Sana, Sinabi Mo

424 12 8
                                    

Pakiplay po yung video for background music (SCARED TO DEATH by KZ Tandingan) para mas feel :-) Wahehe!!! Thank youuu :-*

__________________________________________________________

SANA, SINABI MO.

Unang beses kitang nakita, nasa school canteen ka at natapunan ka ng juice. Lumapit ako sayo para bigyan ng panyo pero di mo tinanggap at di na lang ako pinansin. Nagmukha akong tanga dun dahil parang kumakausap ako ng hangin dahil sa hindi mo pagpansin sakin. Hindi ka pala tumatanggap ng bagay galing sa taong hindi mo kilala...

Sana, sinabi mo.

Pabalik na ko sa classroom ko at nakita ulit kita sa pangalawang pagkakataon. At this time, mukhang minalas ka ulit dahil nakita mong nakakalat ang mga gamit mo sa labas ng classroom nyo habang nagtatawanan ang mga kaklase mo. Pinagtitripan ka na pala ng mga kaklase mo...

Sana, sinabi mo.

Sa pangatlong pagkakataon, nakita ulit kita sa campus ground at pauwi ka na ata. Pero mukhang di matatapos ang araw na yun kung hindi mo yun ituturing na pinakamalas mong araw dahil itinulak ka ng mga kaklase mong babae at nadapa ka, kumalat ang mga gamit mong dala at dumugo ang tuhod mo. Halatang nasaktan ka dahil mukhang naiiyak ka na...

Sana, sinabi mo.

Nilapitan kita para pulutin ang mga gamit mo at tulungang tumayo pero umiwas ka at umalis kaagad. Mukhang umiiwas at galit ka ata sakin nung mga panahon na yun...

Sana, sinabi mo.

Nalaman ko kaya hindi mo tinanggap yung panyong inabot ko sayo dahil tinignan ka ng masama ng mga kaklase mong babae...

Sana, sinabi mo.

Napag-alaman ko rin na dahil sa nangyari nung una kitang nakita kaya ka binubully ng mga kaklase mo lalong lalo na yung mga babaeng nagkakagusto sakin. Inaaway ka na pala nila at ako ang dahilan...

Sana, sinabi mo.

Hindi mo na kinaya ang pangbubully nila sayo kaya kahit 1st year at ilang buwan palang ang nakakalipas magmula noong nag-umpisa ang klase ay napagdesisyunan mong umalis na at lumipat ng ibang school. Simula noon, hindi na ulit kita nakita. Sobrang nahihirapan ka na pala sa mga ginagawa nila sayo to the extent na nagtransfer ka pa sa ibang school. Masyado ka na palang nahihirapan at nasasaktan...

Sana, sinabi mo.

When I was in my 1st year college, I was surprised na after how many years nakita ulit kita, magkaklase pala tayo. Ikaw yung binubully dati ng mga kaklase mong may gusto sakin nung nasa high school tayo. Inapproach kita, I felt somehow that we were connected. Naging FC (feeling close) ako. Nagpakilala ako sayo, sinabi ko halos lahat ng infos about sakin - birthday, tirahan, hobbies, likes, dislikes, parang nagsagot na nga ako ng slumbook e. Ang dami kong naikwento sayo, kulang na nga lang ata pati history ng mga ninuno ko. Sobrang ginanahan akong magkwento nun sayo kaya lumabas ang pagiging madaldal ko. Aw! Ang gay! Sinabi ko na Xian Rodney Sy ang buong pangalan ko. Sa sobrang haba ng naikwento ko sayo, narinig na lang natin ang pagdismiss ng professor natin ng klase. Kaya nagligpit ka na ng gamit mo at agad umalis. May nakalimutan akong alamin tungkol sayo, nakalimutan kong itanong kung anong pangalan mo...

Sana, sinabi mo.

Nung mga sumunod na araw, finally, nalaman ko rin na ang pangalan mo pala ay Quiella Nica Shin. Ang ganda ng pangalan mo parang ikaw, unique katulad mo. Sakto naman na alphabetical order ang seating arrangement natin kaya magkatabi tayo. Kinakausap kita pero mukhang hindi ka interesado kaya tumahimik na lang ako. Nagpaalam ka sa prof natin na lalabas ka, sinundan kita kasi napansin kong matamlay at namumutla ka. Nakita kong dumiretso ka sa clinic, masama na pala ang pakiramdam mo...

Sana, Sinabi Mo (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon