Ice Cream Relationship

32 0 0
                                    

Ice Cream Love Story :"> ( Short Story )

A/N : Binabalaan ko kayo :) Especially sa nagrequest ng story na to :D Ang istoryang ito ay base sa totoong experience at ang mga tauhan po dito ay totoo :) -- However , ito man ay base sa totoong buhay , hinaluan ko pa rin po ng PAWANG KATUBUAN ang mga pangyayari dito :) Hulaan niyo nalang kung saan :) Yun lang . Maraming salamat sa pagbabasa :DD

Friendship ? Love ? It all started with an ice cream :)

" Uy ice cream ! " narinig kong sabi ni Dana .

Lumapit ako sa kanya at nginitian siya.

" gusto mo ? Kuha ka na ! " pag-aalok ko sa kanya .

" Weh ? Libre ? "

" oo nga .. " tumango tango lang ako .

" Di nga ? Seryoso ? " pangungulit pa niya .

Hay naku - -' Ang kulit niya talaga .

" Ayaw mo ? "

: Haha ! Salamat ! "

Ay ? Sabay ganun ? Ang gulo talaga niya kausap .

Ice cream . dyan nagsimula ang friendship namin . Ako nga pala si Marco Santillan at ang babaeng kausap ko ngayon ay si Dana Libunao . Nandito kami ngayon sa Philtrade . Career Orientation kasi ng 4th year students . Kasama ko ang Kaibigan kong si SJ . Kasalukuyan naming hinahanap ang isa pa naming kasama na si Mellie . Paano ba naman kasi ? Kung kelan mag-uuwian na , tsaka pa naglaho . Naglakwatcha pa ata . Tss .

At ayun nga , sa aming paghahanap , nakita namin si Leanna .

" Thanks sa ice cream , killian . "

Killian nga pala ang karaniwang tawag nila sa akin .

" ah .. Wala yun ^//////^ "

Simula pa lang nung 2nd Year kami , crush ko na agad si Dana . bukod sa maganda at matalino , ang pinakanagustuhan ko sa kanya ay ang maganda niyang boses . Yun nga lang , di kami masyadong naging close kasi bukod sa di masyadong pansinin ang KAGWAPUHAN ko dahil tahimik lang naman ako , eh , di rin kami magka-section .

Nung first year naman , nalaman ko may boyfriend na pala siya . Ang mas masaklap pa dun , classmate ko dati ang boyfriend niya . Pero ayos lang yun para sakin , hindi naman ako naghahangad ng higit pa sa meron ako ngayon . Ayos na sakin yung nakikita ko siya araw-araw na masaya . Naku , madrama na masyado .

Napag-alaman ko na sila pa rin daw . Pero di rin nagtagal , naghiwalay na sila . Hay sa wakas -- JOKE LANG ! Pero ang tanong , bakit ? For almost 2 and 1/2 years ? Maghihiwalay sila ? Well , I wont bother asking for the reasons . Respeto nalang din .

Pero simula nung nagbreak sila ng boyfriend niya , napuno ng pag-asa ang buhay ko :)) At ayun nga , ngayong 4th year , bbumawi ako .

Actually , ngayong lang talaga kami naging close .

" Killian !! SJ !"

Narinig ko ang pagtawag ni Mellie sa amin . Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala naman . Kakauwi lang pala namin galing Philtrade .

" Oh , narinig mo yun Killian ? Si Mellie ., " tanong ni JonJon.

" oo nga eh .. "

tumingin ako sa terrace ng bahay ng isa pa naming kaklase na si Riza at ayun nga , nakita namin ang nawawalang Mellie ng Abad na nakadungaw doon.

" Dito ! " sigaw ni Mellie .

Agad-agad kaming pumunta sa bahay nila Riza .

" Grabe , hinahanap ko kaya kayo ! " sigaw sakin ni Mellie . Ang ingay niya ha . Bawal pa naman maingay dito sa Bliss .

" saan ka ba pumunta ? Hinahanap ka rin namin eh .. "

" Pinauwi kasi kami agad . Kami nila Arni . Urat . " pagmamaktol niya .

" ahh kaya naman pala .. "

hinati-hati na namin yung mga flyers na pinamigay ng iba't ibang universities dun sa career orientation .

" Haha ! Panibagong collection haha !! Daming baller ohh .. "

" collection pala eh .. " Biglang singit ni Riza sa usapan namin ni Mellie . Di nga pala siya nakasama kasi nagkasakit siya bigla . buti ngayon ayos na siya .

Pagkatapos naming paghati-hatian ang mga flyers ay umuwi na kami agad .

Nakauwi naman agad ako sa bahay . Agad-agad akong humiga sa kama ng kwarto ko .

Thanks sa ice cream , Killian ..

Bigla kong naalala yun tungkol kanina .. ayyss . Ang ganda talaga ni Dana :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ice Cream RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon