Chapter Three (Late Summer)

8 0 0
                                    


Soundtrack for this Chapter :

Statue by Lil Eddie

Enjoy! :)

+MissLixir+

************************************************************************************

Chapter Three

When a day is said and done,
In the middle of the night and you're fast asleep, my love.

Stay awake looking at your beauty,
Telling myself I'm the luckiest man alive.

'Cause so many times I was certain you was gonna walk out of my life.
Why you take such a hold of me, girl,
When I'm still trying to get my act right.

"Oo na! eto na, gising na!" ako lang ba ang nakikipag-usap sa sariling alarm clock? Nakakainis talaga! ang sarap pa ng tulog ko eh. Ayoko pang bumangon! Pagtapos kong baliin ang mga buto ko sa pag-unat, dali-dali na akong pumunta sa banyo ko at naligo. Pagkatapos ko mag-ayos, bumaba na ako papuntang kusina habang nakapikit pa dahil inaantok pa din ako.

"Tita.. anong ulam?" inaantok kong sabi. Suminghot singhot ako sa lamesa pero wala akong maamoy na hotdog at itlog na laging handa ng tita ko tuwing umaga.

"T-teka, anong amoy 'yon?" unti-unti kong minulat ang mga mata ko.

"Ahhhhh!" napasigaw ako sa gulat nang makita ko si Erikka sa harapan ko na may hawak na mga krayola sa kamay niya. "E-erikka, anong ginagawa mo dito? bakit hindi ka pa naka-uniform?" tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa.

"Walang pasok ngayon, hello?!" sabay pinitik ni Erikka yung noo ko. Paglingon ko sa calendar, nakatapat yung date ngayon sa saturday. Ang tanga ko talaga! Tinignan ko ang buong paligid ng sala namin at nakita kong ang daming nakakalat na mga krayola at iba pang art tools.

"A-anong nangyari dito? bakit ang kalat?" ako lang naman kasi ang maglilinis ng mga 'to, pag nagkataon.

"Don't mind it," ano daw? Don't mind it? Sigurado ba siya? dapat nga pinagtutulakan niya na akong linisin yung mga kalat ngayon eh. "Galing kanina dito yung mga ka-grupo ko sa class at gumawa kami ng project para sa arts, well, yung isa sa kanila inutusan daw ni Kevin na ibigay sayo 'to." Agad ko namang kinuha sa kamay niya yung maliit na black envelope.

' See you at the beach tonigt, cutie '

Nang tumingin ako kay Erikka, inirapan niya lang ako.

"Tell me, what fusion are you using?" she rolled her eyes again.

"E-erikka, hindi ko din maintin--"

"No," iniharang niya ang palad niya sa mukha ko. "Pwede ba, umakyat ka nalang sa taas at magpalit na ng uniform?" Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako iniimbita ni Kevin sa beach.

"Don't worry, I will come with you." napaangat naman ang ulo ko sa kaniya.

"H-ha? p-pero.." hindi na natapos pa ang sasabihin ko ng itinulak niya na ako papunta sa hagdan para umakyat na. Wala na akong magawa kung hindi ang umakyat nalang sa kwarto ko habang nalilito pa din ako sa mga nangyayari.

"By the way, You should be ready before 7:00 and go get some nice swim wear." pahabol ni Erikka. Ano daw?! swim wear?! Mababaliw na talaga ako.

Kahit medyo nalilito pa ako sa mga nangyayari, minabuti ko nalang ihanda ang mga gamit ko para mamaya. Paulit-ulit pa din na umiikot sa isip ko kung bakit ako inimbita ni Kevin at kung bakit ako pinagsusuot ni Erikka ng swim wear. Alam ko namang dahil sa beach kami pupunta.. pero alam niya namang hindi ko kayang magsuot ng gano'n.

She's Inlove With The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon