Chapter 3

43 8 0
                                    

Angela's POV

OMG! Medyo mabait! Pero thankful na rin ako kasi ayoko naman magkasakit dahil may trabaho pa ako. Ba ka matanggal pa ako sa trabaho. Mamaya pa naman shift ko kaya siguro matutuyo naman yung uniform ko.

Inilibot ko yung paningin ko sa kwarto ni ilong. Wow ang laki a ang linis ah. All white pa. Kala mo tuloy akong na sa langit na. Pero grabe. Nakaka bighani masyado yung kwarto na to.

Tama na nga ang paghanga ko. Natural lang siguro sa mayayaman to. Maghahalf bath na ko at ng makapag bihis na ko.

Tinungo ko ang daan papunta sa banyo nya. Pag pasok ko sa banyo na amaze na naman ako. *o*

Para syang hindi lalaki. Ang linis din ng banyo nya. Naka organize lahat ng gamit nya dito. At may mini jacuzzi pa sya. Tapos may shower pa. Ang dami naman liguan dito sa banyo na to. Wow! Just wow!

Isinarado ko na yung pinto at nag umpisa na akong tanggalin yung damit ko. Manghihingi na lang ako sa kanya ng hanger mamaya para matuyo naman yung uniform ko.

Pumasok na ko dun sa glass divider kung na saan yung shower at nag simula ng maligo. Ang init ng tubig. Ang sarap sa pakiramdam. Nakaka-wala ng pagod.

After 10 minutes ay natapos na ko. Ayoko na magtagal dahil nakakahiya. Hala! Paano na to? Basa nga pala undies ko. T.T

Nag punas na muna ako nga katawan habang inaalala ko kung ano gagawin ko. Hindi ako makaka-labas ng walang undies tapos malaking T shirt lang suot ko. Ba ka makita nya ang pinakakatago kong parte ng katawan ko.

Linibot ko ng paningin yung banyo. At sa awa naman ni batman nakakita ako ng bath robe. Isinuot ko yon at tsaka ako lumabas. Hindi naman siguro sya magagalit.

Pag labas ko ng banyo wala pa rin sya doon. Kaya tinignan ko kung na sa labas sya ng kwarto at hindi naman ako nagkamali. Andon nga sya. Hinihintay siguro ako lumabas din.

"Ah... eh a-ano... ginamit ko 'tong bath robe." Nakaka-hiya talaga as in. Pumasok naman na sya don sa kwarto.

"Ayos lang." Hay buhay buti naman. Ini-abot ko na sa kanya yung t shirt nya na ipinapahiram nya kanina.

"A-ano.. ilong este chiriko pwede ba akong mang-hiram ng hanger? Para matuyo yung uniform at u-undies ko." Pakiramdam ko ang pula na ng mukha ko.

"Ipapakuha ko na lang sa maid yung mga damit mo mamaya sa maid pagka-ligo ko." Oo nga pala di pa sya naliligo. Basang basa pa rin pala sya hanggang ngayon.

"Ah.. sige. Thank you pala." Ngumiti na lang sya sakin at pumasok na sya sa banyo.

Ano na kayang gagawin ko ngayon? Na-upo na lang ako sa sahig at nag muni-muni. Bigla naman pumasok sa isip ko yung kanina. Nung una si ilong pinatid ako sa hallway. Ngayon naman yung Alex na yon nilagyan ng pulang tinta yung upuan ko. Kaya pag upo ko don di ko alam na nalagyan na yung palda ko. Nung tumayo ako bigla na lang ako pinagtawanan ng mga kaklase namin. Tapos yun pala may pintura na akong pula sa palda. Napagkamalan pa kong may tagos. Sa sobrang inis ko sinampal ko sya eh. Tapos narnig kong may tumawag sa pangalan ni ilong kaya napatingin ako sa kanya. Sobrang nahiya ako kaya tumakbo na lang ako papunta sa quadrangle. Hinabol naman nya ako. Tapos biglang umulan. Basta alam nyo naman na susunod sa mga yan eh.

Pero... unexpected yung ginawa nyang pag habol sakin at dinala pa nya ako dito sa bahay nila para lang paliguin ako. Mabait naman pala sya. Akala ko puro kagaguhan lang alam nya eh.

Bakit nya kaya ako hinabol? Aish dami ko naman iniisip. Ba ka naawa lang sya sakin. Oo naawa lang sya sakin.

Maya maya lang ay lumabas na rin sya sa banyo. Napatingin naman ako sa kanya. Bakit ganon? Ang hot nya habang napupunas ng buhok. Pababa ng pababa ang tingin ko at napansin kong naka-boxer shorts lang sya. At.. at.. may na ka umbok don sa boxer nya.. dali dali akong napalingon sa ibang direksyon. Namumula na siguro mukha ko ngayon. >\\\\\<

SHADES OF BANGTAN SERIES: CHIRIKO HANASHITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon