Chapter 1: The girl who never loved

28 0 0
                                    

dedicated to Yam-Yam28

EmEm's POV

"Emily sagutin mo na ako promise hindi ka magsisisi, hindi kita iiwan!" nkaluhod na sinabi ni James sa akin tss. Hindi kita iiwan ang pinakagasgas na linyang narinig ko 

"Tss.. sino ba kasing nagsabing ligawan mo ako? tsaka hindi naman ako pumayag na manligaw ka diba? kaya kung napapagod ka na at naiinip pwede ka namang tumigil na. Alam mo James nagsasayang ka lng ng oras mo. Gwapo ka, matalino, mabait at mayaman ka ang dami daming nagkakandarapa sayo. Kaya kung pwede ba tigilan mo na panliligaw mo sa akin kasi wala ka namang mahihita sa akin eh sayang lang oras mo." harsh na kung harsh nagsasabi lang ako ng totoo

"Em ang harsh mo naman sayang rin effort nitong si James, 3 months ka na nga rin niyang nililigawan." Siya si Tracy Rivera Trace for short bestfriend and childhood friend ko maganda, mabait, matalino at tinatawag rin na Cupid kasi kapag may problems yung iba sa love siya nilalapitan tsaka matchmaker rin siya. Actually 3 kami yung isa nagcr iniwan namin ang tagal eh

"Bakit ba? totoo naman eh nagsasayang lang siya ng oras niya" sagot ko sa kanya

"pero--" pinutol siya ni James

"Ok lang Tracy. Alam ko naman yun eh pero Emily hindi ako susuko, mahal kita eh kaya gagawin ko ang lahat para mapasagot lang kita." mahal? ok naman si James eh ideal man siya pero ayoko walang mabuting nadudulot ang love

"Gagawin mo ang lahat?"

"Oo lahat para lang sayo" sagot niya naman argh! nakakainis naman

"Sige talon ka sa building." 

"Emily Empress!" sigaw ni Tracy sa akin

"Ano?!"

"Ang rude mo! sorry James wago mo seryosohin yung sinabi ni EmEm nagbibiro lang yan hehe."

"Di ok lang ako." 

"Sige James kakausapin ko lang itong kaibigan ko ha, sorry ulit" hinatak niya ako palayo 

"Emily Empress Madrigal! Alam mo ang harsh mo kay James?! paano kung tumalon talaga yun sa building?! siya na nga lang last hope ko para hindi ka tumandang dalaga tapos gaganunin mo lang!"

"Tss.. bakit ko siya sasagutin eh hindi ko naman siya mahal."

"Em paano kung sumuko si James sayo katulad nung mga dati mong manliligaw?" yung mga dati ko kasing manliligaw 1 week pa lang suko na nachallenge lang yata sila sa akin eh 

"Trace, Em bat niyo naman ako iniwan sa CR ang tagal ko kayong hinanap tapos nandito lang pala kayo, Trace bat mo sinesermonan si Em?"  Yan yung isa naming bestfriend si Angelica Santos Gel for short maganda, mabait, matalino at MVP 

At ako nga pala si Emily Empress Madrigal EmEm kung close tayo grade 10 or 4th year. ayaw kong tinatawag akong Empress. Maganda, mabait, matalino at medyo mabait mataray kasi ako 

"Eh paano ang rude kasi nitong si EmEm kay James siya na nga lang last hope ko eh" sagot ni Trace kay Gel 

"Tss.. Bahala nga kayo diyan maglalakad-lakad lang muna ako." umalis na ako

--Hallway--

 Napacross arms ako sa nakikita ko isang babaeng umiiyak at yung playboy kong kaklase na may kasamang ibang babae

"Pero Eric kanina naman ok tayo pero bakit ngayon--" sabi nung babaeng naiyak

"Kanina nga yun diba? tsaka you're such a lousy kisser nabobored ako..ano nga name mo ulit?" sabi nung playboy kong kaklase 

"Haha! Right babe! sa akin hindi ka mabobored" sabi naman nung babae niyang kasama grabe ha! sana naghubad na lang siya ang ikli ng skirt tapos yung blouse niya ang sikip sikip at nakaunbutton pa yung first button wow ha! at nakuha pang maghalikan tsaka really babe? Yuck ano sila baboy?!

"Ehem! Excuse me lang ha! Pwede ba get a room nga! Hallway 'to hindi motel kaya kung pwede tumabi tabi kayo?! Geez! nakakasuka kayo! at ikaw naman" tinuro ko yung girl na umiiyak "Hindi dapat iniiyakan ang mga katulad niya kaya ayusin mo sarili mo!" sabay turo doon sa kaklase kong playboy

"Uhh.. Excuse me lang miss ha ako ba tinutukoy mo?" tinuro niya sarili niya

"Hindi hindi! malamang ikaw!" Tss.. uniinit dugo ko sa kanila 

"Aba! Palaban ka! I like you girlfriend na kita" nakasmile pa siya ha tingnan lang natin kung makangiti ka pa.. hinawakan niya yung kamay ko pero syempre inagaw ko yun eww lang! maghuhugas talaga ako ng kamay mamaya! baka madapuan pa ako ng germs ng lalaking 'to!

"Huh! Excuse me noh! In your dreams!" tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa " Hindi ako pumapatol sa mga katulad mong playboy mas pipiliin ko pang maging single habang buhay!" sabay walk out ko. Haha! nakakatawa lang yung reaksyon niya! Buti nga sa kanya pareparehas lang sila mga manloloko! Kapag nmagsawa sila sa'yo parang laruan ka lang nila na itatapon na lang o ipapamigay.

Manhater ako eh may magagawa ba kayo? I have my reasons naman eh.

a/n

sana magustuhan ninyo~! 

Operation: Make Her Fall Inlove ONHOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon