Kailan lang, habang nanunuod ng TV, may napag-isip isip akong isang bagay.
"Bakit ganito ang tao?"
Napapanood ko kasi, kapag nand'yan ang isang bagay sa kanilang paligid, todo todo sila isip dito. 'Yung tipong dito na umiikot ang kanilang buhay. Tulad na lang kapag may bagyo, parang bang buong araw, nakatutok na lang sila sa mga pwedeng mangyari dulot nito. Mga suspended na klase, estranded na daan, basta. Ang dami daming iniisip ng mga tao.
Pero kapag wala na ang mga bagay na ito, reklamo dito, reklamo doon. Puro na lang pasakit at pagsisisi ang nasa laman ng utak.
Pero pagkaraan ng ilang araw, linggo o buwan. Parang bang binaon na lang nila ito sa limot at hindi na mulin babalikan.
Ganito ba talaga ang mga tao? Madaling makalimot?
Kapag hawak pa nila ang isang importanteng bagay, todo kapit sila rito para hindi nila ito mabitawan. Pero kapag wala na, maghahanap na lang ng bago at kakalimutan ang mga nangyari.
Dapat nga bang sumuko at hindi na muling humawak?
Hindi ba dapat sa mga ganitong sitwasyon tayo kumapit ng mas mahigpit. Kasi alam na natin ang mga pwedeng mangyari kapag wala na ang mga bagay na mahalaga sa atin? Kasi alam na natin ang sakit at hirap na naidudulot nito?
Pero, hindi e.
Naramdaman na nga. Nasaktan na. Gusto pa ring umulit.
Masokista ba ang lahat ng tao?
BINABASA MO ANG
Hugot ng mga Sawi
De TodoPara sa mga naghihintay at iniwan. Hugot. Random stories. Isang koleksyon ng mga bagay bagay na nangyari sa buhay ng isang sawi.