KABANATA 3

393 14 0
                                    

Fix marriage

Tatlong araw ang nakalipas at sa loob ng tatlong araw na yun ang saya saya nila mom.

Ayokong sirain yun pero hindi naman pwedeng magpakasal ako sa taong hindi ko gusto.

Kakatok na sana ako sa library ng marinig ko ang pinag uusapan nila.

"Nag pull out ng shares si Mr. Castillo sa company. Pano tayo hahanap ng kapalit? Kasabay pa nito ang pag pu-pull out din ni Mrs. Hyung.  Malaki na ang nawawala sa kumpanya natin."  Naririnig kong sigaw ni mommy.

" Pag nakapag pakasal na ang anak ni Mrs. Fortuezo at si Rian. Maayos natin ito." Naririnig kong sabi ni dad.
No please! Dad I have to tell you the truth.

Naglakad na ako paalis.
Ayokong maging selfish sa family ko. Pero ayoko din naman magpakasal sa Hindi ko naman kilala.

Pagsinabi ko ang totoo pwedeng mag pull out din ng shares si Mrs. Fortuezo at tuluyan ng bumagsak ang kumpanya ni daddy.

Ilang taon nilang pinaghirapang palaguin yon at hindi yun pwedeng basta basta lang mawala samin.

Kinuha ko ang card na binigay ni Mrs. Fortuezo na merong number nya at address nya.

"Manong, pahatid naman ako dito." Binigay ko ang card at sumakay na sa kotse.

Mabilis naman kaming nakarating sa bahay nila este mansyon pala.

Masmalaki pa ito sa mansyon namin. Masmalawak din sya kung titignan.

Nag doorbell ako nakipag usap muna ako dun sa guard nila.

Ang tagal nila akong
kinakausap ng kung ano ano na Hindi naman related sa pagpasok ko dito. =_=

"Rian? Iha? Bat Hindi nyo sya pinapapasok ? " salubong samin ni Mrs. Fortuezo

"Mrs Fortuezo--" 

"Call me mom" pagputol nya sakin.

"NO" madiin kong sabi. " I'm here para sabihin ang totoo. Wala po kaming relasyon ni Jack. Hindi po nya ako fiancee at walang kasal na magaganap." Wala akong nakitang gulat sa muka nya.

"I know. But still ikakasal kayo. " at tumalikod na sya sakin.

Umalis na din kaagad ako dun. Hindi ko sya maintindihan.

Umuwi na ako sa bahay.

"Mom,dad ? We need to talk."

"What is it?" Tanong sakin ni mommy

"W-Wala po talagang kasal na magaganap."  Nag smile lang sila sakin.

"Princess, alam namin na wala talagang kasal na magaganap. Si Mrs. Fortuezo mismo ang nagsabi samin kahapon. Pero napag usapan na namin ang tungkol dito. Magpapakasal kayo ng anak nya." Nanlaki ang Mata ko sa narinig ko.

"W-what ?" Nagtatakang tanong ko.

"Babagsak ang kumpanya natin at sila lang ang makakatulong satin." Hanggang ngayon gulat na gulat pa din ako.

"I Hope you understand us." Tumakbo na ako paakyat sa kwarto ko.

"D*mn !!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Married To My Ex-Boyfriend's Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon