Hindi ko inaaasahan ang pagtatagpo namin ni Ms. Booby. Nabigla pa nga ako na magkakakilala sila nung roommate ko. Buti na lang nga at flat chested iyong roommate ko kaya medyo di ako nahohorny sa kanya. Pero syempre minsan, nawewet din ako sa kanya lalo na kapag bumibika ng nakashorts lang. Para kasing pagkain na nakahain eh.
"Lalalalalala~"
Sumasayaw-sayaw pa ako habang naglalakad ngayon. Ang good mood ko talaga this day.
"HOY! IKAW NA BASTOS NA MANGKUKULAM!"
Lumingon ako kay Ms. Booby. Ano kayang kailangan niya? Gusto ba niya ng sex? I can take her to paradise today. Ilang linggo na akong nagsasariling sikap at panay porn lang. Tss.
"What?!" Iritado kong sabi. Paano ba naman kasi may kasama siyang babaeng hindi ko alam kung tao ba o ano.
"BILHAN MO AKO! MAY KOTSE KA DI BA? PWES! INUUTUSAN KITA!"
Itong babaeng to ang hilig talagang sumigaw. Takte. Ako? Driver? Tss. No. Fucking. Way.
Nagkibit-balikat lang ako bilang sagot sa kanya. Bahala siya diyan. Bahala ka, Ms. Booby.
"Uy! Teka lang naman." Sabay hawak pa sa balikat ko. Di ako kinikilig ah. Di talaga.
"Hmmm?" Tingin ko sa kanya. Hays. Ang cute talaga ng boobs niya.
"Paki-pakibilhan ako. Please?" Sabay puppy eyes pa. Makakatanggi pa ba ako dito? Of course not.
"Ano ba kasi yun? At pwede naman kasing hindi sumigaw di ba?" Sabay ngiti ko. Nakakatuwa talaga 'tong kacutan niya.
"A-e... Nap-napkin sana." Sabay kamot pa ng ulo.
Humagalpak na ako sa tawa. Ang cute talaga. Pero bakit kailangan pa talagang bumili sa labas? May napkin naman ata sa Cafeteria e.
Tiningnan niya ako ng masama kaya medyo napatahimik ako. "Ano? Bibilhan mo ba ako o bibilhan?" Pinandilatan niya pa ako ng mata. Minsan talagang nakakatakot din itong si Ms. Booby.
"Oo na po! Oo na." Sabay hila ko sa kanang kamay niya. Aba, unfair naman na ako lang ang lalabas mag-isa di ba? "But, you're coming with me." Damn. I wish I was cumming with her.
BINABASA MO ANG
All Girls' School
General FictionSi Ray ay isang salbaheng bata na ipinadala ng kanyang ama sa isang All Girls' School para magtanda. Lingid sa kaalaman ng ama nito- mas sumaya at natuwa si Ray na ipapatapon siya sa De Villa University - isang paaralan na punong-puno ng matatalino...