Chappy 9: Frienemies

2.9K 123 1
                                    

Nandito na kami sa room ngayon, napaka-weird talaga ni Tristan ngayon. Three-fourth na ang pagkamanyak nya, one-eight nalang pagiging tae at adik nya.

Kinikilabutan talaga ako pag kumakambyo sya sa harap ko pa. Nako Tristan, pag ikaw na-rape ko, walang sisihan.

"Edi rapin mo?" Sabi ni Tristan.

Tae paano? Nababasa nya iniisip ko?

"Kung bubulong kalang, huwag masyadong malakas. Naririnig ko ehh." Sabi nya.

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.

Tumawa naman ang adik na parang nakakaloko.

After ng third subject, bumaba kami ng cafeteria para kumain. Patay-gutom kami, kain nang kain.

Libre daw nya? Tatanggihan ko pa ba?
Ako nalang humanap ng mauupuan namin at naupo.

Kinalikot ko muna notebooks ko at pinag-titignan yung mga doodle sa likod. Dati pa to kaya puro pangalan ni Earl ang nakalagay.

"Wow! Artist karin pala." Sabi ni Tristan sabay abot ng pagkain.

"Hindi, mga doodle lang yan pag wala akong magawa." Sabi ko sabay pinunit.

"Bakit mo pinunit?" Tanong ni Tristan.

"Pangalan mo naman kasi ang i-dodoodle ko." Sabi ko na ikinapula ng mukha nya, ang gwapo nya talaga.

"Aww ang sweet naman ng boyfriend ko. Pa-kiss nga." Sabi nya at kiniss ako sa noo, kinilig naman ang ate mo Charo.

"Mamaya na yan kumain muna tayo." Sabi nya.

Habang kumakain kami, may lumapit saming babae. Hindi ko ito napansin kaya kinalabit ako ni Tristan.

Pagtingin ko si Sam, may dalang pagkain.

"Pwedeng maki-upo?" Tanong nya.

"Sure." Sabi ni Tristan.

Hinawakan nya ang kamay ko, panay naman ang pisil ko dito. Ewan ko ba? Nanggagalaiti ako, napaka-traydor nya, sulutin ba naman ng best friend mo, ang boyfriend mo?

Kung wala lang kaming pinagsamahan nito, nakalbo ko na ang bruhildang ito. Pero ayokong magpaka-bitter, tapos na. Nangyari na ang nangyari.

"Friend, Hindi mo sinabi sakin na napakagwapo ng boyfie mo?" Sabi nya sakin.

"Oo nga ehh, di hamak na mas sweet at thoughtful sya kesa kay EARL." Nilagyan ko talaga ng diin ang pangalan ni Earl.

Wait! May sinabi ba akong ayokong magpaka-bitter?

Nanahimik si Sam at nagpatuloy lang sa pagkaim.

"Speaking of Earl, kamusta na nga pala KAYO?" Tanong ko, ewan ko? Feeling ko anytime sasabog ako.

"Uhm... That's why gusto sana kitang makausap, wala na kami. Gusto ko lang rin na humingi ng patawad." Sabi nya.

"Patawad? Sorry masyado yatang malaki yang hinihingi mo." Sabi ko sabay tumayo at umalis.

"Excuse us." Paalam naman ni Tristan kay Sam.

Nagpunta ako sa garden ng school, pinagsisipa ko yung mga trash can dun. Pinagtitinginan naman ako ng mga dumadaang estudyante.

"Raven, what's the matter?" Sabi ni Tristan nang mahawakan nya ako sa braso.

Pinaupo nya ako sa bench at pinakalma, sibukan ko namang kumalma.

"Sorry Tristan ahh." Sabi ko. "Akala ko kaya ko syang harapin, hindi pala." Maluha-luha kong sabi nang maalala ko yung mga nangyari sa sinehan.

"Huwag mong isipin yun." Sabi nya sabay niyakap nya ako. "Nandito lang ako." Sabay hinigpitan ang yakap.

HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon