Chapter 6.B

210 6 3
                                    

@John Vic De Guzman

Hey Guys, its me John Vic De Guzman. Wala na akong ibang masasabi kundi masaya ako kasi nasali ako sa 2016 Olympics.

"One of the owner of these Gym made this" at tumingin siya sa phone niya na tumunog " And speaking of the devil" nakatingin sa gate na bumubukas na sabi ni Natalia. At may sasakyang pumasok, hindi lang sasakyan isang Lamborghini Sesto Elemento ang pumasok. Woah! At dahil malapad ang front yard nila sa gilid ng isang puno niya pinark ang sasakyan na malapit lang sa amin

Nang bumukas ang pinto, akala ko lalake ang lalabas. Pero Shet!, isang babae ang lumabas. Babaeng naka-black na jeans,long-sleeved V-neck na white, sneakers na pula at naka-shades. At ang buhok nya, black lang pero parehas kay Natalie, curl ang ibaba pero straight ang itaas. Tinanggal niya ang shades niya at ang mata niya, kulay—Amber green. Ang ganda ng niya.

"Yow kambal!" nakangising sabi nya at lumakad papunta sa kambal

"Hey Brit" nakayakap na sabi ni Natalia at nakipag-appear si Nathaniel kay "Brit"—yun ang tawag nila eh, ginaya ko lang.

"Ikaw pala ang sinabihan nila na pumunta dito?" tanong ni Nathaniel

"Hindi, pero nag-volunteer ako sabi kasi nila na nandito si—alaam niyo na—gusto ko kasi siyang makita. I think the years that we have parted, are enough time for us to miss her" sino kaya ang "Her" na sinasabi nila. Tanungin ko kaya si Mika, baka may nasabi si Nathaniel sa kanya

"Mik?" kuhit ko sa kanya. Nasa likod nya kasi ako eh.

"Oh. Vic, I..Ikaw pala yan. B..Bakit? putol-putol na sabi ni Mika na parang ni-ninerbiyos.

"Okey ka lang? Para kang nini-nerbiyos ha?" tanong ko sa kanya, para nga rin siyang namumutla eh

"Ah, Oo. May sasabihin ka"

"Sa tingin mo sino kaya ang babaeng tinutukoy nila? Kanina pa yan eh, sa bus nga eh, may sinabi yung—Alexandrea yata yun na personal reason kung bakit bumalik sila dito. Sa tingin ko yung babaeng yun ang tinutukoy niya eh, kung bakit sila bumalik. Ano sa tingin mo?" mahabang tanong ko sa kanya, pero mas namutla pa siya eh,pagkatapos kong tanungin yun

"Ahh, S..Sa tingin k...ko—"

"OhMYGOD!!! Brittany Carsiriaghi ang nag-iisang Robotics Engineer sa Alpha's. Oh My God, Idol po talaga kita. Di ba po, grumaduate ka sa edad na 15 sa Massachusetts Institute of Technology, at nagtrabaho ka sa IROBOT noong 18 ka palang" sabi ni Czarinah—na naman—at tumakbo pa papunta kay Brittany at niyakap siya. Pero masasabi ko talaga na hindi maarte si Brit—Brit lang ang itatawag ko sa kanya para mas-short—kasi niyakap niya rin si Cza at ngumiti.

"Yup, its me. In Flesh and Blood. And may I know your name my dear?" sabi ni Brit na nakangiti kay Cza

"Ako po si Czarinah, Idol ko po talaga kayong lahat. Alam ko po kung ano-ano ang mga trabaho nyo at kung saan at kung saan kayo nag-aral. Nagpabili nga po ako ng magazine na kayo ang na-feature sa pinsan ko po na nasa UK, kasi sabi nila hindi daw mabibili ang magazine na yun dito sa Pilipinas Idol ko po talaga kayo. Pwede pong pa-picture" parang na-iiyak na sabi ni Cza. Sino kaya talaga sila?

"Sure2" at nagpapicture sila kay Nathaniel gamit ang phone nya.

"thank you po talaga mga Idol. 3 down 11 more to go. OhMyGosh" sabi ni Cza tsaka pumunta kay Coach Roger—hindi po anak ni Coach Roger si Cza, sadyang close lang talaga sila.

"Okey, I guess nasabi na ni Czarinah ang pangalan ko at ibang detalye tungkol sa akin. Anyway, my name is Brittany Carsiriaghi. Yes, I am a Robotics Engineer.But, I designed the Alarm system and the Security system of these Gym. Do you have any questions?" sabi ni Brittany na nakatingin—ewan ko kung sa akin o kay Mika na nakangiti

"I think wala na silang tanong. So buksan na natin ang Gym para maka-practice sila. Alas-9 na oh" sabi ni Natalia na parang nakatingin kay Kevin Ferrer, ewan ko lang, baka guni-guni ko lang to.

"'San ka nakatingin kambal? Ikaw ha?" nakangising sabi ni Nathaniel sa kapatid niya

"Heh, Ikaw nga rin eh. Brother-Dear, do you want me to talk to the girl who—I think—caught your attention for the past 30 minutes?" nakangisi at nakaakbay ring sabi ni Natalia sa kapatid niya.

"Wala kaya. Halika na Brit, buksan na natin 'tong pinto para maka-practice na sila" namumulang sabi ni Nathaniel at tumalikod. Nilagay niya ang kamay niya sa screen na nasa gilid ng pinto at nag-papula sa isang circle na nasa ibabaw ng pinto,

"Pikon ka talaga kambal, 'lam mo yun. Ang sarap mong pag-tripan. hahahahahah" tumatawang sabi ni Natalia at nilagay rin ang kamay niya sa screen at nagpapula sa ikalawang circle.

"Oo nga Nath, Lighten up, 'wag kang pikon, baka pumangit ka at hindi ka na masugtuhan ng bago mong naggustuhan. Hahahahaha" parang mas magkapatid pa sina Brittany at Natalia eh, parehong magaling mamikon. Pagpula sa ikatlong bilog ay bumukas na ang pinto

"Welcom to AlphaElite Gym" sabi ni Brittany at pinapasok kami

Pagapasok namin ay napa-"Woah" kaming lahat.

Para pang-hotel ang entrance niya. Pero saan kami magpa-practice? Eh, ang liit ng lugar na'to?

(A/N:  Hello Readers (kung meron man) Sorry kung hindi ako gaanong nakaka-update. Hindi talaga kasi ako writer kaya naghahanap pa ako ng mga inspirations. Heheheheh. Anyway, feel free to comment po. And please bear with the grammar, spelling and the way I write the story. Amateur pa kasi ako. heheh. ADVANCE MERRY CHRISTMAS!!)

The Spiker's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon