Part 1 - Tears

703 28 10
                                    

'Why art thou yet so fair? Shall I believe that unsubstantial death is amorous?' -Romeo (Romeo & Juliet)

--

"Saan ka na naman nanggaling?" bungad ni Ayu kay Bobby pagpasok nito sa bahay niya

"Ano na namang ginagawa mo dito?" iritang tanong niya. Halata sa boses nito na kaiinom lang ng alak

"Lasing ka na naman?" hindi siya pinansin ni Bobby at patuloy na pumasok ng bahay. Pero agad siyang hinarangan ni Ayu

"Bobby! Makinig ka naman sakin! Palagi nalang ba tayong ganito?" tinitigan siya ni Bobby at maya maya ay ngumisi ito

"Tayo? May tayo pa ba?" hinila niya ang kamay nito at isinandal sa pader "Simula ng mangyari ang bagay na 'yon' wala ka ng kinalaman sakin. Hindi kaba napapagod? Nagmumukha kang aso sa kakahabol sakin." nangilid ang mga luha ni Ayu, pakiramdam niya may kung anong bagay na kumirot sa dibdib niya.

Tinalikuran niya ito at binuksan ang pinto ng bahay niya "Umuwi kana" malamig na sabi niya

"W-wala na ba talaga?.." mahinang tanong ni Ayu. Napatigil saglit si Bobby at napahigpit ang hawak niya sa doorknob ng pinto. Pinunasan ni Ayu ang luha niya at nagsalita "P-pasensya na sa panggugulo pumunta lang ako k-kasi gusto kong i-check kung okay ka.."

"Okay na ako.. Kaya umuwi ka na.." sagot ni Bobby

"Goodnight..Bobby.." kasabay non ay ang pagbagsak ng pinto sa harap ni Ayu. Kahit masakit handa siyang tanggapin lahat. Alam niyang kasalanan niya kung bakit nagkakaganon si Bobby.

Tumalikod siya at bawat hakbang niya ay napakabigat sa puso niya. Alam niyang balang araw babalik din sa dati ang lahat..

Umaasa siya..

Wala siyang alam na nakatingin si Bobby sa bintana nito at pinagmamasadan siya habang naglalakad palayo. Tinatanaw kung makakapunta ba siya ng maayos hanggang sasakyan nito..

Nang makita niyang sumakay na ito ay isinara niya ang bintana at humiga sa kama..

"Akin ka pa ba?" bulong niya bago natulog dahil sa pagod at kalasingan

Kinabukasan maagang nagising si Ayu para dalhan ng almusal si Bobby. Noong mga panahong masaya pa silang dalawa ay lagi niya itong ginagawa at masayang masaya si Bobby sa kanya--silang dalawa. Pero iba na ngayon, nagbago na ang lahat.

Dahil kay Ayu..

"Bobby?" tawag niya sa labas ng bahay nito ngunit napatigil siya nang may narinig siyang tawanan sa loob. Lumapit siya sa pinto at kumatok.

Nakakailang katok palang siya nang isang babae ang nagbukas. Napakaikli ng suot nitong damit.

"Yes? Anong kailangan mo?" natulala lang si Ayu at parang may bumarang kung ano sa lalamunan niya at hindi makapagsalita. Ayaw niyang magisip ng kung ano. "Miss?" tanong ulit ng babae

"A-ah.. Nandiyan ba si Bobby?" nauutal na tanong niya

"Oo nandito siya. Bakit?" napahigpit ang kapit ni Ayu sa lunchbox na dala niya "P-pwede bang pakiabot naman to sa kanya?" inabot niya ang lunchbox kahit sobrang naninikip na ang dibdib niya

"Sino ka?" tanong ng babae sa kanya

Pinilit niyang ngumiti "Pakisabi galing yan kay Ayu... K-kaibigan niya.." nauutal na sabi niya. Ngumiti ang babae bago nagpasalamat at isinara ang pinto. Tumakbo siya papuntang kotse niya at doon siya umiyak ng malakas.

Inilapag ni Sica ang lunchbox na dinala ni Ayu sa lamesa. Napatingin si Bobby sa lunchbox nayon

"Saan galing yan?" tanong niya

Behind Those Tears (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon