Kasawian #28

86 7 0
                                    

Hanggang Kaibigan ka lang.

Boy: Best, may napanaginipan ako kagabi.

Girl: O? Ano naman 'yun?

Boy: Nasa loob daw tayo ng nasusunog na bahay. Ikaw, ako at ang girlfriend ko. Tapos, dapat daw may ililigtas ako. Isa nga lang sa inyo.

Girl: E sino niligtas mo?

Boy: Ikaw.

Girl: Ha? Bakit ako?

Boy: Kasi bestfriend kita. Pinangako ko sa sarili ko na ililigtas kita kahit anong mangyari, kahit ikamatay ko pa.

Girl: Wow naman. Pero may tanong ako.

Girl: Paano naman 'yung girlfriend mo?

Boy: Binalikan ko siya at parehas kaming nasunog.

Girl: Ha? Bakit mo naman 'yung ginawa?

Boy: Kasi pinangako ko sa kanya na di 'ko siya iiwan hanggang kamatayan.


Hugot ng mga SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon