Chappy 17: B. A. B. A. Y.

2K 108 1
                                    

"Mag-cucutting kalang sa airport pa." Sabi ng pamilyar na boses.

Paglingon ko nakita ko ang bruhildang si Sam, tumayo ako at niyakap sya.

"Ikaw Bruha ka, hindi mo man lang sinabi sakin na mangingibang bansa ka." Sabi ko sabay marahan syang sinabunutan.

"Aray naman Bestie! Hindi ba inabot ng Lance na yun yung sulat?" Sabi nya.

"Yun na nga eh, sa sulat ko pa nalaman." Sabi ko.

Naupo kami sa bench kung saan ako nakaupo kanina.

"Sya nga pala bakit nandito ka pa, Sabi gumora na daw yung plane nyo?" Patataka ko.

"Ibang flight yun, delay yung samin Bestie." Sabi nya. "Eh kayo anong ginagawa nyo dito?" Tanong naman nya.

"Nagpapalamig ang init sa labas ehh." Pilosopo kong sagot na ikinatawa ng bruhilda. "Malamang pinuntahan namin kayo."

"Bestie, sana mapata..." Pinutol ko sasabihin ni Sam.

"Bestie, kung tungkol yun sa video. Kalimutan mo na, napatawad ko na kayo." Sabi ko.

May namuong luha sa mata ni Sam.

"Sa totoo lang Bestie, yun ang huling hiling ni Earl, bago daw nya panindigan ang pagiging ama sa magiging anak na..." Pinutol ko ulit ang sasabihin nya.

"Wait! What? Magiging anak?" Pagtataka ko.

"Oo Bestie, 1 month na akong buntis." Sabi nya.

"Bruha ka!" Sabi ko sabay kinurot sya sa tagiliran. "Ang aga mo kong gagawing ninong."

"Aray! Don't worry Bestie, gagawin kitang ninang." Iyak-tawa nyang sabi.

"Mukhang nagka-ayos narin kayo ahh." Singit ng pamilyar na boses.

Pagtingin namin sina Earl at Tristan. Tumayo ako, lumapit kay Earl at nilapirot yung ano nya.

"Ikaw, impakto ka. Tatay kana, nakuha mo pang bumona ng iba." Sabi ko.

Halos tumingkayad naman si Earl sa sakit.

"A-aray... hindi na mauulit." Namimilipit sa sakit nyang sabi.

Binitawan ko yung ano ni Earl at tumingin kay Sam panay naman ang tawa nito.

"Ang sarap nun ahh, ako rin." Singit naman ni Tristan.

"Maya kana sa bahay." Ngiting demonyo naman ang loko. "Ikaw parang kahapon lang gusto mong magpakamatay, ngayon aalis na pala kayo papapuntang ibang bansa." Sabay marahang palo kay Earl sa balikat.

"Aray! Hindi naman talaga ako magpapakamatay ehh." Sabi nya.

"Eh ano nagpapahangin?" Pabalang kong sabat.

"Wala kasing signal." Palusot pa nya.

"Walang signal, utot mo?" Sabi ko.

"O sya Bestie, mag-boboard na kami." Paalam ni Sam sabay yakap sakin.

"Basta Bestie, sumbong mo lang sakin tong si Earl kung nagloloko na naman, lalapirutin ko na naman ano nya." Sabi ko.

"Can't wait for that." Singit ni Earl.

"Ingatan mo si Sam lalo na yung magiging inaanak ko. Sinasabi ko sayo, Ako mismo puputol ng ano mo." Banta ko.

"Opo Lola Nidora." Sagot naman nya sabay  niyakap ako.

Habang paalis sila, tuluyan naring lumisan yung galit ko sa puso. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib, hindi dahil sa pag-alis nila kundi dahil tuluyan ko na silang napatawad.

Nang pauwi na kami, naisipan munang mag-withdraw ni Tristan, bibili daw syang pasalubong kay Gale. Ang lubos na pinagtataka namin, insufficient balance ang nakalagay.

"No worries, may pera pa naman ako dito yun nalang ipambili natin." Prisinta ko.

So nagtungo muna kami ni Tristan sa mall at binilhan si Gale ng pasulubong, bumili narin kami ng dinner, ubos ang allowance ng lola mo.

Halos hindi naman magkandamayaw si Gale, nang makitang may pasalubong kami sa kanya. Kinuha naman ni Mama yung dala namin dinner at inihanda.

"Naku Tristan! Nag-abala ka pa." Sabi ni Mama.

"Ah Ma, kay Raven po galing yan." Sabi naman ni Tristan.

"Ay ganun ba?" Pagtataka ni Mama. "Gale! Kumain ka muna dito. Bihira lang manlibre Kuya mo." Tawag naman ni Mama kay Gale.

"Ma naman ehh." Sabi ko.

Kumain muna kami bago nagtungo sa kwarto ko. Sumalampak kami ni Tristan sa kama ko, inunan ko bisig nya.

"Asawa ko?" Pagkuha ko ng atensyon nya.

"Ano yun?" Tanong nya.

"Wala, I love you." Sabi ko na ikinangisi naman nya.

"Asawa ko?" Pagkuha naman nya ng atensyon ko.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Wala, I love you too." Sabi nya na ikinapula ng mukha ko. "Asawa ko?" Napatingin ulit ako sa kanya.

"Ano yun, I love you three?" Pinangunahan ko ka-cornihan nya.

"Hindi! Yung sinasabi mo kanina." Ngiting demonyo nyang sabi at idinantay ang hita sa akin.

"Ene ke be? eng menyek me." Pabebe kong sabi.

"Ah manyak pala ah."

HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon