Meet The Flower Boys

254 16 7
                                    

Chapter 1

(Principal's Office)

*Hon's POV*

"GUMAWA NA NAMAN KAYO NG GULO?!" sigaw ni tanda sa harapan namin.

Sabay-sabay kaming napatakip sa tenga namin dahil sa nakaririding sigaw nya. Tangnang matanda na to, kung makasigaw akala mo naman wala kami sa harap nya.

"Haist, pwede ba wag kang sumigaw, tanda?! At ikaw pa ang may ganang mag-reklamo dyan?" sagot naman ng pinuno naming si Eros sa matadang yun.

"Sa isang linggo, walang araw na di kayo gumagawa ng gulo! Aba'y ilang gamit pa ba dito sa paaralan ang balak ninyng sirain?" sigaw nanaman niya.

"Binabayaran naman namin ah?" bored na sabi ni Alexander.

"Kahit na binabayaran nyo pa ang mga yan, araw-araw naman kayong may sinisira! Kelan ba kayo titino?" galit na si tanda.

"Tss. Ganito talaga kami at wala ma kayong magagawa!"

Nasapo na lang ng matanda ang kanyang noo dahil alam nyang wala syang magagawa. Ganito na talaga kami. Para mo na ring sinabing natutong lumipad ang baboy kapag sinabi mong natuto kaming magpakatino.

"Ano bang dapat kong gawin sa inyo? Para akong mababaliw sa tuwing nakikita ko kayo!" saad muli ni tanda.

"Problema ba yun? Edi wag kang tumingin sa amin." pabulong at pabalang na sabi ni Yvess. Lahat naman kami'y pinipigilan ang aming mga sarili na tumawa. Pero napansin pa rin iyon ng matandang hukluban sa unahan.

"Anong nakakatawa?" nakakabobong tanong ni tanda.

"Tsk. Nag tanong ka pa?"

"Tanda, hanggang kelan ba kami tatayo dito? Nakaka pagod na ah." tanong ni Kyuri na isang beses isang taon lang ata magsalita.

Siguro nagsawa na rin syang pakinggang si tanda. Nakakapagod naman talaga siyang pakinggan sa paulit-ulit niyang sermon.

"Anong sabi mo?!" gulat at galit na sabi nya.

"May klase pa kami at masyadong boring sa lugar na 'to." balewalang sagot ni Kyuri

"Mga wala talaga kayong respeto! Hala! Mag silayas kayo!! Bumalik kayo sa klase nyo!!" nawalan na rin sya ng pasensya sa wakas.

"Ayos! Thank you, Tanda." sabi pa ni Alexander.

Lumabas kami ng Office. Akala ko di na siya matatapos dun ah.

"Himala na di tayo pinarusahan ni tanda?" saad ni Aso.

"Bakit gusto mo maparusahan? Geh, balik na kayo dun." sarkastikong tugon ko.

"Aist! Di ka talaga maka-usap ng matino!!" inis na sagot nya.

"K. Hiyang-hiya naman ako sayo."

"Ay ewan! Tara na nga sa room." sabi ni Alexander.

Naglalakad na kami papuntang room. Ayan nanaman sila, di maiwasang pinag titinginan kami. Malamang sino ba ang hindi titingin at tititig? Sa sobrang kagwapuhan ba naman namin. Pero syempre, pinakagwapo ako.

-

*Kevin's POV*

Walang teacher sa klase kaya nagku-kwentuhan lang kami ngayon. Pero natahimik ang lahat ng pumasok sila Eros. Lumapit sila samin.

"Kamusta ang bagong sermon?"

"Haha! Ano? Galit na galit ba si tanda?" natatawang tanong ni Enzo.

"Oo! Halos lumabas lahat ng ugat nya sa mukha. Tapos yung mga mata nya tirik na tirik sa sobrang galit!" kwento ni Aso.

"Pfft. Ayan kasi, puro kayo kalokohan!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meet The Flower BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon