Chapter 5: Fiesta Part 2

31 1 0
                                        

.Trinity's POV

It's already 2pm na. Antagal naman ni Ivan,pupunta pa kaya siya?

Tiffany's POV
Bakit kaya pati si Trinity tinatanong ni Ivan? Si trinity na kaya ang next target niya? Parang imposible kasi si Trinity, mataba pero may itsura siya at pag nagpapayat siguradong mas maganda pa kay angel at jian na ex gf ni Ivan.

"Saka ko na ipapaliwanag, text mo ako pag umuwi na si Mark, Jian at Angel ha? Pupunta ako dyan"
~ Last text ni Ivan sa akin

Hindi ko na ako nagreply sa kanya. Hmmm ano kayang meron dito sa kanila Love Triangel o Love Square na?
Ibang klase talaga ang kagwapuhan ni Ivan.

Ivan's POV
Hinihintay ko sanang maka-alis muna si Angel,Jian at Mark para sana magkaroon ako ng way para makausap si Trinity. Hindi ko alam pero magaan talaga ang loob ko kay Trina, yung tipong nag-eenjoy ako na asarin at pagtripan siya.

Masaya siguro sila sa bahay ni Tiffany ngayon, hindi lang ako makapunta dahil kay Angel at Jian medyo may samaan pa kasi kami ng loob eh.
Yung kay Jian? Si jian ang first girlfriend ko. Na link kami nung grade 5 kami at naging kami nung grade 6 kami, sa una masaya pero habang tumatagal lumalabo eh, before graduation namin ng grade 6 nagdesisyon siyang makipagbreak sa akin dahil masyado pa daw kaming bata. At nung nag high school na kami, first year highschool coincidence na magkaklase kami, nagulat na lang din ako kasi nakita ko siya sa room namin.
Nung first year highschool ako nasa Art Section 2 ako at Si trina at Angel ay nasa Art Section 1. First year palang kami pero kilala ko na si Trina kasi kilala siya sa amin kilala siya bilang apo ng isa sa mayayaman sa amin. Sympre dahil mayaman masungit yung lola niya, at doon sila kilala sa pagkamasungit at masama ang ugali, nagulat na lang din ako kay trina nung una ko siyang nakausap sa traysikel.
Tinatanong ko siya kunyari kung taga saan din siya. At sumagot naman siya, napakabait niya sobrang layo sa ugali ng lola niya. Si Angel din nakikita ko lang din sa school magkatabi lang kasi ang room ng art section 1&2 kaya nakakasalubong ko siya.

Second Year Highschool
Si angel at ako ay na link ng sobra hindi ko siya gusto pero kailangan ko siyang gustohin kung dahil kung hindi ko siya gugustohin, marami akong magiging haters, maraming magagalit sa akin dahil si Angel ay isa sa mga babaeng maganda at minamahal ng lahat. Hanggang sa isang araw na hot seat kaming dalawa.
Si angel at ako.
Ang daming tao ang nanunuod halos lahat ng tao sa school nakapaligid.
At biglang

"Ivan nililigawan mo ba si Angel?"
~tanong ng isang bestfriend ni Angel

Hindi ako makasagot.

"May pag asa bang ligawan mo si Angel?"
~tanong ng isang bestfriend ni Angel

Wala akong magawa dahil sobrnag daming tao ang nasa paligid namin.
At hanggang sa nasabi kong oo.

"Oo"
-Ako

"Ikaw angel sasagutin mo ba si Ivan?"
~ tanong ng isang bestfriend ni Angel

"Sabihin mo na lang na oo"
~ bulong ng isang bestfriend ni Angel sakanya

Hinihintay ko na lang na i-reject niya ako para matapos na ito. Pero hindi umayon sa kagustuhan ko ang mga pangyayari.
" Oo , sasagutin ko siya."
~ Angel
Nanlaki na lang ang mata ko ng marining ko ang sinabi ni Angel.
February 14 ng maging kami ni Angel.
Wala akong magawa kundi mag pretend na mahal ko siya.
At hindi din kami nagtagal dahil pagdating ng march nakipagbreak sa akin si Angel.
Ang dahilan niya masyado pa daw maaga para maging in a relationship.

Back to Present tayo.

Nagvibrate yung phone ko, nagtext si Tiffany.
" Umuwi na sila, kami na lang nila dennesse,Trina ang nandito sa bahay"

Agad akong lumabas ng bahay at tinawagan ko si Russel para samahan niya akong pumunta sa bahay ni Tiffany kung saan nandoon si Trina.

Pumunta si Russel sa harap ng bahay namin at nag umpisa na kaming naglakad papunta sa bahay ni tiffany.
Pagkadating namin sa bahay ni tiffany, hinintay muna namin siya sa gate ng bahay nila. Nung nasa gate na siya pinapasok na niya kami sa loob at pinadiretso sa likod ng bahay nila sa may balcony at nandoon si Trina at Dennesse nakatambay. Makakausap ko na kaya si trina ngayon?
Habang kumakain si Trina ng marshmallow at chocolate galing chocolate fountain.
Tumabi ako sakanya at kumuha ng marshmallow at sinawsaw sa chocolate.
Bigla siyang ngumiti ng makita niya ako at ngumiti din ako sakanya.

"May dagat ba dito?"
Pagtatanong ni dennesse

" Oo , meron"
Sagot ni Ivan at tiffany.

"Punta tayo"
Pagyaya ni Dennesse

At napagdesisyunan naming pumunta sa dagat na medyo malayo sa amin.

Ano kayang mangyayari sa dagat?
TBC

GOOD FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon