Nagsscroll ako sa News Feed sa Facebook ko dahil sa matinding kabagutan at napaaga rin ako ng gising. Scroll lang nang scroll, gusto ko lang maka-catch up sa mga nangyayari sa mga naiwan kong kaibigan sa Pilipinas.
Bakit? Kasi nag-migrate ang family ko sa California. Ang dami kong dinanas. Nung una, malungkot at masaya ang reaksyon ko. Malungkot, kasi mahihiwalay kaming magkakaibigan. Pati na rin sa crush ko. Hehe. Pero masaya rin kasi makakapunta na rin ako sa ibang bansa, which will be a new experience for me.
Pero pagdating dito, which was two years ago, naging pure sadness na lang ang na-experience ko. Pagdating sa new school ko, na-out of place kaagad ako. May mga grupo ng cheerleaders, varsity players, nerds, musicians, goths, rockers, at kung anu-ano pa. Hindi ko alam kung saan pupunta.
May mga times pa nga na pinagtitinginan ako at parang tinatawanan.
Pag-uwi ko sa bahay, tinanong agad ako ni mama kung ano nangyari sa first day. Sabi ko na lang, "Okay naman po."
So ayun, napaka-boring. Hanggang ngayon, wala pa rin akong matinong friends dito at naging taong-bahay ako. Dun naman sa Facebook, parang kinalimutan na ako. 'Yun na nga lang ang naiisip kong paraan para makipag-connect sa kanila tapos parang wala pang kwenta sa ngayon.
Tinignan ko ang Timeline ko. Annie Gonzales. Tinignan ko ang photos ko with my barkada.
Nakakatuwang wacky pics, stolen shots, scripted poses, at kung anu-ano pa ang nagpaluha sa mga mata ko. Iba't-ibang alaala ang bumaha sa isip ko.
"Annie! Kain na!" tinawag na ako ni mama pagkatapos kong mag-reminisce.
"Sige po, sandali lang po!" sagot ko.
Pinunasan ko ang kanina pang tumutulong mga luha ko at nag-ayos. Ini-log out ko na ang account ko at bumaba.
"Annie, did you cry? Namumula mata mo eh. Tell me what's your problem," sabi ni papa.
Kainis. Halata pa rin pala na umiyak ako.
"Ah... Eh, ano, wala lang po."
"Sus, kungwari ka pa. Homesick ka pa rin ba? Naku, akala ko ba close na kayo nina Macy and Leo, your new friends?"
Sila Macy at Leo nga pala ang unang lumapit sa akin last year. Pero hindi ko naman alam kung seryoso ang friendship nila sa'kin. Half-Filipinos sila. Fraternal twins sila at ang mom nila ay Filipina.
"Hehe, naku, ma. Okay na po ako, nakita ko lang kasi ang photos ko dati."
"So, what are your plans for your 16th brthday?"
"Mama naman, tagal-tagal pa nun e. Excited lang? At kahit naman mag-party ako, wala naman po akong mai-invite."
Pagkatapos maghugas ng mga pinggan, bumalik na ako sa kwarto at iniwan sila mama at papa sa sala.
Tumingin ako sa salamin. 15 years old na ako ngayon pero hindi pa rin talaga ako marunong mag-ayos ng sarili.
Nagsusuot ako ng salamin, retainers, magulong buhok, at outdated na pananamit. Sino ang gugustuhing sumama sa akin?
May pagka-mestisa ako dahil American ang lola ko. Namana ko siguro ang recessive traits niya.
Tinanggal ko ang salamin at retainers ko at sinuklay ang buhok. Kaya ko pa naman pala makakita nang malinaw kahit walang salamin eh. Teka, bakit nga ba ako nagsasalamin ulit?
Tumingin ako sa cabinet kung anong pwedeng suotin. Tees, tees, and tees everywhere. From black to gray, to blue. Napaka-boring ko palang tao. Well.
Tapos puro pants, pants, pants. Sneakers, sneakers, sneakers. Well, dun ako comfortable eh. Pero ewan ko, parang gusto ko na lang magbago.
Hanggang sa may nakita akong drawer na kung saan nilalagay ko ang lahat ng binibigay sa akin ni mama na damit na ayaw kong suotin.
BINABASA MO ANG
Tale of a Hopeless Romantic
Teen Fiction© 2013 Scarlet Sharpie (One-shot) Annie's family migrated to California and now she's homesick. She is a hopeless romantic hoping to have a new life ahead. Luckily, she have friends that may help her through her everyday life. Will she have a future...