Prologue

13 0 0
                                    

Hindi makatulog si Felicity. Kanina pa nya gustong matulog pero hindi n'ya magawang isarado ang utak sa pag-iisip.

Bukas ay ang kanilang college reunion. Ayaw n'ya sanang pumunta pero hindi sya makatanggi sa imbitasyon ng kanyang mga naging guro noon. Bukod sa pagiging estudyante noon ay naging student assistant din sya kaya naging close sya mga ilang guro sa kanilang unibersidad.

Bahala na nga.

Bumangon sya sa kama at pumunta sa kanilang kusina, nagtimpla sya ng gatas.

Hindi naman siguro sya dadating bukas. Yung mga last reunion nga hindi sya umaattend. Sabi ng isip nya.

Pagkatapos nyang inumin ang gatas ay bumalik agad sya sa kanyang kwarto at makalipas ang ilang oras na pag iisip ay dinalaw na din sya ng antok.



Pinagmasdan ni Felicity ang kanyang sarili sa full length mirror. Nakasuot sya ng simpleng blue dress. Nang magsawa syang tingnan ang kanyang sarili au naghanda na syang umalis.

Excited syang pumunta sa kanilang reunion dahil unang beses syang a-attend. Nagpaalam na sya sa kanyang mama at lumabas na ng bahay at nagpara ng taxi.

"Manong, sa Holy Cross University po."

Kinuha n'ya ang cellphone n'ya para matawagan si Ellen. Pagkatapos na dalawang ring ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Yes, Fel? On the way ka na?" Bungad ni Ellen sa kabilang linya.

"Oo, ikaw? San ka na?" Tanong ni Felicity.

"Malapit na ko, siguro mga 10 minutes na lang." Sagot ni Ellen.

"Ok sige, hintayin mo ko sa entrance ng school ha. Kakasakay ko pa lang ng taxi." Sabi naman ni Felicity.

"Sure. Bakit ka nag taxi? San kotse mo?" Tanong ni Ellen.

"Wala ako sa mood mag drive atsaka mahal ang gasolina ngayon. Hahaha!" Sabi ni Felicity.

"Tamad mo din eh no? Hahaha! O sige, ibaba ko na 'to, nagd-drive kasi ako. See you na lang later. Bye!"

"Sige, bye." Ine-end call na ni felicity ang tawag.

Pagkalipas ng 30 minutes na byahe ay nakarating na din sya. Nakita naman agad nya si Ellen.

"Ellen!" Tawag nya sabay lapit sa kinaroroonan ng kaibigan.

"Fel!" Tawag ni Ellen sabay ngiti.

"Kanina ka pa?" Tanong ni Felicity.

"Hindi naman, magkasunod lang ata tayo. Tara na sa loob. I'm so excited and I just can't hide it!" Sabi ni Ellen sabay pulupot sa braso ni Felicity.
"Hahaha! Halata nga. Pasok na nga tayo." Yaya naman ni Felicity.

"Uhm. Len." Huminto sa paglalakad si Felicity.

Napalingon naman si Ellen sa kanya.

"Oh bakit? Natatae ka ba?" Concern na tanong nito.

"Hindi ano ka ba! Hindi. Ano. Aaah. Sa tingin mo ba pupunta ngayon si Michael?" Tanong ni Felicity sa kaibigan.

Hinila sya ni Ellen at naglakad uli sila papunta sa Venue ng party.

"Hindi ko din alam eh. Maki chismis na lang tayo dun kung makakapunta ba sya." Sabi ng kaibigan nya.

"Sana hindi." Sabi nya habang diretsong nakatingin sa dinadaanan nila.

Papasok na sila sa venue ng party. Nasa sa may entrance pa lang sila nang sabing venue ay may lumapit na sa kanila. Mga kasamahan nila noon sa Student Assistant Organization, nagkakabatian at nagkakamustahan.

Abalang-abala si Felicity sa pakikipag-usap sa mga kasamahan noon, nawala sa isip niya saglit ang bumabagabag sa kanya kanina pa habang papunta sa party.

"Hi Fels."

Napapitlag si Felicity. May tumawag sa kanya mula sa likuran. At iisang tao lang ang tumatawag sa kanya ng 'Fels'.

Si Michael.



~~

A.N.

First time ko po magsulat dito sa Wattpad. Hehe. In short beginner pa lang po ako at hindi ko alam kung ano ang magiging resulta nito.

Ano? Tuloy ko pa? Hahaha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Confession Letter (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon