Pagkapasok namin ng room, may commotion sa loob dahil nagkukumpulan ang mga kaklase namin, karamihan mga babae at mga nakatuon ang paningin sa likod. Nagkaroon tuloy kami ng pagdududa kung dito ba room namin. Nagkatinginan kaming lima. Di naman namin makita kung ano o sino ba yun. Si Em tumitingkayad pa para makita pero wa epek. Eh kami na matangkad sa kanya di makita, siya pa!
"Eshus me.. Eshus me. Anong meron??" Pang'uusisa ni Em sa isa sabay kalabit. "Angela? Angela!" Classmate na namin dati.
"Uy Em! Hello!" Bati din niya sa amin. "Gusto nyong malaman kung anong meron? See for your selves." Umusod si Angela para ipakita samin pero si Em ang agad na nakasilip.
"KKYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Nagulat kaming lahat sa matinis na pagtili ni Em pagkasilip niya. Biglang napatakip ng tenga si Angela na mas malapit sa kanya. Sakit sa tenga. Parang kinurot yung anu eh! Attention seeker. Nagtinginan ang lahat sa kanya pati samin.
"Bakit ba nagtititili ka riyan ha? Matuto ka rin minsang ilugar yan noh." Mahina kong sabi sa kanya. Wala naman akong balak na ipahiya siya.
"Ano ba yun Emy? Don't tell me...?" -Joy
"Ano ba yun ha? Baka gusto mong sabihin samin." -Tina
"Hindi nyo ba nakita?? You won't believe this!"
"Hinde, nakita namin. Duh. Itatanong ba namin kung nakita namin! Wag ng pasuspense pwede?!" Di galit si Tina. Ganyan lang talaga yan.
Kusang humawi ang mga tao sa harapan namin, hanggang sa tumambad samin ang TATLONG lalakeng nakaupo na parang artista.Di ko ma'explain yung tagpong iyun. Napatingin sila sa amin dahil nasa harapan na nila kami.
Ang isang nasa kaliwa cool na cool ang pagkakaupo. May lahi pa atang kambing. Ngumunguya'nguya pa. Nakita naming kumindat pa siya. Narinig kong suminghal si Tina, parang sa kanya nga yung kindat. Ang isa namang katabi niya at nasa gitna, maganda ang pagkakangiti, samin siguro? Kaya pala ang Em, ganun na lang makatili kanina. Yung isang nasa gitna, saglit lang na tumingin samin ng walang expression sa mukha niya, tapos sa iba na itinuon ang paningin.
Tss. Kilala ko naman talaga siya, ah I mean sila.
Sina Paul Marky at Vince.
Sila lang pala eh..
Sila nga. *____________*
Nananaginip ba ko? Kinurot ko ang sarili ko, patago kong ginawa yun ah. Pero walang nagbago sa paligid ko. Sila pa rin ang nakikita ko! At hindi sila trespassing o umaagaw atensyon lang sa section namin. They belong here as our new classmates. Shemay monay!
Nagpatay malisya na lang muna ko sa nakita ko. Bakit ano ba sa tingin nyong gagawin ko? Magtititili din sabay nginig pa na halos mahimatay na. No no no! Hind ko papahamak dignidad at puri ko, dahil lang sa ganyang bagay. Pwede ko namang irelease itong kilig ko sa ibang paraan.Lols. Kanya'kanya lang tayo ng pamamaraan. Higit pa na reason ko, ang mga kaibigan kong magagaling na pang'aasar at pang'bubuyo lang ang pwede kong abutin. Wala naman rin silang halos alam o wala akong sinabi, theory lang nila na may gusto or something ako kay Vince. Hindi ako nagsasabi basta'basta dahil alam naman din nilang sensitive ako pagdating sa mga ganung bagay. Kung tatanungin nyo ko kung bakit? Hindi ko rin alam. Mas okay na rin ang ganun.
Maglalakad na sana ko para maupo sa upuan na nasa tapat namin, nagulat ako ng maglakad papalapit si Em sa tatlo.
"Ahm, excuse me guys. Hi! Baka sabihin nyo na di kayo nakikipag'usap sa strangers, so magpapakilala muna ko sa inyo. I'm Emily Seran, but call me Em na lang. And it's okay, di nyo na kailangan magpakilala pa. Di naman kayo sikat eh. Hinde. :))))" May halong pagpapacute na sabi ni Em.