INSPIRASYON

241 2 0
                                    


Sa bawat sandali aking naaalala
Sa paggawa ng tula ikaw ang nakikita
Di ko mabatid kung anong magagawa
Sa puso't-isip kong pinuno mo ng ligaya.

Sa letra ng aking kathang ginagawa
Pantig ng iyong pangalaý akoy natutuwa
Titik "C" na nagpatibok ng puso ko ngayong taon
Sa paggawa ng tula ikaý naging inspirasyon.

Sa bawat tugma ng aking tula
Di ko maalintana kung anong nagagawa
Pag-irog ko sayo'y san a pareho sa tula
Puso ko at puso moý sana'y magkatugma.

Di mawawala ang taludtod sa tula
Para maging saknong at isang katha
Sa aking buhay ikaý isang ganito
Binuo at pina ibig ang puso kong ito.

Di ko namalayang matatapos na pala
Ang aking tulang isang obra-maestra
Maestra ang maituturing ko sayong sadya
Na nagturo sa puso ko ng pag-ibig at ligaya.

Sa pagtatapos ng aking tula
Sana sayo ko malama't magmula
Sa pagpayag sayo na ibigin kita
Upang matawag na kitang minamahal kong sinta.




















HugotSenaryo (Ang Diksyonaryo ng mga HUGUTERO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon