Part 2 - Unending Love

392 24 2
                                    

'Love isn't a perishable product,
on the contrary, this is a century-old wine, it
gets better and better over the years, but if
the bottle is slightly open, through the
decades the wine will turn into vinegar.' -Unknown

--

"Eto nga pala yung gift na dapat ibibigay niya sayo bago mangyari ang aksidente" inabot ni Kia ang isang malaking box kay Bobby "Nakita namin sa mismong pinangyarihan ng aksidente." dagdag niya pa "Sige maiwan na kita" paalam ni Kia bago lumabas ng kwarto.

Huminga ng malalim si Bobby at tiningnan ang box na may mantsa pa ng dugo. Hindi niya maisip kung paano niya pa nagawang pumunta sa kwarto ni Ayu pagkatapos ng pangyayari. Inilibot niya ng tingin sa kabuuan ng kwarto ng dalaga.

Kalat-kalat ang mga gamit nito at halatang hindi na nalilinis. Punong-puno ng buhay ang kwartong ito nang huli siyang pumunta dito. Isang taon na ang nakakalipas mula ngayon. Pero ngayon napakadilim na ng aura ng kwarto

Umupo siya sa may gilid ng kama at sinimulang buksan ang box. Nanlumo agad siya nang makita ang isang picture frame. Magkatabi sila sa litrato at nakangiti. Mga ngiting puno ng saya at pagmamahal.

Parang piniga ang puso niya nang masilayan niya muli ang mga ngiting yon. Mga ngiting nagpapagaan sa loob niya noon pero nagpapasakit na sa puso niya ngayon. Ibinaba niya ang picture frame

Sunod niyang nakita ang isang bulaklak. Isang piraso ng rosas na nalanta na dahil sa tagal na nitong nasa loob ng box. Sa tangkay ng rosas may nakarolyong papel. Agad niya itong binuksan at binasa. Isang sulat galing kay Ayu.

'Kamusta kana Bobby? Bago mo sana punitin o itapon ang sulat nato pwede bang basahin mo muna hanggang matapos mo? Salamat. Sana Bobby bigyan mo ako ng pagkakataong sabihin sayo na mahal kita at handa kong gawin ang lahat para sayo. Si tita Chan patawad sa nagawa ko sa kanya. Pero bago ko nagawa ang bagay 'nayon' Kinausap niya ako isang gabi. Pinakiusapan niya akong kung may magawa siyang hindi na maganda barilin ko siya. Bobby alam kong hirap kana siguro ngayon kung totoo ba ang sinasabi ko. Hindi ko naman hinhinging paniwalaan mo pa ako, gusto ko lang na ipagpatuloy mo ang pagbabasa sa sulat ko. Mahal ko si tita Chan higit sa inaakala mo. Ayoko siyang sundin. Pero papatayin niya ang kapatid mo at alam kong sobra mong mahal ang kapatid mo. Sorry. Sorry sa nagawa ko.'

Nakatungo lang si Bobby habang nagbabasa. Gusto niyang maniwala... pero hindi niya alam kung paano pa. Patuloy niyang binasa ang sulat..

'Nakakakain kaba ng maayos? Nakakatulog ka pa ba ng mahimbing? Huwag mo sanang pabayaan ang sarili mo. Sana kung hindi mo lang ako pinalayo nakikita pa kita at nasusubayabayan kahit papaano. Mahal kita Bobby. Walang salita ang kayang sabihin kung gaano kita kamahal. Noong araw na pinalayo mo ako hindi ako nagalit sayo. Nagalit ako sa sarili ko. Simula noon hindi na kita kinausap. Isang buwan. Isang buwan akong nabubuhay ng wala sa sarili Bobby. Hindi ko na kinaya. Kaya tinapos ko na..'

Napakunot ang noo ni Bobby at agad siyang naguluhan. Lalo, kinabahan.

'Tinapos ko na ang paghihirap ko. Ang aksidenteng nangyari sakin, sinadya ko yon...'

Pigil ang hininga ni Bobby habang binabasa niya ang sulat.

'Ayoko na nakikitang nagiging ganyan ka nang dahil sa ginawa ko. Hindi ko maisip kung paano ko mapapawala ang sugat diyan sa dibdib mo. Patawarin mo ako Bobby. Patawad sa nagawa ko sayo. Mawala man ako sa mundong to, hinding hindi ako mawawala sa pagsubaybay sayo. Mahal kita at tatanggapin ko ang lahat. Sana sa mga panahong magkasama tayo. Naramdaman mo ang saya sa piling ko. Hinding hindi kita malilimutan.. Bobby. Ang pulang rosas nayan ang simbolo ng pagmamahal ko. Kahit siguro lanta nayan ngayon at pwedeng itapon sana matanggap mo. Lagi ko kayong babantayan.. Paalam Bobby.'

Nagmamahal, Ayu Choi

Halos mabasa na ang sulat sa tuloy-tuloy na pagluha ni Bobby. Hindi siya makahinga halos sa sulat na binasa. Napahilamos siya ng mukha at napatayo. Tumakbo siya palabas ng bahay at nagpakaayo layo. Tumigil siya sa isang mataas na lugar.

Doon siya sumigaw ng malakas. Doon niya iniyak ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Nagkamali siya. Gusto narin niyang mawala sa mundong ito at sundan si Ayu sa kabilang buhay. Gusto niyang parusahan ang sarili pero hindi niya alam kung paano.

Nakatayo siya sa dulo ng isang malaking bato at konting hakbang niya lang ay maaari siyang mahulog sa mabatong dagat sa ibaba. Pero wala na siyang dahilan para mabuhay, kaya bakit niya pa kailangan manatiling buhay?

Hinakbang na niya ang paa niya at handa ng tumalon nang..

"Bobby!" napatigil siya boses nayon "Bobby hindi pagpapakamatay ang sagot sa problema! Tingin mo ba magiging masaya si Ayu kung makikita ka nyang magpakamatay? Sinabi niya sakin na sana mabuhay ka ng mapayapa at maayos!" sigaw ng katatakbo lang na si Kia

Iniatras ni Bobby ang paa niya at hinarap si Kia na walang sigla "Paano ko mabubuhay ng maayos kung wala na siya sa tabi ko? Sabihin mo nga Kia.. paano?" nakita ni Kia na wala ng pag-asa ang mga mata nito at ang boses ng binata ay parang nauubusan na ng lakas

"Dahil kay Lily! Dahil sa anak mo!" unti unting umangat ang tingin niya kay Kia. Pakiramdam niya nabingi siya sa narinig niya "Oo may anak kayo! Isang taon ng nakakalipas simula ng malaman niyang buntis siya. Bobby mabuhay ka para sa anak mo. Para kay Ayu..." matagal natahimik si Bobby

"Ako? May anak?" tanong niya sa sarili

"Kung gusto mo siyang makita sumama ka sa akin. Please Bobby.. para to sa anak mo at kay Ayu" matagal na natulala si Bobby bago muling nagsalita

"Dalhin mo ako sa kanya Kia.." mabilis na sabi niya

*after one month*

"yeogiseo eommaga?" tanong ng batang si Lily kay Bobby (Where is mom?)

"eommaneun imi haneul-e" sagot ni Bobby (Mom is in heaven already)

"But i want to see her" pagmamaktol ng bata. Nginitian ito ng kanyang ama at binuhat siya

"Mom is always watching us okay?" tumango ang bata "Dont worry after many years youll gonna see your mom..soon"

"Yaksok?" tanong ng bata (Promise?)

"Naega yaksok" sagot ni Bobby at hinalikan ito sa noo. (I promise). Binagtas nila ang daan paalis sa sementeryo kung saan nakalibing si Ayu. Sa ngayon masaya si Bobby dahil kasama niya ang anak nila ni Ayu at alam niyang kung nasaan man si Ayu ngayon ay ganun din ang nararamdaman nito tulad niya..

--THE END--

Behind Those Tears (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon