Chapter 4: Her Past

20 0 0
                                    

dedicated to yooksungjaeMAHALkita 

Trace's POV

"No, hindi siya naloko, pero bitter siya" sagot ko kay Josh 

Sa totoo lang hindi naman ganito si EmEm dati siya yung batang madaling magtiwala, madaling iaproach, close sa pamilya, palangiti, at bukod sa lahat hindi puno ng galit ang puso, pero may nangyari 6 years ago na pag-gising nalang namin nila Gel ibang EmEm na ang nasa harap namin 

"Huh? Eh kung ganoon anong ibigsabihin mong bitter siya eh kung hindi naman pala siya niloko?" tanong ni Josh 

Nagtataka siguro kaya kung bakit ko siya tinutulungan eh alam ko namang playboy siya, naramdaman ko kasi na siya yung taong magbubura ng galit at hatred sa puso ni EmEm at papalitan yun ng pagmamahal 

"Hmm paano ko nga ba 'to sisimulan, ganito kasi yan......"

--6years ago-- (EmEm's POV)

"Sige Trace, Gel ,Jay-jay uwi na ako ha! gabi na rin eh uwi na rin kayo baka nagaalala na sila tita at tito"  6 pm na rin kasi tsaka excited na akong makita sila mommy at daddy ang dami-dami kong ikwekwento sa kanila at nagwave goodbye na ako sa kanila

Nasa Front gate na ako nung may narinig akong nabasag agad akong pumasok sa may lanay 

"I'm sorry Hope, but please understand." narinig kong sinabi ni daddy kay mommy

"Pa, Please don't leave me, hindi ka ba masaya? do you need a little space?, kahit ano ibibigay ko.. please 'wag mo lang akong iwanan" huh? iiwan kami ni daddy p-pero bakit? :(

" Bakit ba ang kulit kulit mo?! May iba na akong mahal! Sawang-sawa na ako Hope!" those words broke my heart, sabi niya hindi niya kami iiwan ni monmmy pero bakit ganito? bakit iiwan niya na kami?

lumabas na si daddy 

"D-dad d-diba h-hindi mo naman kami iiwan? kasi nagpromise ka sa akin eh diba sabi mo baby mo pa rin ako kahit malaki na ako diba daddy? d-diba?" lumuhod siya sa harap ko at hinwakan yung balikat ko... natatakot ako sa mga sasabihin niya

"Sorry baby, but I have to do this, don't be angry at daddy ha?" niyakap niya ako 

"Liar! Nangako ka sa akin! sabi mo hindi mo kami iiwan! I h-hate you! hik* b-bakit?" 

"A-anak please.." sabi ni daddy

"Please dad umalis ka na! para kay EmEm" sabi ni mommy

"Emily sorry ha kung ganito nangyayari sana maintindihan mo hayaan mo hindi ka naman iiwan ni mommy eh. nandito lang ako" sabi ni mommy

Kinabukasan 

akala ko panaginip lang yun pala hindi mas malala pa nga 'to sa nightmare eh 

hindi na ako kinakausap ni mommy, hindi na siya kumakain, wala na siyang imik nasasaktan niya na rin ako physically pero titiisin ko 'to alam ko namang matatapos rin 'to eh 

sana nga...

After ng ilang days mas lumalala si mommy pero hindi ko inaakalang aabot siya sa part na naglaslas na siya

akala ko iiwan niya na rin ako

nasa room niya ako ngayon papakainin ko na kasi siya

"Mommy kain ka na" umupo ako sa tabi niya

"Wala akong gana" walang buhay niyang sagot ni hindi siya tumingin sa akin

"Pero ma, kailanga--"

"Sinabing wala akong gana eh! gaano kahirap ba yun intindihin?!" tinabig niya yung kamay ko, hindi ko na rin napigilan yung luha ko

"E-Emily"

"B-bakit ka ba ganyan!Sana iniwan mo na lang rin pala ako!Akala ko pa naman hindi mo ako iiwan kasi nagpromise ka sa akin, pero mali ako eh nandyian ka nga sa tabi ko, pero hindi ko naman kayo nararamdaman eh! I hate you! pare-parehas lang kayo! Ayoko na!"

"E-emily anak please give me another chance, please anak" hahawakan nioya sana kamay ko pero tinabig ko na iyon

hindi ko na kaya eh ayoko na pagod na ako

"A-anak" tumakbo ako paalis

"Sorry po hindi po kasi ako--- E-Emily?!"

"J-James?" pinunasan ko yung luha ko ayokong makita niya ako ng ganito magaalala lang siya sa akin

"Umiiyak ka ba?"

"A-ako h-hindi noh! bat naman ako iiyak?" nagsmile ako

"Tss.. Sinungaling! Kung gusto mong umiyak nandito ako" tapos niyakap niya ako hindi ko na rin napigilan

"J-James bakit ganito? sabi ni daddy hindi niya kami iiwan? p-pero bakit?"

"Sshhh... sige ilabas mo lang makikinig ako"

"James ayoko na pagod na ako umiyak ayoko na, James pwede bang 'wag mo ikwento kina Trace magaalala lang sila eh" 

"Sige kung yan yung gusto mo"

Pagkatapos nung araw na iyon I started to become like this, cold hindi na nagtitiwala klung kanikanino, nangako rin ako na hinding hindi ako maiinlove ayokong matulad kay mommy. Pagkatapos rin nung araw na iyon wala ng ginwa si mommy kundi suyuin ako pero masama yung loob ko sa kanya hindi nagtagal sumuko rin siya at pinagpatuloy na lang yung business namin 

<End of Flashback> (back to Trace's POV)

Siguro nagtataka kayo kung paano namin nalaman ni Gel bago umalis si James sinabi niya sa amin

"I never knew na ganoon pala dinanas niya kaya ganito na lang siya ngayon." sabi ni Josh

Josh's POV

Hindi ko alam na ganon pala yun, akala ko trip niya lang, pero ano ba 'to nung narinig ko yung past niya parang gusto ko siyang alagaan parang ayoko ng ituloy yung balak ko... aish! gutom lang 'toh!

"Oo kaya please Josh kung plano mo lang paglaruan ang bestfriend ko please hindi siya laruan.. 'wag mo ng ituloy, she already had enough, sapat na yung nadanas niyang sakit."

"Seryoso naman ako Trace eh" Lie

"Buti kung ganoon"

"Teka nga! sino ba yung Jay-jay?" tanong ko 

"Ahh si James"

":Sinong James? andami-daming James sa mundo"

"Edi Ramos."

"Ahh.. Si James lang pala"

O____O

"Teka! You mean James Ramos?! yung katropa ko?" 

"Oo nga! ang kulit!" napakamot siya sa ulo niya

"Eh bakit hindi siya maalala ni Empress?"

"Hmm umalis kasi si James ng hindi nakapagpaalam kay Em to think na si James ang pinagsasabihan ni Em ng problema niya nung bata pa kami at umalis pa ito nung oras na iniwan siya nung dad niya at baka dahil na nga rin sa galit ni Em siguro nakalimutan niya si James." 

"Sabagay pero si James naalala niya pa rin kayo diba?"

"Oo"

"Eh bat hindi niyo na lang sabihin na si James ay si Jay-jay?" 

"Ewan ko doon kay james sabi 'wag daw sabihin eh, Ang dami mo namang tanong!"

Itutuloy ko pa ba? Argh! naguguluhan ako!

a/n

tutuloy pa nga ba ni Josh? abangan.... 

Gale<3

Operation: Make Her Fall Inlove ONHOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon