Chapter 1 Mystery

41 3 1
                                    

June 15 20XX

5:00 am

The moment I open my eyes this monday morning, bigla akong nakaramdam ng excitement na may halong kaba na di ko maintindihan. Sarili kong damdamin di ko maintindihan.  Bakit ganito nararamdaman ko? Siguro normal lang 'to.. Oo normal lang 'to lalo pa't first day of school year. Okay calm yourself Ella..

Eeeeeh... ayaw pa rin tumigil sa pagtibok ng mabilis.. may mangyayari kayang hindi maganda? Erase erase. Wala naman siguro. I hate to think na meron. I always have this kind of feeling bago may mgyaring bagay na di ko inaasahan.

Pinilit kong iwaglit sa isip ko yun para pakalmahin ang sarili ko. Bumangon na ko sa kama, naligo at nag'ayos sa pagpasok. Bumaba na ko ng kwarto ko papuntang kusina para magbreakfast na hinanda ni mama. Pagkatapos ay agad na humarap sa laptop. Pagkabukas ko, nakita ko na si papa sa screen.

"Pa! Good morning! Oh inaantok pa si papa. Ayaw kasing magpa'miss e." 2:12am pa lang kasi sa Australia.

"Di bale ng lumaki eyebag ni papa mo kesa may ma'miss akong bagay sa inyo dyan. Tsaka wala kong work ngayon, ay kahapon pala. Haha. Excited ka na ba pumasok?" 

"Syempre papa! Makakasama ko na ulit mga kaibigan ko."

"Yun lang ba talaga? Di ka ba excited sa magiging bagong classmates at teachers mo?"

"Papa naman. Hindi na ko bata."

"Meron ka na ngang boy friend??!" 

"Wala Pa! Hindi yun ang ibig kong sabihin. Alam mo naman na ikaw lang lalake sa buhay."

"Pero iniwan ka naman ng lalaking 'yun." Seryong sabi niya.

"Pa naman. May magandang dahilan naman bakit mo kami naiwan dito. Pagsinabing iniwan, hindi ka na babalikan. Eh hindi ba babalikan mo naman kami?" Tinitigan ako ni papa. "Paaa??" Tipid na ngumiti siya.

"Oo naman anak. Babalikan ko kayo, impossible namang hindi. Nagpapasalamat lang ako dahil naiintindihan mo."

"Syempre naman po. Lab ko kayoo eh. :) "

"Laking takot lang niyang papa mo pag'iniwan tayo." Narinig naming sabi ni mama nang pagkasulpot sa likuran ko. Tapos umupo sa tabi ko.

"Bakit ma, di ka ba natatakot pag'nawala si papa satin?"

"Hindi. Mas natatakot ako para sa'inyo." Sabay tawa niya pati  ni papa.

"Wushu. Wari pa si mama."  Tapos tumawa kaming tatlo. Hindi pala impossibleng maging masaya kayo kahit malayo kayo sa isa't-isa.   "Basta pa, hindi ko kayo bibigyan ng dahilan para mag'alala, kaya wag na po kayo mag'alala sakin. You're still our only man! =))"

"Talaga? Sweet naman. Ano gusto mong padala ko dyan?"

"Hindi ko naman kayo binobola e. Saka alam nyo na rin naman kung ano gusto ko."

"Sige, padadala ko yun dyan this week."

"Talaga Pa? Asahan ko yan ah!"

Sa Australia nga nagtatrabaho si papa bilang architect. 2 years na ng huli siyang umuwi kaya naman, halos araw'araw siyang nakikipag'communicate samin para nga daw di nya mamiss ang anumang maliliit na bagay tungkol sa amin. Si mama at ang 5 year-old kong kapatid na si Light ang kasama ko sa bahay na pinatayo ni papa. Kung di nyo maitatanong sa kanya ako nagmana ng art skills ko.

If I Could Change the WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon