Chapter 4

41 1 0
                                    

.Ivan's POV.
Ako si Ivan, payat,mahina,maputi, katamtaman lang ang IQ. Ang tanging pambawi ko lang sa weakneses ko ay ang itsura ko at kasikatan ko, hindi ko din masabi pero andaming nagsasabi na gwapo raw ako. Sabi nila sa mukha kong ito marami ng nagkagusto.
Nung unang kita ko kay trina (Trinity) (nickname niya ang trina) akala ko talaga mataray na ewan eh, pero mabait naman pala. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, gustong kong makilala at mapalapit kay trina, hindi ko ma-explain pero magaan ang loob ko saknya. Siguro
Nagtataka na kayo ano? Kung may nararamdaman ba ako kay trina?
Maging ako hindi ko din alam ang sagot at ang masasabi ko lang ay It's between Love and Friendship, siguro pwedeng love at pwede ring friendship.
Si dasha kasi eh, biglang nagtanong ng "Mag-da-date kayo ano?" Gusto ko sanang sabihin kay dasha na Oo kaso nasa tabi lang niya si Trina at baka itanggi lang din ni trina pag sinabi kong "Oo mag-ddate kami" masakit kayang ma-reject.

Hays makatulog na nga.

Pagkagising ko sa umaga nagbihis na ako at lumabas ng bahay para mag abang ng masasakyan kong traysikel papunta sa school. Pagdating ko sa school naglakad lakad muna ako at nakita ko na may naka post sa bulletin board ng school namin, nakita ko yung examination about sa COLT-C, alam na kaya ito ni trina? Hmmm, matanong ko nga siya? Kung mag eexam siya dito.
After kong nabasa ang post sa bulletin board dumiretso na ako sa room nakin para tanungin si Trina.

Pagpasok ko wala pa si Trina.
At nandoon si Angel, si Angel?
Ayun siya yung ex ko? Siya yung nakipagbreak sa akin, bakit kami nagbreak? Simple lang dahil sa mababaw at kaartehan niyang dahilan ,nung april pa yun pero ang awkward pa rin namin, nagkatinginan kami at nagiwasan lang din bigla ng tingin, dumiretso na lang ako sa upuan ko, sa likod ako ni trina nakaupo, habang nakaupo ginamit ko ang earphone ko. Ang tagal naman kasi ni Trina.

At sa wakas, Finally dumating din si Trina.
Ayun ang haggard niya at pinagpapawisan na siya.
Hindi pa niya nabababa yung bag niya pero bigla ko na siyang kinausap,

"TRINA!"
- ako

" oh bakit?"
-Trina

" Nakita mo na ba yung post sa bulletin board?"
-Ako

" About san?"
-Trina

"Sa Exam sa Colt-C"
-Ako

" Ah oo kahapon pa "
- Trina

" Magexam tayo ha?"
-Ako

"oo naman"
-trina

"Sige, nga pala malapit na yung exam ha? Sabay na lang tayong papasok sa school para sa exam?"
- ako

" Ah sige, pero ?"
-Trina

" Susunduin na lang kita"
-Ivan

" Ah Oo sige "
- Ako

"Malapit na pala yung fiesta sa atin ah?"
- Ako

Habang nag-uusap kami ni trina napapansin ko na pinagtitinginan kami ng mga ka-klase namin at napapansin ko din na nakatingin si Angel sa amin at ang mga Bestfriend niya.
Ang mga bestfriend niya na may gusto rin naman sa akin.
Hindi na nakasagot si trina sa sinabi ko about sa fiesta
Dahil may biglang may umupo sa tabi ko.
Si Mark, naku talaga.

At bigla siyang nagsalita.
"At ano nanaman ang pinag-uusapan niyo?
- Mark

Ang taray nanaman ni mark, ini-isnaban nanaman niya kami.

" Ah eh, wala lang yun, about lang sa Exam sa COLT-C yun"
- ako

Kahit kailan talaga.
Iba talaga yung charisma ko.

" Mag-eexam din ako Ivan "
-Mark

" Ah oo kami din eh,"
-Ako

Ayun kinausap ko lang ng kinausap si Mark, baka kasi awayin niya si Trina na naman eh.

Trinity's POV
PUMASOK kami ni Ivan sa Room, malayo pa kami sa pinto pero nakikita ko sa side view ko na marami ng nakatingin sa amin.

At pagkadating namin sa pinto ng room namin biglang sumalubong nanaman si Mark.

Napayuko na lang ako dahil sa sobrang takot ko sa pagkataray niya.

Nakatayo ako sa tabi ni Ivan ng biglang hinila ni Mark si Ivan, at ako dumiretso na lang sa upuan ko.
Kahit na medyo malayo ako kay mark at kay ivan, sinisikap kong marinig ang pinag-uusapan nila.
Habang nakaupo si Ivan sa upuan at si Mark naman ay nakaupo sa arm chair ng upuan ni Ivan.
Ang landi talaga.Tsss

"Van malapit na birthday ko"
-Mark
" Ah kelan? "
-ivan
"Sa october 27 na :)))"
-Mark
"Fiesta niyan sa amin"
-Ivan
"Ah eh, pupunta ako sa inyo"
Mark
"Ah sige"
-Ivan
"Teka at yayayain ko ang mga classmate natin"
- mark
"Ah sige, si trinity din fiesta din nila"
-Mark

At ng mabanggit ni Ivan yung pangaln ko biglang tumingin sa akin si mark at nahuli niya akong nakatingin sa kanila ni Ivan at inisnaban niya ako.
Ang taray talaga. Kaloka.

Pumunta si Mark sa gitna ng room kung saan medyo malapit ako inuupuan ko.

"Attention EVERYONE!
Guys, I have an annoucement to make, Everyone is invited to my Boyfriend's place to celebrate their fiesta"
-Mark

"At boyfriend talaga ha? Ni hindi ka nga niyaya ni Ivan, nagyaya ka pa"
Pabulong kong sinabi.

" May sinasabi ka ba?"
-Mark

Partida narinig pa niya yan ha.

Tbc....

GOOD FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon