(Insert: history)
Choarla POV
*swissssshhhh*
"AAHHHHHHHHH!!"napabalikwas naman ako sa higaan ko sa dahil sa isang nakakakilitino masakit na tumama sa paanan ko
Nakakagulat naman yun ano ba yung tumama sa paanan ko???
Bumangon ako nang makita ko ang dalawang babaeng tumatawa aba't mga hinayupak
tinignan ko naman kung ano yung tumama sa paa ko sabay tingin sa kanila
ano ba yung tumama sa paa ko? kuryente ba yun??
"Tulog mantika ka pala.... Dapat pala palagi kitang tatamaan nang electric shot ko"
ELECTRIC Shot?! tangna ang corny nang name hahahaha pero on the other hand
KURYENTE nga yun Pota pano pala pag tinamaan ako nun edi sunog na ako ngayon
"FRANCINE!!!!!" sigaw ko sa kanilakinuha ko naman ang unan ko ay tinapon sa kanila pero ang mga hinayupak umiwas
"Bakti kayo Umiwas!" inis kong sigaw sa kanila
"kung hindi kami umiwas edi tinamaan kami ng unan mo" natatawang sabi ni jessica habang umiiwas sa mga na tinatapon ko sa kanila
"AHHHHHH wag nga kayong umiwas!" I may sound childish but I dont like yung ginugulat ka sa pagtulog mo nandidilim yung paningin ko.
"mabuti nga lang at di ka tinamaan kundi natusta ka na sa electric shot ko" sabi ni francine
"kaya nga mabuti nalang at di ako tinamaan eh kung tinamaan ako edi namatay ako" angal ko naman sabay tayo at kinuha ko ang kumot ko at sabay hampas kina francine
nang gigigil ako
"Eh ayaw mong gumising eh malalate na tayo kaya hala bangon na diyan at maligo na exactly 8 magstastart na yung klase natin mag aalmusal pa tayo" sabi ni jessica sabay tawa at takbo palayo sa akin kaya mas lalo akong nainis
kung ginising nalang kaya ako nang maayos nilagay pa nila sa alanganin yung buhay ko eh
"hala sige hintaying ka namin" umupo naman sila sa kani kanilang kama at sabay labas nang mga kapangyarihan nila
I really can't believe na those powers exist.
ako naman kumuha naman ako nang tuwalya, at pumasok sa banyo
hugas doon, hugas dito
sabon doon, sabon dito,
punas doon, punas dito
idedescribe ko pa ba kung saan ko pinupunasan?
ayan tapos na ang bango ko na fresh! pwede na akong humarap sa mga kaklase ko ang fresh ko na charot lang
baka ibully lang nila ako dahil nga normal lang akon tao
well nasanay din naman kasi ako sa pambubully ng ibang tao
pagkalabas ko ng banyo ay napansin ko ang uniform ko na natung tung sa lamesa ko ang cute nang damit parang siya sa anime ang ikli nang palda above the knee ata to then may gatuhod na medyas hindi ba to mainit? pero napansin ko din na medyo malamig ang school na to pero okay na din at medyo fitted na blouse dark ang color . nakita ko naman ang name plate ko sophisticated ang design neto mukhang elite talaga ang school na to
kaya I'm wondering what kind of school is this?
'choarla cortez'
sosyalan ang taray may pa name plate pa hindi na ako mag aabala sa papiprint nang pangalan ko para lang magka name tag tangna ang gastos kaya sa papel di naman tinitignan ang pangalan tinatanong naman kung ano ang pangalan mo
BINABASA MO ANG
Aetheria Academy: Lost Princess
FantasyHer unknown journey starts here "Unjaena youngwonhee." Choarla and Jio