Shan's POV
"Captain Shan tingin mo mapapansin ako ni Tracey?" tanong sakin ni jigz.
Nandito kasi kami sa labas ng classroom namin Lunch break kasi kaya halos lahat ng estudyante nandito sa labas ng kani-kanilang classroom.Lahat may kausap,Lahat nagtatawanan.
"I don't think so,ako nga hindi pinansin eh anyway hindi naman kasi ako nagpapansin.Galingan mo nalang." sagot ko naman kay
Jigz without looking at him.Tinitignan ko kasi yung mga studyante sa ground I think sila yung sa ibang section ng architecture.P.E ata nila naka t-shirt kasi sila ng pang P.E. eh tas naka short-short.
"Look who's coming..hahahaha.weird.haha"Si girl 1.
"Pare tignan mo oh.Diba si Tracey yun.ang puti pero... hahaha" sabi naman yan ng mga lalaki sa gilid namin.
Kaya naman napatingin ako sa babaeng naglalakad ,nagtama ang aming mga mata pero patuloy parin sya sa paglalakad.
She's wearing her yellow p.e. t-shirt with matching black short-short na parang pagtumalon sya makikitaan na sya,nakapusod ang buhok nya kaya naman ang linis nyang tignan kahit may unting pawis sya sa noo nya tapos may dala pa syang bola ng volleyball na nakasingit sa tagiliran nya.
Napahinto naman sya sa paglalakad siguro napansin nya na lahat ng mga mata ng estudyante ngayon dito eh nakatingin sakanya at nagbubulungan pa.inikot naman nya ng tingin ang mga tao sa paligid nya at binalik ang tingin sakin with -WHAT-ARE-THEY-LOOKING-AT?- look.hinawakan ko naman ang polo ko at inginuso ang suot nyang damit.napatungo naman sya sa t-shirt nya at siguro na gets nya na ang nais kong sabihin.
Napailing naman sya habang tumatawa kaya naman lalong naglakasan ang tawang ginawa ng mga estudyante.
"Pahawak naman saglit."pakiusap nya sa lalaking nasa gilid nya with sweet smile pa.Ipinahawak nya ang bolang hawak nya at...
(O___O)
teka tama ba ang nakikita ko?..
Bigla kasi syang naghubad sa gitna ng crowd at ibinaligtad ang t-shirt na hawak nya at isinuot ito ng tama.
kaya naman lahat kami ay napa "OOhhhh."
Sya naman ay naglakad na ulet at nagwave pa sa aming lahat.Look how naughty she is.
lahat naman ng mga lalaki dito eh parang star na nagkikislapan ang mga mata,napatingin naman ako kay jigz kulang nalang ay tumulo na ang laway nya.
"Pare timba,gusto mo?" tanong ko naman kay Jigz.
"Captain ang hot."
Yan si Tracey Yvone SanPascual Isa pinaka infamous girl ng campus although maganda naman sya.white skin with dark brown hair definitely a brunette woman.Ang ganda pa ng eyes nya itim na itim then almond shape pa at matalino pa .maliit nga lang hanggang balikat ko lang sya eh pero kung para sa girls ay matangkad narin.I think 5'5 ft,5'11 ft kasi ako eh..Sya ang pinaka matalino sa buong course namin pero sya rin ang pinaka pasaway mali, sila palang magkakaibigan.Pareparehas sila may utak pero pareparehas silang pasaway.Ayan si Tracey lagi yang na o-office at nabibigyan ng punishment,hindi lang sila mabitiwan ng campus kasi isa sila sa asset ng campus.
She's not voloptous but not that flat and yeah! she's attractive.
but wait... sinabi ko bang attractive sya no! no way!
"Hoy Jigz, kayo ah pinagtutulungan nyo ko ni captain ah."sambit naman ni Red yung isa pang nahuhumaling kay Tracey.
"Tigilan nyo nga ako,kanya kanya na ng diskarte. tsk." iniwan ko na silang dalawa dun, bahala sila mag usap.
BINABASA MO ANG
Dare to Fall In Love
RomanceDare to Fall In love written by: crayonwitch All rights Reserve ® 2013