The Final Chapter

56 0 0
                                    

A/N:

Last part na po agad. :) Maikli lang po talaga ang kwento na ito. Hehe masyadong busy para dagdagan pa. :D Pag--iisipan ko kung may sequel or Book II. Kung may magsasuggest ba e why not??

***********************************

MABILIS NA LUMIPAS ang panahon. Huling hearing ng kaso sa court room...

"Tinatawagan si Mr. Dimaculangan sa witness stand." Pagkaupo'y tinanong agad ni Dave si Mang Fabian.

"Mr. Dimaculangan, maaari mo bang isalaysay sa hukumang ito kung paano kayo nagkakilala ng ina ni Aileen na anak naman nina Mr & Mrs. Adarga?" - Dave

"Hardinero po ako ng mga Adarga. Mababait po sila lalung-lalo na ang anak nilang si Marilyn. Maganda siya, maalalahanin kaya nahulog ang loob ko sa kanya. Nag-ibigan kami hanggang sa siya'y magdalang-tao."

"Samakatuwid, sinira mo ang pagtitiwalang ibinigay sa'yo ng mga Adarga," si Dave ulit.

"Objection your Honor! Mukhang nakakalimutan ng katunggali kong abugado na dalawang tao ang kailangan upang makabuo ng batang katulad ni Aileen. Ibig sabihin, hindi niya ginustong mag-isa ang nangyari at lalong hindi niya kasalanang mahalin siya ng anak nina Mr. at Mrs. Adarga," depensa ni LJ.

"Your Honor, gusto ko lang iharap sa hukuman na ito kung anung klaseng tao meron itong si Mr. Dimaculangan." - Dave

"Objection sustained, Atty. Laserna. Ibahin ang tanong," ani ng judge.

"Alam mong mayaman sina Marilyn. Hindi ba't klarong klaro na gusto mo lang makiamot sa yaman ng mga Adarga?" - Dave

"Hindi totoo yan! depensa ni Mang Fabian. "Alam ng Diyos na mahal na mahal ko si Marilyn. Nang mamatay siya'y para na rin akong nawalan ng buhay. Konsolasyon ko na lang ngayon ang anak ko na pilit pang kinukuha ng mga Adarga dahil galit sila sa isang hamak na tulad ko lang ang minahal ni Marilyn. Mahal ko ang anak ko, ang tanging buhay na alaala sa akin ng aking asawa."

"Pagmamahal o kasakiman, Mr. Dimaculangan? Pagmamahal bang itinuturing ang pagkaitan mo ng magandang kinabukasan ang kaisa-isang anak mo? Pagmamahal bang maituturing na pagkaitan mo ng masasarap na pagkain, magagandang damit, magandang buhay ang anak mo?" - Dave

"Objection your Honor! Hindi masasabing hindi maibibigay ng aking kliyente ang mga nabanggit ng aking katunggaling abugado," muling depensa ni Lj.

"Galit sila sa akin!" sabad ni Mang Fabian, " kaya pilit nila akong nilalayo sa anak ko."

"Bakit paiiralin ang galit kung ang mangingibabaw ay makakabuti sa mas nakakarami?" ani Dave sabay tapon ng makahulugang tingin kay Lj.

DUMAAN ang ilang minuto...

Ilang sandali na lang ay babasahin na ng tagapagsalita ang testamentong naglalaman ng desisyon ng judge:

"Matapos ang pag-aaral sa kaso ng dalawang panig, napagdesisyunan ng korteng ito na ang pangangalaga at responsibilidad para sa batang si Aileen Dimaculangan ay mapupunta kay Mr. Fabian Dimaculangan na siyang legal na ama ng bata. Sina Mr. at Mrs. Adarga ay may pahintulot para mabisita o magbigay ng kahit anong suporta sa bata bilang pagkilala sa pagiging lolo at lola ng bata."

"So ordered!" pagtatapos ng judge.

Nagkagulo ang mga tao sa court room. May pumapalakpak, naghihiyawan at umiiyak.

Ang lahat ng iyon ay hindi ininda ni Lj.

Kakatwa pero wala siyang maramdamang kasiyahan sa pagkapanalo niya sa kaso. Ang tagal niyang hinintay ito, ang makaganti at makaungos kay Dave.

Bakit ngayo'y...wala siyang makapa sa dibdib kundi kalungkutan at kahungkagan?

Tapos na ang kaso. Nangangahulugan iyon na hindi na rin niya makikita si Dave.

"Galit ka pa ba sa akin?" gulat na napalingon si Lj sa nagsalita.

Si Dave!

Akala niya ay umalis na ito.

"Tapos na ang kaso, kailangan na nating magrelax at magcelebrate. Ano sa palagay mo? ani ng nakangiting si Dave sabay gagap sa kamay niya.

Hindi na siya nakatutol. Ahh basta! Ang sarap sa pakiramdam na mahigpit na paggagap ni Dave sa mga kamay niya.

THE END!

********************

Aha! Bitin ba? Ako din e! Anyways, thanks sa mga nagbasa! Godbless! :)

- jeynirom12

Childhood Rival (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon