Chapter 4

39 2 1
                                    

Angela's POV

"ANG TAAS NG LAGNAT MO!!" Napasigaw na lang ako. Hindi ko naman expected na may sakit talaga sya.

"Wag ka ngang sumigaw, nakaka-bingi. Alam kong hot ako pero wala akong lagnat. Masama lang pakiramdam ko. That's all." Aba naman at kung ano ano pa sinabi ng lalaki na to.

"Dun ka na nga sa kama mo. Magpahinga ka don. Kaysa nandito ka sa sofa." Syempre mag aalala naman ako kahit papaano. Pakiramdam ko kasalanan ko to eh. Aish.

"Oo na, sa isang kundisyon." Kailangan may kundisyon pa?

"Osya osya, anong kundisyon?" Ano pa bang choice ko. Haist.

"Dito ka matutulog. Tapos aalagaan mo ko." Kailangan dito pa matulog? Tumayo na sya at pumunta na sa kama nya at humiga roon. Sumunod naman ako sa kanya. May upuan naman na malapit sa kama nya kaya doon na lang ako uupo.

"Kailangan ko umuwi... wala naman akong damit dito. Tapos maglalaba pa ako ng uniform. Hindi naman pwedeng naka-bath robe lang ako buong araw hanggang bukas ng umaga." Sambit ko

"Okay lang yan. Tsaka nilabhan naman na ng maids yung uniform mo eh. Please?" Ayan na naman yung please please nya na yan. At nag puppy eyes pa talaga. Mukha kang aso na may malaking ilong uy.

"Oo na oo na." Wala na naman akong nagawa.

"Yes! Tsaka may sasabihin din ako sayo eh." Ano naman kaya ang sasabihin ng lalaki na to sakin?

"Ano naman yon?" Tanong ko sa kanya

"Mamaya ko na lang sasabihin. Alagaan mo na lang muna ako." Para naman bata to

"Mukha ka naman walang sakit eh." Nakukuha pa nya kasing mag biro may sakit na nga sya.

"Basta alagaan mo ko." Napaka bossy ah. Wala naman atang sweldo to.

"Makapag utos ah." Pagka-sabi ko nyan ay tumahimik sya bigla at hindi na rin ako nag salita. Pero di ko pa rin alam kung bakit kilala nya yung boss ko. Ganun siguro talaga pag mayayaman. Kilala ang isa't isa. At ang malupit pa don eh napapayag pa nya yung boss ko na hindi ako pumasok at walang bawas ang sweldo ko. Tsaka parang close na close sila. Tanungin ko na nga lang tong si ilong.

"Ilong.. paano mo nakilala yung boss ko?" Di sya sumagot. Peymus. Snob na si ilong. Hayaan na nga ba ka natutulog na sya. Ayan tama yan mag-pahinga ka na ng gumaling ka ka-agad.

-----

Alex's POV

Ang sakit pa rin ng pisngi ko hanggang ngayon. Mali na sya ang pinag tripan ko. Maling mali. First time akong na sampal sa buong buhay ko ah. Di ko makakalimutan yon. Pero nakakatawa talaga. HAHAHAHAHAHA!

Pero bakit pa sya hinabol ni Chiriko? Hindi naman sila close ah. Di ko nga sila nakikita na mag usap. Ipinagpapalit na ata ako talaga ni baby chiriko ah. Hahahaha! Ano kaya binabalak nung ilong na yon. But seriously. I. Feel. Jealous.

Well, I dont care at all. Kung ano man plano nya bahala na sya sa buhay nya. Hahaha, naguluhan ako bigla sa sinabi ko. Misnsan magulo talaga ako eh.

Nag-lalakad ako ngayon papunta sa gate ng university. Nag-pa-sundo na lang ako sa driver ko. Di naman kasi ako nag dadala ng kotse dito eh. Ba ka mapag trip-an pa kotse ko dito. Marami pa naman bugok dito. Parang si Jack bugok na bugok pati itlog nya bugok na rin kaya pandak eh.

