Chapter 2

187 12 0
                                    


Nag-discuss ngayon si ma'am pero di ko na pinakinggan. Wala eh overload kasi utak ko kaya ayaw ko ng dagdagan baka masiraan pa ako.

Palaisipan rin sa akin ang panaginip ko kagabi.

Magical circle.

Sign of the wind....

Aissh! Baka naman nasobrahan lang ako kapapanood at kababasa ng mga fantasy stories kaya pati sa panaginip ko nakapasok.

Napatingin ako bigla sa may bintana, nakaupo kasi ako malapit rito kaya kita ko ang labas. Nasa second floor tong room namin ngayon kaya pati kagubatan kita mula rito.

May malapit na gubat dito sa kinatatayuan ng school at ipinagbabawal ang pagpasok don. Marami raw mga mababangis na hayop kaya dilikado. Ibabalik ko na sana kay ma'am ang attention ko ng mapansin ang isang familiar na babae na naglalakad palapit sa bunganga ng gubat.

Wait...si Irene ba yan?

Magkatabi kami ni Irene pero wala sya ngayon dahil inutusan sya ni ma'am. Sira na talaga tong babaeng to imbes na bumalik at makinig rito magpapakain siguro to sa mga mababangis na hayop sa gubat.

"Miss Miguel, is there any problem?"

Gosh!Napatingin ako bigla kay ma'am. Nakapameywang sya at salubong rin ang kilay.

You're dead Zina!

Sasagot na sana ako ng bigla akong makaramdam ng kakaibang aura mula sa labas kaya agad akong napatingin sa may bintana.

"Oh Sh*t!"

Nasan si Irene?

Don't tell me pumasok talaga sya.

"Why are you cussing Miss Miguel? Nakalimutan mo na bang nasa klase kita ngayon ang didn't I tell you-"

I cut her off.

"Nakita ko pong pumasok si Irene sa gubat kaya kailangan natin syang tulungan"

Yung tingin ni ma'am parang sinasabi nyang "so ano ngayon?"

"Hindi ba kayo na rin ang may sabing bawal pumasok don dahil maraming mababangis na hayop-"

Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko ng biglang may tunog na sobrang sakit pakinggan. Parang hinihigop nito ang buo kong lakas kaya napaupo ako at tinakpan ang taynga ko.

"Aaahhh!! Tigilan nyo to please!" sigaw ni Kate

Samot saring sigaw na ang naririnig ko mula sa mga kaklase ko dahil sa kakaibang tunog. Nakakapanghina talaga.

Nakita ko si ma'am na halatang nahihirapan na rin. Napakagat naman ako sa lower lip ko para pinigilan ang sariling sumigaw. Mas lalo lang akong mahihirapan pag nakisabay pa ako sa pagsigaw nila.

"Ma'am si Kate po nahimatay!" napatingin ako kay Kate na nakahandusay sa sahig.

Hindi namin magawang alisin ang mga kamay namin sa taynga namin kaya hindi namin magawang tulungan si Kate.

Maya-maya lang huminto rin naman ito mga ilang minuto pagkatapos mahimatay ni Kate.

"Oh my! Ma'am Kate is bleeding!" mangiyak-ngiyak na sabi ng kaibigan ni Kate.

"Gosh! Dalhin nyo sya sa clinic ngayon din" tarantang sabi ni ma'am sa mga kaklase naming lalaki.

Agad naman syang binuhat ni Mike papunta sa clinic pero bago sila makaalis pansin ko ang dugo sa taynga at ilong nya.

Anong klaseng tunog ba yun?

I forgot Irene!

"Where are you going miss Miguel?" hindi ko pinansin si ma'am bagkus nagpatuloy lang ako hanggang sa makababa ako sa second floor ng building.

Bakit kasi walang elevator rito ang hirap tuloy bumaba. May nabangga pa tuloy akong student dahil sa pagmamadali.

"Sorry"

Sobrang gulo na rito dahil sa ingay kanina. Nagkalat ang mga students sa daan kaya nahihirapan akong dumaan. Maya-maya lang tuluyan na rin akong nakalabas sa building. Nahihingal na ako ngayon sa katatakbo pero bago pa ako makapasok sa bunganga ng gubat bigla akong napahinto ng may maramdaman na naman akong kakaiba.

Nagsiliparan na yung mga ibon na nagmula sa gubat. Nakakasiguro akong naramdaman din nila yun.

"Irene..." pabulong kong sabi bago tuluyang pumasok.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa loob ng gubat. Medyo madilim narin rito dahil siguro nasa pinakaliblib na ako ng gubat.

Tiningnan ko ang wrist watch ko. Mag three-three na pala ng hapon kaya kailangan ko talagang makita si Irene bago pa dumilim.



Elemental Princess: The Unstoppable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon