Nicos
"Home studdyyy! Ayoko na ! Sawang sawa na yung utak ko !"Nakakainis naman kasi eh . Lagi nalang akong home study . Bakit ba kasi ayaw ako i enrol ni mama sa isang matinong eskwelahan ? Wala naman akong nakikitang mali sa sarili ko para hindi nila ako tanggapin . Matino naman utak ko. Ewan ko ba kay Mom.
Dahil tapos na ako sa isa nanamang araw ay pumunta ako sa aking secret hide out.
"Lagi nalang mo nalang akong sinisisi." May narinig akong babaeng nag aatungal malapit sa may puno na paborito kong part sa secret hide out na ito.
"Hindi naman ako yung may kasalanan e ." pag aatungal niya muli.
"Who are you ?" Kumunot ang noo ko. Nang magtama ang aming mga mata ay nakita ko ang kaniya kulay bughaw na mata . Obviously , kakaiyak lang niya or umiiyak siya dahil namumugto ang kaniyang mga mata.
"Hoy Mr.English speaking! Anong 'who are you' 'who are you'?"
"Answer my question first," Sabi ko ng seryoso . Basang basa yung damit niya. Malamang kakatakbo yan . Ang layo kaya nito sa syudad.
Yumuko siya ng kaunti . Nakaramdam ako ng kaniyang pagkahiya "Uhm . W-wala. S-sige na . Aalis na ako . Bye!" Tumayo at akmang maglalakad siya papalayo at hinatak ko siya sa kaniyang braso.
"Come with me"Malamig kong sinabi.
"H-huh? Ano ka , hilo?!"
"No , im not a rapist either. You'll catch cold here.May extra akong damit sa kotse ko. Kung ayaw mo edi dyan ka na ."
Umalis na ako. In 3..2..1..
"Saglit lang !"Sumigaw siya .
Nilingon ko siya "Bilisan mo .Ang bagal naman."
Nang makarating na kami sa kotse ay ibinigay ay pumunta ako sa compartment ng kotse ko at kinuha ko ang t-shirt ko at tokong ng ate ko.Malay ko bang hindi pa niya yan natatanggal simula noong bakasyon.
"Oh ayan mag bihis ka na ."
"Saan?Sa likod ng puno?" Nakakabanas ah. Ang tanga lang.
"Pumasok ka sa loob ng kotse . Doon ka magbihis."
"Sa loob ?"
"Hindi.Dito lang sa harapan ko."
"Manyakis!"
"Kaya nga sa loob ka na magbihis e ."
"Okay."
Pagkatapos niya mag bihis ay umupo ako sa loob ng kotse .Sinabi ko na ihahatid ko na siya sa bahay niya.
"Ayoko , magagalit lang sakin si mama. Malamang ako nanaman sisisihin nun.Ibubulyaw nanaman sakin na pinatay ko yung sarili kong kapatid."Sinabi niyang mahina yung part na pinatay ko yung sarili kong kapatid.
"I'm sorry to hear that,"
Malungkot na ngiti ang isinukli niya saakin
Ayaw ko namang maging tsismoso kaya hindi ko na tinanong yung dahilan .
"Alam mo ba-"
"Hindi." Pangongontra ko.
"Ewan ko sayo!"
Tapos tumalikod siya sakin.Kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan ko nasa back seat kaming pareho.
Napatawa ako ng mahina dahil sa pagba-bad mood niya.
Kinalabit ko siya.
"Uy , dali na ."
"Kasi ano e .. Madalas akong pumunta dito.Lalo na kapag naiinis ako sa sarili ko at kapag ramdam ko na bubulyawan nanaman ako ni mama. Sumisigaw ako dito sa taas ng bundok.Lahat ng hinanaing at sama ng loob ko dito ko , sa sigaw ko dinadaan . 2 years ago nung una kong natagpuan tong lugar na ito. 2 years ago din kasi.. namatay din si Kuya. Sa sobrang daming sama ng loob ang naipon ko nung time na iyon ay kinailangan kong mapag isa . Naglakad ako mula sa bahay naming papuntang kawalan. Hindi ko inisip kung nasaan na ako. Basta ang alam ko diretso lang akong naglalakad sa kawalan.Hanggang sa napadpad na ako dito. The funny part is tumigil lang ako maglakad dahil naumpog ako sa malaking puno na iyon."Tinuro niya yung malaking puno kung saan nakita ko siyang umiiyak.She was really devastated.
Unti-unting tumulo yung luha mula sa bughaw niyang mata.
"Kung hindi ko lang kasi pinatay si Kuya!Kung buhay pa siya hindi sana ako ginaganito ni mama.Kung hindi lang ako nagpagabi , hindi na sana ako sinundo ni Kuya.Hindi na sana siya nabangga ng truck" Humahagulgol siya sa tabi ko.
Niyakap ko siya .
"Shhh.Don't cry my Queen."
***
Tatlong oras na ang lumipas .Kumilos ako ng bahagya .Nakatulog pala kami parehas . Ipinatong niya ang kaniyang ulo niya sa balikat ko. Hinawi ko ang buhok niya ng bahagya .Ang ganda niya talaga kahit anong anggulo.Nagising siya dahil sa ginawa ko. Umupo siya ng maayos at kinusot ang mata niya.Napatingin siya sa gawi ko. Nanlaki yung mata niya na para bang nakakita siya ng multo.Napatingin naman ako sa likod ko kung meron.Wala naman.
"Nandito parin tayo?"
Nginitian ko siya "Yes and nakatulog ka sa balikat ko."
She blush? Did she ? Namula yung pisngi niya. Gawd.She looks so hot!
Tinignan niya yung chest niya,"Anong tinitingin-tingin mo ha ?"
Tinakpan niya yung dibdib niya na para bang may tinatago siya.
Ngumiti ako at bahagyang tumawa.
"No , you just look so beautiful."
Ilang segundo kami nagtitigan.
"Baka hinahanap ka na ng magulang mo."
"Oo nga. Teka anong oras na ba ?"
Tinignan ko yung phone ko. "7:42 na," ibinalik ko yung phone ko sa bulsa ko.
"Lumipat ka sa front seat ."
"Bakit?"
"Ihahatid na kita."
"Nako wag na . Nakakahiya."
"Wag ka na mahiya. Baka marape ka pa dyan sa daan lalo na't madilim na ,"
Inistart ko na yung kotse.
Wala siyang sinabi at lumipat na siya sa harapan.
Sa sobrang tahimik naming ay konti nalang , makakarinig ka na ng creeking sound.
Nang nasa tapat na kami ng hazel brown na gate ng bahay niya ay ibinababa ko na siya. Malamang iniisip na niya ngayon kung paano ko nalaman ang address niya. Malaki ang bahay nila pero mas malaki yung samin. May nakasulat na Sanchez's Residents.
Lumabas ako at umikot para buksan yung pintuan ng front seat.
"Paano mo-"
"Good night Queen Eris." Bago siya pumasok sa bahay niya ay nilingon niya muli ako.
"Seriously, paano mo nalaman?"
Nginuso ko yung suot niyang I.D.
"Ahh , nakalimutan ko palang tanggalin."
"Sige bye King .." nag hang siya
"Nicholas," Kinindatan ko siya.
Tinawanan niya ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/57372242-288-k500205.jpg)
BINABASA MO ANG
If I Die Young
De TodoNicholas 'Nicos' is a twenty-year old boy who is living his life normally after he found out that he has been suffering stage 3 cancer in the blood cell which is Leukemia . Before he ends his living in this world , she met Eris and because of that...