Habang hinihintay ko yung driver ko dito sa main gate bigla naman bumuhos ang isang malakas na ulan. Edi wow. Wala akong payong. Wala pa driver ko. Karma na ata ito. Ang bilis. Sana kasing bilis din ng pag mo-move on ko yung karma na to. Hugot pa Alex. Hahahahaha.

Mukha na kong basang sisiw dito sa main gate, napaka galing naman kasi ng driver ko. Napaka galing as in. Na traffic ata sa himpapawid. Buti na lang di ako madaling magka-sakit. Iba talaga pag alien.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na din driver ko. Syempre pumasok na ko agad. Di naman ako nag sasalita ng kung ano ano pag andyan na sila. Thankful na lang din ko kasi dumaing na sila. Atleast hindi paasa.

Gusto ko na maligo at magpahinga. Nakaka-pagod din pala mag hintay. Hindi ko na namalayan na napipikit na pala ang mga mata ko, unti unti na akong nakaka tulog sa sasakyan ko.

Chiriko's POV

I feel so hot rigth now. Oh?! Wait! I am hot. Hahaha. Kidding asside. Masama talaga pakiramdam ko. Umalan pa kasi eh. Tumingin ako sa left side ng kama ko at nakita kong natutulog sa couch si Angela. Napagod siguro tong babae na to. Hindi ko na alam ngayon kung itutuloy ko pa yung plano ko. Ang hirap mag desisyon.

Tumingin ako sa orasan at pass 2 am na pala. Kaya pala tulog na to. Kumain kaya to? Gisingin ko nga.

"Oi!" Tinapik tapik ko sya. Tulog mantika.

"MAY SUNOG!!!" Agad agad naman syang napatayo at yun din ang dahilan kung bakit ako napatawa ng malakas.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Priceless ang expression nya. As in.

Sinamaan nya lang ako ng tingin.

"Kain tayo sa baba. Then lets talk." I stand up and go straight at the dining area.

"Sige, kahit kaka-kain lang natin kanina. Sige, naiintindihan kong gutom ka kasi may sakit ka." Daming sinabi. Iba talaga tong babae na to. Sumunod naman sya agad sakin.

"Sit." Nagugutom talaga ako.

"Makapag utos kala mo aso lang ako ah." Umupo naman sya. Parang tanga minsan eh. Tulog na pala yung mga maids kaya maglalabas na lang ako ng instant noodles para just pour hot water na lang hahaha.

"Tungkol saan pala pag uusapan natin?" Aba't mukhang interesado sya sa sasabihin ko sa kanya ah.

"Let's start then, shall we?" Sambit ko habang nilalagyan ng mainit na tubig yung instant noodles.

"I'll be offering you a job. A very easy job." Pansimula ko.

"Anong klaseng trabaho? May trabaho na rin ako eh siguro okay na rin kung mag dagdag pa ko ng isa pang part time job."

"You'll be my pretend girlfriend. I'll be paying you twenty thousand pesos. Cash, every month. And not just that. Bibigyan din kita ng bonus pay pag hindi tayo napag halatan na fake relationship lang ang meron tayo. And by the way you'll be fired at mcdonald's soon, so better accept my offer." Ano kaya sasabihin nito. Mukhang gulat na gulat eh. But I really hope she agrees.

"Wait?! WHAT?!! ANONG PRETEND PRETEND GIRLFRIEND ANG NALALAMAN MO NA YAN? NASISIRA BA ULO MO? O SIRAULO KA NA TALAGA? AT BAKIT NAMAN AKO MATATANGGAL SA TRABAHO KO EH WALA NAMAN AKONG GINAGAWA NA MALI. EWAN!" Ingay ah

"Wag beast mode. May mga nstutulog na. Yung boses mo ume-echo sa buong bahay. Nakaka-istorbo ka na sa mga nagpapahinga." Mapapapayag din kita.

-----------

A/N

GUSTO KO PONG GAWAN NG MAJOR TWIST ANG MGA MAGIGING SUSUNOD NA CHAPTER. SO EXPECT MAJOR CHANGES SA FLOW HAHAHAHAHA

SHADES OF BANGTAN SERIES: CHIRIKO HANASHITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon