Habang naglalakad ako may familiar na boses akong narinig sa pinakaliblib na bahagi ng gubat kaya agad akong tumakbo don na hindi man lang iniisip kung ano ang maaaring mangyari sa akin.
"Bitiwan nyo ako! Ano ba!" palapit na ako sa kinaroroonan ng boses ng mapagtanto kong hindi lang sya nag-iisa kaya napahinto ako bigla.
Nagtago ako sa likod ng puno na malapit sa kanila. Kita ko ang pagpupumiglas ni Irene sa may hawak sa kanya. Hindi ko kilala isa man sa kanila kaya nakakasiguro akong hindi sila students ng school namin.
Tatlong di-kilalang lalaki ang kasama ni Irene. Yung isa ang may hawak sa kanya tapos yung isa naman sinusuri si Irene pero ang mas nakaagaw pansin ay yung lalaking nakasandal sa puno na kaharap ng punong pinagtataguan ko ngayon. Buti na lang talaga at nakayuko sya. Di ko rin kita ang mukha nya dahil sa suot nyang hood kaya di ako sure kung nakapikit ba sya o ano.
Napatingin ako sa lalaking nagsusuri kay Irene ng magsalita ito.
"Hmm...anong kayang gawin ng isang tulad mo, ha?"
"Sinabi ko na diba? Wala akong alam sa mga pinagsasabi nyo kaya pwede ba pakawalan nyo na ako" naiinis na sambit ni Irene sa kanila.
Napangiti yung lalaking nagsalita tapos tumingin sa kasamahan nya. Binalingan nya rin yung lalaking nakasandal na kanina pa di kumikilos.
"Sa nakikita ko wala namang pakialam si Aeron sa gagawin ko sa babaeng to kaya naman gagawin ko ang gusto ko" nakangising sabi nya na syang ikinatakot ni Irene.
"A-anong ibig mong sabihin?" nanginginig na tanong ni Irene. Agad naman syang binitiwan ng may hawak sa kanya.
Pasimpleng tumingin si Irene sa paligid. Siguro nag-iisip sya kung paano makatakas sa kanila. Biglang humalakhak yung lalaking kanina pa nagsasalita.
"Tatakas ka? Gawin mo kung gusto mong madaliin ko ang pagkitil dyan sa buhay mo"
Kita ko sa mukha ng lalaki ang kaseryosohan at ang kagustuhang pumatay. Kaya nataranta akong hinahanap ang phone ko at nagbabakasakaling makatawag at makahingi ng tulong. Pero laking dismaya ko ng di ko mahanap yun dahil nakalimutan ko palang dalhin ang bag ko kanina dahil sa pagmamadali.
Lalabas ba ako at magpapakita sa kanila o mananatili akong magtatago rito hanggang sa pamatay nila kaibigan ko?
Ahhh! Di yun pwede kailangan kong iligtas si Irene pero pano? Pano?
Nagdadalawang-isip ako pero wala naman sa sariling napatingin ako sa kanila ng bigla akong di makagalaw sa pinagtataguan ko.
Waaahhh!! Lagot na!
Bat ngayon pa?!
I'm dead. Dead as in patay na ako.
Mama, papa mahal ko kayo kaya wag kayong malungkot pag wala na ako.
Na balik ako sa katinuan ng bigla kong marinig ang boses nya.
"Labas" diin nyang sambit sa ewan..
Di ko alam kung sino pinagsasabihan nya.
Yung lalaking kaninang nakayuko at parang walang pakialam sa mundo ay ngayo'y sobrang sama ng tingin sa punong pinagtataguan ko ngayon.
Wag mong sabihing......
"Pinagsasabi mo dyan Aeron?" takang tanong ng lalaking may hawak kanina sa kaibigan ko.
Nakakunot lang ang noo ng isa pa pero ang lalaking to sobrang sama talaga ng tingin. Mas nakakatakot pa sya sa dalawa. Di ko kita mukha nya pero yung mga mata nya parang nag-aapoy sa di malamang dahilan.
"Lalabas ka o ako mismo ang magpapalabas sayo?" tumayo sya ng tuwid at hindi na nakasandal sa puno.
Samantalang ako parang ewan na rito dahil naglalaban sa isip ko kung ako ba pinagsasabihan nito o kung sinuman. Pero ako lang naman ang nagtatago rito.
Napatalon ako sa gulat ng biglang mawasak ang punong aking pinagtataguan kaya sure akong kita nila ako.
Waahh, ang sasama ng tingin nila sa akin!
"Zina?" takang tanong ni Irene na halata sa boses ang takot.
"Akalain mong may nakikinig pala sa usapan natin" wika ng isa
"Tapusin sya" diing sambit ng may hawak kanina sa kaibigan ko.
Hindi man lang nagsasalita ulit yung lalaking nakahood pero sobrang nakakailang naman ang mga titig nya na kulang na lang matunaw ako sa aking kinatatayuan.
"Please, wag nyo syang idamay" pakiusap ni Irene
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>