1

31 4 3
                                    

Ako nga pala si Remie Lipas, 19 years old at graduate na ako sa College. Status ko? ✔Taken. Ang totoo niyan 2 years na kami ng boyfriend kong si Jemuel. Mabait siya, napakasweet at napakacaring. Kaya kahit sino mang babae ay talagang maiinlove sakanya dahil sa mga taglay niyang pag-uugali. Pero ang totoo niyan, hindi ko ramdam na kami pa. Kasi 1 week na. 1 week na ang nagdaan pero hindi na siya nagpaparamdan. Minsan tinitext ko siya pero panandalian nalang hindi tulad ng dati na kahit hanggang madaling araw ay gising na gising pa kami. Nito ding nagdaang araw napapansin kong minsan nalang din niya akong sabihan ng 'I love you' o 'Mahal Kita' na noon ay araw-araw niyang ginagawa, sinasabi at pinaparamdam. Halos lahat nga ata ng text niya sakin noong nagdaang araw ay may kasama pang I love you pero ngayon wala na. Pero siguro busy lang siya.

*Kinabukasan*

Another day na naman. Tutal wala naman akong gagawin naisipan kong puntahan si Jemuel sa bahay nila. Kagabi kasi nagtext ako sakanya pero mga 5 minutes nalang ata kami nagtextsan nun. At sabi niya busy daw siya kagabi. Naisipan ko ding ipagluto muna siya ng pagkain bago ako pumunta sa bahay nila. Pagkatapos kong magluto ay agad na akong naligo pagkatapos ay nagpalit. Naglagay din ako ng konting foundation sa mukha at unting lipstick sa labi ko. Tsaka lumabas ng bahay para pumara ng sasakyan.

"San po tayo?" tanong ni Manong Driver.

Sinabi ko kung saan tsaka naman tumango si Manong Driver at andito na ko sa compound kung saan nandito ang bahay nila Jemuel. Excite na excite akong naglalakad habang papalapit sa bahay nila. Nandito na ako sa gate ng bahay nila at nagdoor bell. Ilang beses kong pinindot yun pero wala pa ring lumalabas para pagbuksan ako ng pinto kaya't kusa nalang ako pumasok. Pagkapasok na pagkapasok ko ay may naririnig akong nagtatawanang boses ng babae at lalaki. Siguro yung kuya niya at yung girlfriend niya. Dumiretso naman ako sa kusina nila. Oo, memoryado ko na ang bahay nila Jemuel. Eh sa tagal ba namin at madalas din niya akong dalhin dito sa bahay nila. Pagkalapag na pagkalapag ko ng pagkain ay may narinig akong pagbukas ng pintuan. Kaya't agad akong napatakbo at nagbabakasakaling si Jemuel na yun pero mali ako. Isang babae ang nakita ko. At ang pintuang nanggalingan niya ay ang pintuan ng kwarto ng boyfriend kong si Jemuel.

"Babe, may tao dito." sabi nung babae.

"Sino daw babe?" rinig ko mula sa kwarto niya.

Boses niya iyon. Teka?! Babe?! Tama ba ang pagkakarinig ko? Teka ako yung girlfriend niya. Hahaha. Siguro... Hindi mali. Mali tong iniisip ko. Narinig kong may tumayo mula sa kwarto at nagulat nalang ako ng makita ang boyfriend ko.

"Remie?!" gulat niyang sabi.

Ewan pero pagkasabi niya palang sa pangalan ko ay agad nalang tumulo ang butil ng tubig galing sa dalawa kong mata. Bakit parang ang sakit? Pangalan ko palang ang binabanggit niya napaluha na ako paano pag?... Hindi. Hindi mali ka ng iniisip Remie. Ikaw ang girlfriend niya, ikaw ang mahal niya. Hindi ka niya iiwan.

"Who is she babe?" sabi nung babae.

Napatingin naman ako sa babae at ibinalik ulit ang tingin kay Jemuel. Hindi daoat ako iiyak kasi wala akong dapat iyakan. Kami pa naman eh. Agad kong pinunasan ang mga luhang pumapatak sa aking mata hanggang sa maramdamang wala na nga ito.

"Remie, I'm sorry. I'm breaking up with you. I'm not happy anymore. I know hindi na magwowork tong relationship natin." sunod sunod niyang sabi na siyang ikinagulat ko.

The One (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon