Chapter 4

215 11 3
                                    


Napansin ko ang pagbend ng lalaki, yung lalaking nagsusuri kay Irene kanina. Bahagya nyang ibinuka ang bibig nya saka bigla syang sumigaw.


"Ah!"


Di ko alam kung sigaw o ano yung ginawa nya kasi ang tinis sa pandinig at hindi ko inaasahan ang makikita ko.


A visible something na di ko mawari kung ano yung lumabas sa bibig nya. Mabilis itong nagtungo sa direksyon ko kaya napaatras ako sa gulat at hindi ko inaasahang makakatapak ako ng ewan at bigla na lang akong napaupo sa lupa.


"Zina!" rinig kung sigaw ni Irene.


Ilang segundo akong nabigla sa kakaibang tunog na aking narinig. Ito yung tunog na pumalibot sa buong campus kanina na syang dahilan sa pagkakahimatay ni Kate. May narinig akong nawasak sa aking likuran at nagdadalawang-isip kung lilingon ko ba ito o hindi pero sa huli nilingon ko pa rin at automatic namang nanlaki ang mga mata ko sa nakita.


Wasak na mga puno at nakalbong daan.



Ano bang nangyari?


Napalunok ako saka tumayo at hinarap sila. Kita ko si Irene na hindi rin makapaniwala sa nakita. Nanlaking mata at ang isang kamay ay nasa bibig.


Shock.


Seryoso ba to?


O panaginip lang ang lahat?


Are they human?


"Nakaiwas ka sa unang atake pero sinisiguro ko sayong hindi na sa pangalawang tira"


"No, no, no, please" parang awa ni Irene sa lalaking ngayon ay gagawin na naman ang ginawa kanina.


Akmang maglalabas na sana sya ng kakaibang tunog ng mapansin nyang may mabilis na bagay o nilalang na dumaan sa kanya at ngayong papunta sa direksyon ko.


Waah! Anong gagawin ko?!


Nataranta ako ng makitang malapit na sa akin ang lalaking nakahood at hindi ko inaasahan ang biglang lumabas sa right hand nya.


A fire?

A black fire.

May fire bang kulay itim?!


Hindi ko na alam ang gagawin ko pero bigla akong napahinto sa pag-iisip ng biglang magpop-out sa isipan ko ang mga panaginip ko.



Me holding the diamond-like at kung paano pumalibot sa akin ang maliit na tornado nito.


Wala na akong time para tumakas dahil nasa harapan ko na ang lalaking nakahood. I saw him smirked at hindi ko maiwasang mapatitig sa kabuuan ng mukha nya.


Gosh! He's so gorgeous.


Pero biglang nawala ang attention ko sa mukha nya ng marinig kong sumigaw na naman si Irene.


"Zina!"


Patatamaan na sana ako ng lalaking to ng bigla akong may maisip na barrier at sa di malamang dahilan bigla ko itong naisatinig.


"Wind barrier!" sigaw ko habang nakapikit ang mga mata.


May narinig akong bumagsak na mga puno at malakas na ihip ng hangin.


"Whoah!"


>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Elemental Princess: The Unstoppable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon