kay Dave kaya hindi siya dapat makinig sa damdaming gumugulo sa kanya.

Kring! Kring! Kring!

Napaunat si LJ. Tumingon sa relo, mag-aalas-dos na ng umaga.

Sinong??....

Dinampot niya yun cellphone niya.

"Hello." - LJ

Walang sagot sa kabilang linya.

"Hello," ulit niya.

"LJ?"

Nangunot ang noo ni LJ. Lalaki ang nagsalita sa kabilang linya.

"Yes. Sino ito?" - LJ

Muli ilang segundo ring hindi sumagot ang nasa kabilang linya.

"Len... ahm ... s-si Dave ito."

Tumigil ba sandali ang tibok ng puso niya?

"Bakit? Anong kailangan mo?" pinilit ni LJ maging pormal ang boses.

"Ah. Eh. Ahm tungkol sa k-kaso---" - Dave

"Sa korte dapat pinag-uusapan yan," putol ni LJ sa sasabihin ni Dave.

"Hindi naman yan. I mean, gusto ko lang makipag-usap sa'yo."

"Look! Nakakaistorbo ka na ng tulog, hindi mo ba alam?" pagkasabi'y agad niyang binaba ang telepono.

to be continued...

Childhood Rival (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon