Nagising ako sa pag-ring ng cellphone ko, akala ko si Donghae na pero si Prince pala. Bakit ba puro si Donghae nasa isip ko? Si Manang kasi eh!
Ayoko sanang sagutin pero mukhang hindi niya ako titigilan kaya minabuti ko nalang na sagutin ang tawag niya.
"Hello?"
"Yoona buti naman at sinagot mo!"
"Bakit? Anong meron?"
"Yoona I want you back. Tama si Donghae, dapat hindi kita pinakawalan dahil nag-iisa ka lang sa mundong to. Hindi ko pala kayang mawala ka sakin Yoona. Please come back to me. I miss you."
"Sinabi niya yun sayo? Kinausap ka niya?"
"Oo, pinagbantaan niya pa ako na huwag na akong lalapit sayo kung sasaktan lang din naman kita."
"I see."
"Pwede ba tayong magkita?"
"Prince, alam ko na kung kanino ako magiging masaya, alam ko na kung nasaan all this time ang puso ko kaya kahit anong gawin ko hindi kita makuhang mahalin. Alam ko ng kung saka-sakaling sumablay man ako sa desisyon para na iyon sa taong mahal ko. I am sorry, pwede pa naman tayong maging magkaibigan di ba?"
"Siya ba?"
"Yes."
"Okay, sana maging masaya ka sa kanya." Malungkot na sambit niya.
"Magiging masaya ako dahil siya ang kasiyahan ko, thanks for making this happen Prince. Kung hindi mo ako iniwan, hindi ko marerealize kung gaano siya kaimportante sa akin." Huminga ako ng malalim.
Ngunit tama nga ata sila. Hindi natin malalaman ang worth ng isang tao once na di pa ito nawawala satin.
"I'm very sorry Prince."
"It's okay Yoona, kasalanan ko rin naman. Basta kapag kailangan mo ako alam mo kung saan ako kokontakin." He immediately cut the line.
I was blinded by my fear. Takot akong mawala siya sakin kaya hindi ko nakikita ang mga efforts niya para sa akin. Why am I so insensitive? Why am I so blind? Why...
"Yoona!" hingal na hingal na sambit niya sakin. "May nangyari ba sayo? Urgent? Bakit?"
"Tumawag sakin kanina si Prince."
Nag-iba ang facial expression niya. "Tapos?"
"He wants me back."
"Kayo na ulit?"
"Uh, no." gulat na gulat siyang tumingin sa akin.
"Bakit hindi ka nakipagbalikan?"
"Because I deserve someone better." Umiling ako.
"I deserve the best, yan ang lagi mo saking sinasabi di ba?"
"Oo, pero para sayo siya ang perfect man." Natawa ako.
"Noon yun, pero wala naman talagang perfect eh." Nakatingin parin ako sa kanya.
"Pero napatunayan ko na totoo pala ang 'Mr. Right'."
"At sino na naman yang crush mo?"
"Hindi lang crush, he's my ultimate crush." Umiling ulit ako. "I think I'm truly inlove this time."
"Naglolokohan na naman tayo Yoona, si Prince naman ang tinutukoy mo eh." Natatawang sambit niya.
"Nope, it's not him."
"Kung hindi siya sino?" napansin kong nagtataka na siya.
Gusto ko ng sabihin sa kanya pero ang dami pang katanungan na gusto kong masagot niya. Marami pa namang oras kaya sisimulan ko ng magtanong. "Bakit hindi mo sinabing maalat pala yung cookies na ginawa ko?"

BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Short Story)
Historia CortaLucky im inlove with my bestfriend. Unlucky, she is inlove with someone else.