"What? No!" napatayo ako mula sa hapag.
"Ria," pigil sa akin ni Mommy.
Nagpunas si Daddy ng bibig gamit ang table napkin. "Calm down, Alexandria." mahinahon ngunit may awtoridad itong nag-angat ng tingin sa akin.
Bumaling ako kanila Tito Marcus at Tita Jenna. At kay Jared na nagbaba ng tingin sa pagkain nito.
Umiling ako. "No, Mommy... Dad..."
I was in shock. I never expected this. My parents never mention this to me until tonight.
I thought I was already old enough to decide for myself. I thought finally I can start living my life now that I just finished college. I took business administration dahil iyon ang gusto ng mga magulang ko. Even though I like arts. Tinanggap ko na rin na tutulong ako sa family business at magtatrabaho sa kompanya namin. All my life naging masunurin akong anak. Lalo kay Daddy. I was always doing everything that pleases him. But this... is already too much.
I looked at my Mom. Mula noon ay alam ko namang wala siyang magagawa kay Dad. Then I looked at my father. He was serious as usual and reprimanding. May babala sa kanyang mga mata habang nakatingin din pabalik sa akin.
Alam kong isang mali ko lang ay mapaparusahan ako ng husto. I was scared of my Dad. Hindi pa naman siya nagiging malupit sa akin pero sobra itong mahigpit.
Umiling ako. I was disappointed.
"Alexandria!"
Malakas ang boses ni Dad na tinatawag ako pero tuluytuloy na ako sa pag-walk out. Naroon ang takot ngunit mas nangibabaw ang disappointment at pagod. I was so fed up of my parents manipulating my life ever since. I was tired.
Nagmamadali akong makalabas at makaalis ng mansyon. My tears were falling but I continued making my way out, bravely. Ito palang ang unang pagkakataon na susuwayin ko si Dad. I've been a good daughter. I was always okay with everything until tonight. Pakiramdam ko ay punong-puno na ako.
My car key was not with me. Lakad-takbo ako hanggang makahanap ng masasakyang taxi. Mabilis ko itong pinara at agad pumasok sa loob at sumakay.
I thought of my brother while I was inside the cab. But he's friends with Jared. At abala din ito. I wasn't sure if he could help me run away from our father. Dahil nang mga oras na iyon ay 'yun lang ang gusto kong gawin. I want out. I want to be so far away from my own father. Ayaw ko na silang makita.
"Manong," tawag ko sa taxi driver nang mapunang hindi na pamilyar sa akin ang dinadaanan namin at parang liblib na.
He looked at me through the rear-view mirror. Ngumisi ito. Pinanindigan ako ng mga balahibo at nakadama ng takot sa klase ng ngiti nito.
Minsan ko lang sinuway ang mga magulang ko and I was already dealing with the consequence? Ang bilis naman yata.
Nanigas ako sa kinauupuan ko sa backseat. Tumingin ako sa labas na madilim. I was already at the verge of crying.
Parang nagsisisi na ako sa biglang paglalayas.
"Let me go! Help!" I shouted when the taxi driver opened the door beside me after he parked. He pulled me through my wrist out of the cab.
I was praying internally.
I was so scared.
Hindi ko maalala kung natakot na ba ako ng ganito noon.
"Hoy!"
Sabay kaming napatingin sa taong dumating. My tears fell. Siguro sa sobrang takot ay hindi agad nalaglag ang mga luhang kanina pa nagbadya sa mga mata ko. Parang gripo ang mga luha ko habang palapit sa amin iyong lalaki.
Nabitawan na rin ako ng taxi driver.
Para akong nakakita ng liwanag sa katauhan nito na bigla akong tumakbo palapit at halos sinalubong ito. Hindi na rin ako napigilan ng driver.
"Help me!"
Nagkatinginan kami ng lalaki.
I was crying as the man hid me behind him.
Mabilis ang pangyayari. Sumunod at lumapit sa amin iyong taxi driver na may masamang balak sa akin. Napatili ako nang sinubukan nitong suntukin ang lalaking tumulong sa akin. Pero madali lang itong nakaiwas at nang ito na ang sumuntok ay agad natamaan iyong may katandaang driver at sumubsob sa lupa.
At habang iniinda pa nito ang pagbagsak ay hinila na ako ng lalaking tumulong sa akin at pinaangkas sa motorcycle niya.
"Ayos ka lang, Miss?" the stranger asked me. Malakas ang boses niya habang mabilis ang patakbo.
Nakakapit din ako sa kanya at takot na mahulog.
"Y-Yes," I stammered a bit dahil first ko yatang makasakay sa motor at dahil na rin sa lamig ng hangin dahil open lang ang sinasakyan namin.
I thought it was a good thing that I was wearing a jumpsuit at hindi dress o skirt.
Unti-unti ay medyo bumagal ang pagpapatakbo niya. Medyo lumuwag din ang pagkakayakap ko sa baywang niya.
"Ihahatid na kita sa inyo."
Mas klaro kong narinig ang sinabi niya dahil sa medyo pagbagal ng pagtakbo ng sinasakyan namin.
Agad akong umiling. "No! I mean... Hindi ako uuwi sa amin,"
"Ano?" sinubukan niya akong lingunin at tiningnan gamit ang salamin ng motor niya.
Napatingin din ako doon at nagkatinginan kami sa mga repleksyon namin.
He's... good looking.
"I..." I was looking at him through the mirror. I was looking at his face. "I don't want to go home..."
Nag-iwas ako ng tingin nang mula sa pagmamaneho ay sumulyap din siya doon.
"Sa'n ka pupunta?"
Sa salamin ay muli kong nakita ang mukha niya at bahagyang pagkunot ng noo. He was focused on driving.
"I don't know... Just bring me with you..."
I wasn't sure if it was an unconscious move that my hug on his waist tightened comfortably.
He was a stranger.
Pero may pakiramdam ako na mapagkakatiwalaan siya. And I trusted him.
BINABASA MO ANG
How To Love You
Ficción GeneralRia's bound to marry Jared Montereal. A marriage of convenience. The night when she was told about it, naglayas siya. And then she met Vincent. Alexandria was born rich. Pero hindi naging mahirap sa kaniya ang buhay na mayroon si Vince. For months...