"Uy Nate! San ka galing? Kanina ka pa namin hinihintay ni Raff "
sabi sakin ng kaibigan ko na mukhang naiinis
"Pasensya na.. Kinailangan lang ako sa bahay.. Ano tara laro na tayo?"
"Syempre, anong gagawin natin dito? tatambay?"
"Pwede rin (at tumawa kami ni Raff)"
Pumasok kami sa Computer shop at maglalaro ng Dota
-------------------------------------------------------
FAST FORWARD
-------------------------------------------------------
Pagkatapos maglaro
"Gusto nyo pa Raff?"
tanong ni Maxx na nakakaloko
"Wala na ko pera eh.. Libre mo kami ni Nate (sabay tawa)"
nakakalokong sagot ni Raff
"Hahahaha tara kain nalang tayo sa park..
Tusok-tusok tayo dun gutom na ko"
"Basta libre mo kami ah"
"Oo sige"
sagot ni Maxx na may halong yabang ang mukha
Habang nag lalakad kami ay may nakita ako
Isang babae na mukhang anghel, maputi ito
at malarosas ang labi, Simpleng babae lamang sya
"Hoy Nate! anong tinitignan mo dyan tol?"
pangiting nasabi ni Maxx
"Wala tol, Tara lakad na tayo"
Nang makarating kami sa Park,
Nakita ko sya bumibili ng Inumin
Nagdadalawang isip na ko
Gusto ko syang lapitan kaso iniisip ko baka magmukhang tanga lang ako
"Nate ayaw mo ba magpalibre kay Maxx?"
nagtatakang tanong ni Raff
"Ahh tol, Pagtusok nyo nalang ako, may pupuntahan lang ako saglit"
"Tol teka! Ano bibilhin namin! OY NATE san ka pupunta?"
tanong sakin ng mukhang nakapag tataka ni Maxx
So ganun na nga, Pinuntahan ko na ung Babae na bumibili ng inumin
Habang papalapit ako, lumalakas ng lumakas ang tibok ng puso ko..
Hanggang sa nakaabot na ko sakanya
"Pabili po ng RC"
Habang bumibili ako ay nakaside-look ako sa babae
nang bigla syang tumingin sakin..
Ako naman ay nakadiretsong tingin lang,
Di ako makagalaw, Para akong natutunaw.
Hanggang sa nagkalakas loob ako na kausapin sya
"M-miss ano pala pangalan mo?"
"Yumi.. Yumi ang pangalan ko, Ikaw ba?"
"Ahh, Nate ang pangalan ko, Nice to meet you pala Miss Yumi"
"Ahh.. Nate.. Nice to meet you din po"
Nang biglang binigay ng nagtitinda ang binibili nya
"Osige, Mauna na ko Nate, naghihintay pa kasi mga kasama ku dun.. Nice to meet you ulit (ngumiti)"
"Ahh, S-sige.. Ingat kayo.. Nice to meet you rin"
Nang binigay ng nagtitindiha ang binili ko
"Salamat po"
Naglalakad na ko papunta kayla Maxx at Raff
"YUMI, YUMI ang pangalan nya.. Bagay na bagay sakanya"
"Nate! bat antagal mo?! eto na ung pinapabili mo"
nakakalokong itsura ni Maxx
"May binili lang ako nauuhaw na ko eh"
"May buko naman sa tabing tindahan ah"
"Gusto ko Softdrinks eh"
Pagabi na kaya naman umuwi na kami
Pagdating sa bahay, nagpahinga ako
at bigla akong tinawag ni Amy (Baby sis ko)
"Kuya kuya.. Kakain na po tayo, Tara na (at ngumiti sya)"
------------------------------------------
Fast Forward
------------------------------------------
Oras na para matulog naming dalawa ni Amy
Katabi ko matulog si Amy
Kasi ayaw nya magisang natutulog
Ako naman ay hindi makatulog
Iniisip ko si Yumi
Tinignan ko ang orasan
[12:02am]
Nagulat ako, dahil first day of school bukas
Kaya natulog na ko
KINABUKASAN
Pumasok na ko sa Eskwelahan, dun din pumasok si Amy
At nagulat ako dahil..
To be Continued... XDD
BINABASA MO ANG
Lucky to have my Bestfriend
Fiksi RemajaSabi ng kanta "I'm lucky im inlove with my bestfriend" Pero LUCKY nga ba? Sabi nila maganda daw magkaroon ng boy bestfriend ang isang babae. Sabi naman ng iba, "Your bestfriend is your best Enemy." Dahil daw alam nya lahat ng tungkol sayo. Naramdam...